Urban poor community sa Pasay city, bibisitahin ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 711 total reads

100 mahihirap na pamilya ang bibigyan ng ayuda ng bagong Arsobispo ng Maynila Archbishop Jose Cardinal Advincula at Caritas Manila.

Isasagawa ang gift giving ni Cardinal Advincula bago pangunahan ang pagdiriwang ng banal na misa sa Mary Comforter of the Afflicted Parish sa Maricaban, Pasay.

bukas ika-27 ng Hunyo ay bibisita si Cardinal Advincula sa nasabing komunidad sa Pasay City kung saan magkakaroon ng Motorcade at “Symbolic Gift Giving”.

Ito ang unang pgkakataon para kay Cardinal Advincula na bisitahin ang isang komunidad sa Arkidiyosesis bilang bahagi ng nakaugaliang tradisyon kung saan ang mga bagong Arsobispo ng Maynila ay bumibisita at nakikisalamuha sa mga mahihirap.

Gaganapin ang banal na misa ganap na alas diyes ng umaga kung saan dadalo ang alkalde ng Pasay City at iba pang mga opisyal ng lokal na pamahalaan at ng Simbahang katolika.

Makikiisa at makikibahagi din si Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Rev. Fr. Anton CT Pascual sa gaganaping pamamahagi ng food bag.

Magugunitang mula ng magsimula ang mga community lockdown sa bansa ay naging abala ang Caritas Manila sa
pamamahagi ng ayuda partikular na ng mga gift certificates kung saan isa ang Mary Comforter of the Afflicted Parish sa Mga benepisyaryo nito.

Nito lamang ika-24 ng Hunyo ay ganap nang itinalaga si Cardinal Advincula bilang ika-33 Arsobispo ng Maynila.

Huling isinagawa ang tradisyon ng pagbisita sa komunidad ng bagong Arsobispo ng Maynila noong taong 2011 kung saan ginanap ito sa Baseco Compound, Tondo Maynila ng noo’y bagong Arsobispo Luis Antonio Cardinal Tagle.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 73,779 total reads

 73,779 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 152,274 total reads

 152,274 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 185,722 total reads

 185,722 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 221,019 total reads

 221,019 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 444,555 total reads

 444,555 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,917 total reads

 111,917 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top