Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 566 total reads

Dati, ang jeep ay simbolo ng kulturang Filipino. Kahit saan mang bahagi ng mundo, hindi ka makakita ng jeep bilang pangunahing kaparaanan ng transportasyon. Dito lang yan sa Pilipinas. Hari ng kalsada o king of the road ang mga jeepneys. Makukulay, malalaki, at maingay – ang jeep ay nagpapakita ng sigla ng umuusbong nating ekonomiya noon.

Dahil nga pangunahing mode of transportation ng bayan ito, naging masiglang industriya din ang pag-gawa ng mga jeep. Naging sikat na sikat noon ang Sarao Motors, na siyang pangunahing manufacturer ng jeep sa bayan. Ang kanilang paghina ay salamin na rin ng paghina ng jeep bilang hari ng kalsada. Ngayon, tila iba na ang simbolo ng mga jeep – sinasalamin na nito ang kahirapang nadarama ng marami nating kababayan.

Ayon sa isang pag-aaral, maaring umaabot ng 250,000 ang bilang ng mga jeeps sa buong bansa. Sa Metro Manila, sinasabing umaabot ng 70,000 ang mga jeepney drivers at marami sa kanila ang namulubi na dahil sa mga lockdowns.  Nung unti-unti ng nakakalabas ang mga jeep, kulang pa rin ang kanilang kinikita dahil naman sa social distancing. Nabuhayan na sana ng loob ang marami dahil unti-unti ng bumubuti ang COVID situation sa bansa, kaya nga lamang, sinalubong naman sila ngayon ng pagtaas ng presyo ng krudo.

Ang buhay ng jeepney drivers sa ating bayan ay malubhang naapektuhan ng pandemya at pagsirit ng presyo ng krudo sa merkado. Ang kanilang pagbawi at pagbangon ay tila maaantala na naman dahil sa panibagong hamon ng panahon.

Kapanalig, marahil marami sa atin, lalo ang mga may sariling sasakyan, binabalewala na lamang ang sitwasyon ng jeepney drivers. Para sa kanila, makalumang paraan na naman ito, at dapat lang palitan.

Konting preno, kapanalig. Ang modernisasyon ay hindi nangangahulugan ng pagtapon ng isang cultural icon. Hindi rin ito nangangahulugan na isasawalang-bahala natin ang sitwasyon ng ating mga kababayang umaasa sa jeep-hindi lamang sila mga drivers, kapanalig, kundi mga pasahero na pamasahe lamang sa jeep ang kaya ng bulsa.

Ang ating approach o pagtugon sa modernisasyon kapanalig, ay hindi lamang dapat nakatuon sa bilis at sa bago. Nauunawaan natin na nais nating maging mas ligtas at energy-efficient ang mga jeep, pero maari natin itong gawin sa paraan na mas inklusibo. Moderno pero makatao dapat ang ating maging panuntunan dito.

Ayon kay Saint Pope John Paull II, may espesyal na presensya si Kristo sa maralita. At dahil dito, kapanalig, marapat lamang na tayo ay makiisa sa kanila, base na rin sa prinsipyo ng solidarity.  Ang prinsipyong ito ay nagpapa-alala sa atin na sa “piging ng buhay, lahat ay imbitado ng Panginoon. Sana, ating gayahin ang kabukasang loob ng Diyos. Sa ating pag-unlad, huwag sana natin iwanan ang mga maralita.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 40,649 total reads

 40,649 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 77,438 total reads

 77,438 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 111,040 total reads

 111,040 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 162,594 total reads

 162,594 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 224,227 total reads

 224,227 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Karagatan para kanino?

 40,650 total reads

 40,650 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 77,439 total reads

 77,439 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 111,041 total reads

 111,041 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »
Scroll to Top