Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 452 total views

Kapanalig, sa isyu ng informal settlements at pabahay, kailangan nating maunawaan na hindi  relokasyon ang tanging solusyon. Kailangang nating mai-adjust ang ating pananaw ukol dito. Kailangan natin ding makonsidera ang ilang mga bagay upang ang problema ng kawalan ng pabahay ay atin ng malutas sa lalong madaling panahon.

Alam niyo kapanalig, mas mahirap tugunan ang housing backlog sa ating bansa ngayon. Hindi lamang kasi pandemya ang panibagong hamon sa sektor ng pabahay sa ating bansa. Nandyan na rin ang mabilis na pagtaas ng halaga ng lupa at mga construction materials. At siyempre, pabilis ng pabilis ang urbanisasyon sa ating bayan, na isa rin sa mga nangungunang balakid sa maayos na pabahay para sa lahat.

Marami na sa atin ang nakatira sa mga highly urbanized cities. Sa katunayan, ayon sa opisyal na datos, dalawa kada limang kabahayan o households sa buong bansa ay nasa CALABARZON, NCR, and Central Luzon. Ang pangunahing rason ng pagdami ng mga kabahayan sa mga highly urbanized areas ay trabaho, kapanalig. Kaya’t kailangan nating makita na ang pabahay at trabaho ay mga kambal na hamon na hindi natin dapat paghiwalayin.

Napatunayan na ito ng maraming insidente kung saan na-relocate ang mga pamilya. Marahil nakarinig ka na ng mga kwento kung saan napilitang lumipat ang mga pamilya sa mga relocation sites sa labas ng mga syudad. Ang mga breadwinners ay kadalasang lingguhan na lamang nauwi sa bago nilang tahanan dahil sa layo at mahal ng pamasahe. May mga pagkakataon, hindi na sila nakakauwi, hanggang sa kalaunan, sa ibang bahay na nauwi – naghiwalay na. May iba naman, bumabalik na lamang sa syudad upang doon manirahan kaysa mapalayo sa trabaho o asawa.

Kaya’t sana, sa usaping relokasyon, sa halip na bahay lamang ang isipin, baka unahin natin trabaho muna. Maganda sana payabungin natin ang mga kanayunan ng bayan sa pamamagitan ng pagpapasigla ng agricultural sector at ng pagbubukas ng mga bagong negosyo at kabuhayan. Isa pang maaring magawa ay pagsusulong ng entrepreneurship sa mga kabahayan. Sa ganitong paraan, mabibigyan natin ng mga job options ang ating mga kababayan sa mga probinsya upang hindi na nila kailangan pang makipagsapalaran sa mga syudad.

Kapag ating tinitingnan ng sabay ang isyu ng pabahay at trabaho, mas epektibo ang mga solusyon na ating malalapat sa mga pangunahing hamon sa buhay ng mga mamamayan. Ang ganitong approach ay mas “holistic” at mas kumikilala sa dignidad ng tao. Sabi nga sa Pacem in Terris: kung nais nating maging maayos at produktibo ang ating lipunan, kailangan nating kilalanin ang angking dignidad ng bawat mamamayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 63,378 total views

 63,378 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 106,986 total views

 106,986 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 190,026 total views

 190,026 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 202,369 total views

 202,369 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ang fourth estate

 63,380 total views

 63,380 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 106,988 total views

 106,988 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 190,028 total views

 190,028 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »
Scroll to Top