Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 635 total reads

Kapanalig, sa isyu ng informal settlements at pabahay, kailangan nating maunawaan na hindi  relokasyon ang tanging solusyon. Kailangang nating mai-adjust ang ating pananaw ukol dito. Kailangan natin ding makonsidera ang ilang mga bagay upang ang problema ng kawalan ng pabahay ay atin ng malutas sa lalong madaling panahon.

Alam niyo kapanalig, mas mahirap tugunan ang housing backlog sa ating bansa ngayon. Hindi lamang kasi pandemya ang panibagong hamon sa sektor ng pabahay sa ating bansa. Nandyan na rin ang mabilis na pagtaas ng halaga ng lupa at mga construction materials. At siyempre, pabilis ng pabilis ang urbanisasyon sa ating bayan, na isa rin sa mga nangungunang balakid sa maayos na pabahay para sa lahat.

Marami na sa atin ang nakatira sa mga highly urbanized cities. Sa katunayan, ayon sa opisyal na datos, dalawa kada limang kabahayan o households sa buong bansa ay nasa CALABARZON, NCR, and Central Luzon. Ang pangunahing rason ng pagdami ng mga kabahayan sa mga highly urbanized areas ay trabaho, kapanalig. Kaya’t kailangan nating makita na ang pabahay at trabaho ay mga kambal na hamon na hindi natin dapat paghiwalayin.

Napatunayan na ito ng maraming insidente kung saan na-relocate ang mga pamilya. Marahil nakarinig ka na ng mga kwento kung saan napilitang lumipat ang mga pamilya sa mga relocation sites sa labas ng mga syudad. Ang mga breadwinners ay kadalasang lingguhan na lamang nauwi sa bago nilang tahanan dahil sa layo at mahal ng pamasahe. May mga pagkakataon, hindi na sila nakakauwi, hanggang sa kalaunan, sa ibang bahay na nauwi – naghiwalay na. May iba naman, bumabalik na lamang sa syudad upang doon manirahan kaysa mapalayo sa trabaho o asawa.

Kaya’t sana, sa usaping relokasyon, sa halip na bahay lamang ang isipin, baka unahin natin trabaho muna. Maganda sana payabungin natin ang mga kanayunan ng bayan sa pamamagitan ng pagpapasigla ng agricultural sector at ng pagbubukas ng mga bagong negosyo at kabuhayan. Isa pang maaring magawa ay pagsusulong ng entrepreneurship sa mga kabahayan. Sa ganitong paraan, mabibigyan natin ng mga job options ang ating mga kababayan sa mga probinsya upang hindi na nila kailangan pang makipagsapalaran sa mga syudad.

Kapag ating tinitingnan ng sabay ang isyu ng pabahay at trabaho, mas epektibo ang mga solusyon na ating malalapat sa mga pangunahing hamon sa buhay ng mga mamamayan. Ang ganitong approach ay mas “holistic” at mas kumikilala sa dignidad ng tao. Sabi nga sa Pacem in Terris: kung nais nating maging maayos at produktibo ang ating lipunan, kailangan nating kilalanin ang angking dignidad ng bawat mamamayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan bago banyaga

 41,435 total reads

 41,435 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 105,273 total reads

 105,273 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 199,170 total reads

 199,170 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 282,202 total reads

 282,202 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 374,866 total reads

 374,866 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bayan bago banyaga

 41,436 total reads

 41,436 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 105,274 total reads

 105,274 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 199,171 total reads

 199,171 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 282,203 total reads

 282,203 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »
Scroll to Top