Gobyerno, nanawagan ng pakikiisa at pakikipagtulungan ng mamamayan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 499 total reads

Nanawagan ng pakikiisa at pagkikipagtulungan sa bawat mamamayan si Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar sa gitna ng banta ng mga terorismo sa bansa matapos ang pagsabog sa Davao City kung saan 14 ang namatay habang mahigit sa 60 katao ang nasugatan.

Sa mensaheng ipinaabot ng Kalihim, binigyang diin nito ang civic responsibilities o tungkulin ng bawat mamamayan sa lipunan upang sama-samang mapagtagumpayan ang banta laban sa kaayusan at katahimikan sa bansa.

Pagbabahagi ni Andanar, bukod sa pag-aalerto sa pwersa ng mga pulis at mga sundalo sa bansa, ay kinakailangan rin ang aktibong pakikipagtulungan ng mga mamamayan upang mas maprotektahan ang kapakanan ng bawat isa mula sa mga terorista.

“The best way is to get our acts together as a government and as one people. Because if we stop what we are doing, parang nanalo ang terrorista,” ang bahagi ng pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar.

Kaugnay nito, isinailalim na sa Nationwide Full Alert Status ng Philippine National Police ang buong bansa habang naka-heightened alert na rin maging ang Armed Forces of the Philippines na agad na nagpakalat ng mga pulis sa iba’t ibang lugar upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan.

“We have to accept the fact that our government is on a serious war against illegal drugs and against terrorism in Sulu and Basilan, and these terrorists will always find a way to retaliate, of course yun ang trabaho nila to terrorize people.” Dagdag pa ni Andanar.

Samantala, batay sa pagsusuri ng Global Terrorism Indez noong 2013, pang-siyam ang Pilipinas sa mga bansang lubhang naaapektuhan ng terorismo na kagagawan ng mga grupong New People’s Army (NPA), Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Abu Sayaf Group na gumagawa ng mga serye ng suicide bombing bilang taktika ng pag-atake.

Kaugnay nito, una nang nanawagan sa taumbayan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP na huwag mag-panic at maging vigilant o mapagmatyag sa mga kaganapan sa kapaligiran at makipagtulungan sa mga otoridad upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 50,356 total reads

 50,356 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 87,551 total reads

 87,550 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 122,849 total reads

 122,849 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 349,119 total reads

 349,119 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 239,616 total reads

 239,616 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top