Aral ng lumot sa panahon ng pandemya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 545 total reads


Larawan kuha ng may-akda sa Tam-Awan, Baguio City, 2018.
Minsan isang umagang kay panglaw
sikat at busilak ng araw aking tinatanaw
ako ay gininaw sa malagim na katotohanan
hindi pa rin papanaw 
at patuloy pang hahataw 
pananalasa nitong pandemya;
Kahit mayroon nang bakuna
dumarami pa rin mga nahahawa
isang paalala maaring lumala pa
bago humupa at tuluyang mawala na.
Noon din ay aking namataan 
mga tumutubong halaman 
sa kapaligiran tila nagsasabi
huwag susuko
magpatuloy sa paglago
ano man ang panahon
tagtuyot o pag-ulan
manatiling luntian
maski mga dahon lamang
saka na mga bulaklak at bunga.
Larawan kuha ng may-akda, Malagos Gardens, Davao City, Agosto 2017.
Pinakamahalaga
manatiling buhay at umunlad
sa gitna ng karahasan
aral ng mga halaman
sa ati'y kay lalim at
napakayaman sa
kahulugan na maari nating
tularan at gamiting aral
na gagabay sa ating buhay
ngayong panahon ng pandemya.
Sa lahat ng halaman
na lubos kong kinagigiliwan
bukod sa hindi ko kailangang
mga ito ay alagaan 
ay ang mga lumot
sa sumusulpot 
maski sa mga sulok-sulok 
na kahit malimot
tutubo at lalago, kakapal
parang alpombra sa mga paa!
Hindi gaanong naabot
ng liwanag itong lumot
ngunit kay lamig sa paningin
kay gandang tanawin
kung ating susuriin
nagsasabi sa atin
ng himig ng lilim at dilim
tinig na mahalumigmig;
hindi man masikatan ng araw
mayroon din busilak sa kadiliman!
Paalala sa atin ng mga lumot
ngayon ang panahon ay masalimuot
katotohanan at kagandahan
nitong ating buhay
bumubukal saan man malagay;
Maykapal sa ati'y hindi humihiwalay
pahalagahan at pangalagaan
lahat ng ating taglay
dahil walang kapantay ating buhay, 
mas makulay sa ano mang halaman
lalo't higit sa lumot
huwag sanang iyan ay malimot.
Larawan kuha ng may-akda, Agosto 2019.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,629 total reads

 77,629 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,855 total reads

 155,855 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 189,302 total reads

 189,302 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,599 total reads

 224,599 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 448,028 total reads

 448,028 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Sealed with the Holy Spirit

 7,829 total reads

 7,829 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 16 October

Read More »

Be my everything, Jesus

 14,350 total reads

 14,350 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Wednesday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 14 October

Read More »

Fatima, our G-U-I-D-A-N-C-E

 9,803 total reads

 9,803 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday, 109th Anniversary of Last Apparition of Blessed Virgin Mary

Read More »

It might be you?

 17,442 total reads

 17,442 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 12 October

Read More »
Scroll to Top