Turismo sa Panahon ng Pandemya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,809 total reads

Kapanalig, buti na lamang at unti-unti ng nagbubukas ang mga tourist spots ng ating bayan ngayon. Ang industriya na ito ay isa sa mga pinadapa ng pandemya. Kamusta na ba ang sektor na ito ngayon?

Bago nagkaroon ng pandemya, kapanalig, masiglang masigla ang turismo sa bayan. Noong 2019, halos 13% ang ambag nito sa ating gross domestic product. Katumbas ito ng P2.51 trillion. Mahigit pa sa walong milyong turistang banyaga ang bumisita sa bansa, na nagdala ng $11 billion sa ating kabang bayan, habang ang lokal na turismo ay nagbigay naman ng $36.6 billion.

Kaya lamang, pagdating ng 2020, bumagsak lahat ito. Mula sa halos 13%, naging 5.4% na lamang ang ambag ng turismo sa ating GDP o P973 million. Nakakapanlumo, kapanalig. Ang pagbagsak ng turismo sa bansa noong 2020 ay dumale din ng tinatayang mga dalawang milyong trabaho sa sektor ng travel and tourism.

Kritikal ang panahong ito para sa industriya dahil ito ay panahon ng pagbawi sa lahat ng mga ninanakaw ng pandemya. Hindi man lahat ng tourist spots ay bukas, nawala man ang mga dating tindahan, restaurants, bahay-bakasyunan, at resort na dati nating kinagigiliwan, dumarami pa rin ang mga turista, lokal man o banyaga, na nagnais na maglibot na sa bansa.

Upang tuloy-tuloy na ulit ang pamamayagpag ng industrya, kailangang siguruhin ng lokal at nasyonal na gobyerno na malinaw ang kanilang mga patakaran at mga requirements para sa paglalakbay. Ngayon pa lamang ay hirap na ang iba dahil sa requirement na vaccination certificate, pero hindi naman lahat ay makakakuha nito sa VaxCertPH.

Problema din kapanalig ang paiba-ibang patakaran ng mga LGUs. Sa simpleng QR code pa lamang, hindi uniporme o parepareho ang tinatanggap. Yung iba pwede ang Staysafe App, ang iba, may kanya-kanyang app. Hirap tuloy ang mga tao kapag lalabas.

Isa pang hamon sa mga turista ay ang quarantine period na kailangan kapag pupunta sa bansa o sa anumang tourist spots. Kasama din kasi ng quarantine period na ito ang napakalaking gastos. Malaking balakid ito kapanalig dahil hindi lamang araw ng bakasyon ang binabawas dito, malaking halaga din ng budget ang kinakaltas.

Kailangang suriin maigi ng pamahalaann ang kanyang patakaran para sa new normal para sa travel and tourism industry ng bansa. Malaking pagbabago ang kailangan upang makabawi ito sa nakapanlulumong pagkalugi dahil sa pandemya. Sabi nga sa Evangelii Gaudium, ag estado ay may pundamental na bahagi para sa kasulungan o development ng lahat. Kailangan niyang tupdin ang responsibilidad na ito upang maibalik na ang dating sigla ng turismo sa bansa.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 6,505 total reads

 6,505 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 18,705 total reads

 18,705 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 123,342 total reads

 123,342 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 163,900 total reads

 163,900 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 184,354 total reads

 184,354 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 232,415 total reads

 232,415 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BSKE POSTPONEMENT

 18,706 total reads

 18,706 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 123,343 total reads

 123,343 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 163,901 total reads

 163,901 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 184,355 total reads

 184,355 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »
Scroll to Top