VeritasPH

The Word, The Truth

 231 total views

Homiliya Para sa Huwebes sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay, ika-12 ng Mayo 2022, Jn 13:16-20

Ewan kung kailan ba nagsimulang magtawagan ng PANYERO/PANYERA ang mga abogado sa isa’t-isa. Ang salitang ito ay galing sa Espanyol na salitang COMPAÑERO, na galing din sa dalawang katagang Latin: CUM, ibig sabihin “kahati o kabahagi,” at PANIS, ibig sabihin “sa tinapay.”

Sa ebanghelyong binasa natin, negatibo ang dating nito. Ang tinutukoy na kumpanyero ay si Hudas. “Ang kumpanyero ko, o kahatian ko ng tinapay, ang siya palang magtataksil sa akin.” O sa ordinaryong salita, ang tumanggap sa inalok kong tinapay ang siya palang manghu-Hudas sa akin.

Ang konteksto ng pagbasa ay ang Huling Hapunan ni Hesus kasama ang kanyang mga alagad. Kahuhugas pa lang niya ng kanilang mga paa, bagay na ikinabigla nilang lahat dahil wala namang guro o amo na gagawa ng ganito. Ang gumagampan ng ganoong gawain ay mga alipin lamang.

Nabanggit ko ito sa homiliya ko noong nakaraang Huwebes Santo. Usually, galante na dating ng maybahay kapag ipinaghanda niya ng tubig ang kanyang bagong dating na mga bisita para hugasan ang sariling mga paa nila pagpasok ng mga ito sa bahay. At ang pinaka-lubos sa pagkagalante ay kapag kumuha pa siya ng alipin na maghuhugas ng mga paa nila. Pero nang gabing iyon ng Huling Hapunan, si Hesus mismo ang naghugas sa kanilang mga paa. Inexplain din niya pagkatapos na ito’y para maintindihan daw nila ang tunay na kahulugan ng pagiging pinuno—ang pagiging UTUSAN, hindi bossing. (Magandang paalala ito sa mga bagong halal na kandidato.)

Bakit kinailangan pa niyang gawin ito? Dahil ang pinakamadaling pasukin ni Satanas ay ang mga taong nahuhumaling sa kapangyarihan, katanyagan at kayamanan, katulad ni Hudas Iskariote. Saan ba siya dinala ng mga paa niya, matapos na siya ay mahugasan? Saan pa, edi doon sa madilim na pasilyo kung saan siya tumanggap ng bayad para sa kanyang pagtataksil?

Tatlumpung pirasong pilak, bilang kapalit ng pagpapailalim ni Hudas ng sarili niya kay Satanas. At si Satanas naman, tuwang-tuwa. Panalo kasi siya; talo si Hesus. Nagpiyesta siya nang makitang napako sa krus si Hesus, namatay at nalibing. Tagumpay siya…iyon ang akala niya.

Ang laki ng pagkakamali niya. Paano kaya siyang mananalo kung hindi naman siya ang script-writer ng kuwento? E hindi pa pala iyon ang katapusan ng kuwento! Sabi ni Hesus, “Kapag nangyari na ang lahat ng ito, noon ninyo matatanto na AKO’Y SI AKO NGA!” Si “AKO NGA,” ibig sabihin, ang Diyos ang script-writer, hindi si Satanas. Kaya sa Diyos pa rin ang huling halakhak.

Pagsisisihan ng mga Hudas ang pagtanggap nila ng tatlumpung pirasong pilak bilang kapalit sa kaluluwa nila. Hindi nila alam na ang tubig na humugas sa kanilang mga paa, at ang tinapay na pinagsaluhan nila, ito ang magliligtas sa kanila. Hindi si Satanas kundi ang korderong isinakripisyo sa katayan ang talagang babangon muli upang tuldukan na ang pamamayani ng kadiliman at upang kalagin ang tanikalang nakagapos sa mga isip at puso ng mga alagad. Siya rin ang magkakalag sa lubid na nakatali sa nakabitin na Hudas. At ito ang gagamitin niyang pantali sa makamandag na bibig ng sinungaling na ahas, at titigpas sa traydor nitong ulo, upang hindi na niya pamunuan pang muli ang sanlibutan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 13,327 total views

 13,327 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 21,312 total views

 21,312 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 28,848 total views

 28,848 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 44,833 total views

 44,833 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 52,877 total views

 52,877 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 399 total views

 399 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,154 total views

 3,154 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,569 total views

 7,569 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,895 total views

 2,895 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,418 total views

 3,418 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,917 total views

 4,917 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,761 total views

 5,761 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,016 total views

 4,016 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,229 total views

 8,229 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,462 total views

 7,462 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,672 total views

 11,672 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,120 total views

 5,120 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,124 total views

 5,124 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,124 total views

 5,124 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 5,116 total views

 5,116 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top