CENPEG, tutol na ilibing si Marcos sa libingan ng mga bayani.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 636 total reads

Nanindigan ang Center for People Empowerment in Governance o CENPEG na hindi nararapat ihimlay sa Libingan ng mga Bayani ang dating diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos na nagpahirap at lumapastangan sa maraming karapatan ng mga mamamayan.

Ayon kay UP Prof. Ronald Simbulan – Vice Chairman ng CenPEG, nararapat ring bigyan ng karangalan ang naturang libingan na inilaan para sa mga mabubuting modelo at ehemplo para sa sambayanang Pilipino kaya’t hindi nararapat na pahintulutan ang paghihimlay dito sa dating diktador na lumabag sa maraming karapatang pantao at nagnakaw sa kaban ng bayan.

“We don’t agree that he should – former Dictator should be buried there even in a symbolic way dahil it supposed to be reserved for people whom we wants to be model, kaya nga siguro pinangalan ng ganun yung name niya ‘Libingan ng mga Bayani’ ..” pahayag ni Simbulan sa panayam sa Radio Veritas.

Nauna nang kinumpirma ni dating Senador Bongbong Marcos ang paglilibing sa kanyang ama sa ika-18 ng Setyembre ng kasalukuyang taon sa 103-ektaryang Libingan ng mga Bayani kung saan nakahimlay ang may 49-na-libong sundalo, war veterans at mga itinuturing na martir at bayani ng bansa.

Sa kabila nito, pinatawan ng 20-araw na Status Quo Ante Order ng Korte Suprema ang nakatakdang paglilibing sa dating Pangulo upang bigyan ng pagkakataong dinggin ang mga petisyong inihain ng iba’t ibang grupo laban dito.

Sa tala sa ilalim ng Batas Militar na nagsimula noong 1972, tinatayang aabot sa higit 3,000 ang sinasabing pinaslang dahil sa hindi pag-sangayon sa patakaran ng Administrasyong Marcos habang sa isinagawang pagsisiyasat ng Office of the Ombudsman noong 1988, nasa 100 milyong piso kada araw ang nawawala sa pera na bayan dahil sa laganap na katiwalian.

Nauna nang iginiit ni CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairperson Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na hindi tamang bigyang parangal at ituring na bayani ang dating Pangulong Marcos dahil sa malaking kapinsalaang idinulot ng kanyang Administrasyon sa buong bayan partikular na ang mga paglabag sa karapatang pantao at katiwalian sa kaban ng bayan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 12,579 total reads

 12,579 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 13,775 total reads

 13,775 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 28,511 total reads

 28,511 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 65,888 total reads

 65,888 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 97,158 total reads

 97,158 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 172,566 total reads

 172,566 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 265,417 total reads

 265,417 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 25,736 total reads

 25,736 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top