Panindigan ang pangangalaga sa kalikasan, hamon sa Duterte administration.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 411 total reads

Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity ang kasalukuyang administrasyon na panindigan ang pangangalaga sa kalikasan.

Ayon sa Obispo, dapat din tuparin ng Pilipinas ang naunang pangako nito sa isinagawa noong nakaraang taon sa Conference of Parties sa Paris.

“Sana panindigan ng ating pamahalaan ang pinirmahan natin, ang ating ipinangako duon sa Paris Covenant na ginawa noong nakaraang taon, nagbigay po tayo ng ating pangako na babawasan ang ating cabon emission at ang isa pong malaki na nagbibigay ng carbon emission ay ang pagmimina, pagkasira ng ating kalikasan. Kaya sana panindigan ng ating kasalukuyang pamahalaan, ang ating ipinangako at maghanap pa ng ibang pamamaraan upang mapangalagaan ang kalikasan natin.” Pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Ang United Nations Conference on Climate Change o COP 21 na isinagawa noong November 30 hanggang December 12, 2015 ay nagkaroon ng kasunduang pabababain ang carbon emissions sa bawat bansang lalagda dito.

Lumagda ang noo’y si Pangulong Benigno Aquino III sa kasunduang pabababain ang 70% carbon emission ng Pilipinas bilang ambag sa International Community.

Kamakailan naman ay inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito maaaring sundin ang kasunduan sa COP 21, dahil aniya, lalong babagal ang pag-unlad ng Pilipinas kung patuloy na magkakaroon ng power shortage ang bansa.

Gayunman bukas ang kayang liderato at ang Department of Environment and Natural Resources na humanap ng mga paraan na makabubuti sa pag-unlad ng bansa habang hindi nasasakripisyo ang kalikasan.

Una nang iminungkahi ni Pope Francis, sa encyclical nitong laudato si ang pagpapalawak ng pag-gamit sa renewable energy upang maibsan ang kakulangan sa kuryente, at mapalitan ang mga fossil fuels na nagdudulot ng pagkasira sa kalikasan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,803 total reads

 11,803 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 13,061 total reads

 13,061 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 27,237 total reads

 27,237 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 64,615 total reads

 64,615 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 95,885 total reads

 95,885 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 171,371 total reads

 171,371 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 264,275 total reads

 264,275 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 375,921 total reads

 375,921 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top