Archdiocese of Manila, magpapadala ng tulong sa Haiti

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 663 total views

Hinikayat ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mananampalataya na magpa-abot ng tulong sa pamamagitan ng kani-kanilang parokya para sa mga biktima ng bagyong Mathew sa Haiti.

“Mga minamahal na Kapanalig, mga kaibigan, mga kapatid sa panginoong Hesukristo, alam ko po na nabalitaan na ninyo ang paghagupit ng bagyong Mathew sa isang napakahirap na bansang Haiti. Tayo po habang nakikipag-usap sa inyo ay nakabalita na walong daang tao na ang naitalang namatay at sana naman ay hindi mangyari pero ang banta ng cholera ay nariyan,” panawagan ni Cardinal Tagle.

Ayon kay Cardinal Tagle, nakalulungkot na umaabot na sa mahigit 1,000-katao ang namatay dahil sa bagyo at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakababangon ang Haiti mula sa pinsala ng lindol noong 2010.

“Ang Haiti po ay bukod sa pagiging isa sa mahirap na bansa ay hindi pa po nakakabangon sa lindol na naganap noong 2010 na mahigit 2 daang libong tao ang namatay. Kaya po nanawagan tayo sa ating mga Kapanalig, mga kaibigan sa Pilipinas, una sa lahat isa-isip po natin sila,”apela ng Pangulo ng Caritas Internationalis sa pamamagitan ng Radio Veritas.

Iginiit ng Kardinal na kailangan ng Haiti ang pinansiyal na tulong lalo na mahirap ang kalagayan at pamumuhay sa nasabing bansa.

Ipinaalala ni Cardinal Tagle na tulad ng Pilipinas na nakararanas din ng mga bagyo at kalamidad ay nararapat lamang na tayo ang unang tumulong at magpadama ng awa at habag ng Diyos sa mga taga-Haiti.

Inihayag ng Kardinal na mayroong isinasaayos na pinansiyal na tulong na ipadadala ang mga parokya at organisasyon ng Archdiocese of Manila sa Haiti.

Sinabi ni Cardinal Tagle sa Radio Veritas na magsasagawa ng second collection sa mga parishes ng Archdiocese of Manila sa lahat ng misa sa hapon ng October 15(Sabado) at lahat ng misa sa October 16(Sunday) para sa mga biktima ng bagyo sa Haiti.

“Tayo rin po nakaranas ng bagyong Yolanda, sana tayo ang mga unang nakakaramdam ng pakikiisa sa kanila. Pero hindi sapat ang isipin sila, ipanalangin po natin sila at sa mga darating na linggo. Palagay ko sa ibat- ibang mga parokya at diyosesis at organization ay mayroon tayong magiging pagkilos upang makakalap ng maitutulong sa mga kapatid natin sa Haiti. Kaya po kumakatok kami sa inyo sa taong ito ng habag at awa ng Diyos, atin pong isagawa ang habag na ito,” mensahe ni Cardinal Tagle sa mamamayang Pilipino.

Mula sa datus ng gobyerno ng Haiti, umaabot sa 800 katao ang namatay at mahigit sa 60 libong tahanan ang nawasak sa pananalasa ni typhoon Mathew.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 25,956 total views

 25,956 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 49,108 total views

 49,108 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 119,222 total views

 119,222 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 193,836 total views

 193,836 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 272,044 total views

 272,044 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 77,348 total views

 77,348 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 54,924 total views

 54,924 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 93,343 total views

 93,343 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top