Pagkasira ng ating mga Institusyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 460 total views

Hindi ka ba nababahala sa pagkasira ng iba’t ibang institusyon ng ating bayan, kapanalig? Isa isang pinatutumba ang reputasyon at kredibilidad ng ating mga haligi. Sa halip na patatagin ang mga institusyon – mga pundasyon –  ng bayan, pilit itong sinisira at dinudumihan ng mga taong may hawak ng kapangyarihan sa bansa.

Unang sinira ang kredibilidad ng media, kapanalig. Binuwag ng nasa poder ang tiwala ng tao sa ating media sector, na hindi man perpekto, kapanalig, ngunit sandigan pa rin ng tao. Ang media sana, kapanalig, ang kasangga natin sa pagbubungkal sa katotohanan. Ngayon, hindi na natin alam kung ano ang totoo. Ngayon, lahat na lamang ay fake news.

Nabuwag na rin ang mga pamilya, lalo na mula sa maralita. Sa halip na patatagin ito at iahon sa kahirapan, ang maralita ay ginawang mga latak ng lipunan. Ang buhay nila ay nawalan ng halaga. Sa laban sa droga, sila ang unang namatay, sa hanay nila ang maraming naulila. Sa panahon ng pandemya, sila ang unang nadapa sa kahirapan. Ang mga drivers naging pulubi, ang mga vendors, kinukulong, ginugulpi.

Nawalan na rin ng tiwala ang maraming mga Filipino sa kapulisan. Kaliwa’t kanan ang batikos sa kanilang hanay sa ngayon. Noong nakaranang taon, halos 80% ng mga nasurvey ng SWS ang naniniwala na may ninja cops – mga pulis na nagre-recycle ng mga droga.



Ngayon, pati ang sektor ng edukasyon ay binabahiran na rin ang reputasyon. Inaakusahan ng AFP at ng iba pang nasa poder na ang UP ay sentro ng communist recruitment, pati na rin ang iba pang naglalakihang unibersidad gaya ng Ateneo, La Salle, UST at FEU. Sa panahon ng online learning, kung saan ang mga bata ay wala sa campus, saka pa nabansagan ang mga paaralang ito na communist hubs.

Ang ating lipunan, dahil sa hinayaan nating masira ang mga institusyon ng bayan, ay watak watak. Hindi tayo magkasundo, hindi tayo magkaintindihan. Ika nga – na divide na tayo, kapanalig, kaya napakadaling ma-conquer. Sa susunod na mga araw, kung tayo ay mananatiling marupok at hiwa-hiwalay, unti-unti ng mananakaw ang ating kalayaan at demokrasya. Malalagay sa peligro ang ating konstitusyon. Maaring mabalahaw pa ang darating na eleksyon.

Ang mga institusyon ng bayan, kapanalig, ay dangal ng ating bansa. Hindi ito dapat maging “political pawns,” mga bagay na dapat ipatumba o kontrolin upang may mga pinunong tuloy tuloy ang paghahari. Ang mga institusyon ng bayan ay ating depensa, sandigan, at  kaalyado. Sila ay tinatag para sa tao. Ayon nga sa Mater et Magistra, kung wala na ang mga institusyon ng bayan, “incurable disorder ensues.” Ayon pa sa Pacem in Terris: Human society can be neither well-ordered nor prosperous unless it has some people invested with legitimate authority to preserve its institutions and to devote themselves as far as is necessary to work and care for the good of all.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 47,126 total views

 47,126 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 42,995 total views

 42,995 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 79,197 total views

 79,197 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 87,906 total views

 87,906 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 113,221 total views

 113,221 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT BIGO ANG K-12?

 47,127 total views

 47,127 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 42,996 total views

 42,996 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 79,198 total views

 79,198 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 87,907 total views

 87,907 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »
Scroll to Top