Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 737 total reads

Ang nutrisyon ay isa sa mga suliranin ng Pilipinas na kay hirap tapusin. Taon-taon na lamang, ating nakikita na marami pa ring mga bata, pati mga nagdadalantao, ang kulang na kulang sa maayos na nutrisyon sa ating bansa.

Ayon nga sa isang pag-aaral ng World Bank, halos tatlumpung taon nang wala masyadong pagbabago sa sitwasyon ng undernutrition sa ating bansa. Isa sa tatlong bata pa rin na may edad lima pababa sa ating bayan ay stunted, o maliit para sa kanyang edad. Maliban pa dito, pang-lima ang bansa sa sampung bayan sa East Asia and the Pacific region na may mataas na bilang ng mga batang kulang sa laki o bigat para sa kanilang edad. Ang nakakalungkot, may mga lugar pa sa ating baya kung saan mahigit pa sa 40% ng mga populasyon ng batang may edad lima pababa ang stunted. Kasama sa mga lugar na ito ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na may 45%, MIMAROPA, 41%, at tig-40% naman sa mga rehiyon ng Bicol, Western Visayas, at SOCCKSARGEN.

Kapanalig, ang nutrisyon ng mga bata ay mahalaga, hindi lamang para sa mga bata o sa pamilya nila, kundi para sa bansa. Baka nakakalimutan natin na ang mga bata ay kinabukasan ng bayan. Anong naghihintay sa ating bayan sa kalaunan kung puro gutom at kulang sa nutrisyon ang ating mga batang pinalalaki?

Ang mga batang kulang sa nutrisyon kapanalig, ay maraming kinakaharap na banta sa buhay. Unang-una, ang batang kulang sa nutrisyon ay malapit sa sakit pati na rin sa mortalidad. Nade-delay din kapanalig ang kanilang development, hindi lamang sa katawan, kundi pati sa ibang aspeto ng kanilang buhay – gaya sa kanilang pag-iisip pati kapasidad na makapag-aral. Ang batang kulang sa nutrisyon ay kulang din ang lakas para sa kanilang mga pangkaraniwang gawain.

Kapanalig, ang problema natin sa kakulangan sa nutrisyon sa bayan ngayon ay lalong napapalala ng pandemya. Dahil sa malawakang kahirapn na dulot ng mga mobility restrictions upang hindi na kumalat ang COVID-19 virus, mas maraming Filipino ang naghirap at nagutom. Mas masidhi ang problema ngayon ng under-nutrition, at mas agarang solusyon ang kailangan. Kapanalig, dalawa dito ay ang pagdadagdag pa sa budget para sa nutrisyon ng kabataan, at mas malakawang ugnayan ng iba’t ibang sector upang masiguro na ang bata ay laging naalagagan. Isang halimbawa ng ugnayan o partnership na ito ay sa pagitan ng DepEd, DOH, at LGU, hindi lamang sa financing kapanalig, kundi pati sa polisiya.

Ang malawakang pagkilos para mawaksi na ang problema ng kakulangan sa nutrisyon ng mga bata ay angko lamang – sila ang pinakabulnerable sa ating lipunan. Kung hindi tayo kikilos para sa mga bata, e di sino? Ayon nga sa Gaudium Et Spes: “Feed the people dying of hunger, because if you do not feed them you are killing them.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 32,482 total reads

 32,482 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 82,847 total reads

 82,847 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 215,711 total reads

 215,711 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 301,094 total reads

 301,094 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 362,779 total reads

 362,779 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

THE LOST LESSONS

 32,483 total reads

 32,483 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 82,848 total reads

 82,848 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 215,712 total reads

 215,712 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 301,095 total reads

 301,095 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »
Scroll to Top