Pagtaas ng Covid cases sa NCR, ‘weak surge’- Octa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 219,320 total views

Muling pinapaalalahanan ng mga eksperto ang mga Pilipino na patuloy na mag-ingat sa banta ng COVID-19 sa muling pagtaas ng bilang ng mga nahahawaan ng virus.

Ayon kay UP-OCTA Research fellow Dr. Guido David, bagama’t wala pang dapat ikabahala sa pagdami ng bilang ay kinakailangan pa ring mag-ingat ng lahat.

“So, this is something to be aware of, pero not to be alarmed. Bakit? Kasi tumataas yung cases, may mga infections tayo. And actually, nakita namin mas mababa ‘yung testing na ngayon kumpara sa mga nakalipas na surge, kumbaga kung ikukumpara natin testing sa NCR ngayon compared sa January ay kalahati nalang ‘yung tine-test natin over the same period,” pahayag ni David.

Ito ang pahayag ni Dr. David sa panayam ng Radio Veritas kaugnay sa naitalang 10.9% positivity rate sa Metro Manila nitong July 9, mas mataas kumpara sa 8.3% positivity rate noong July 2.

Paliwanag pa ng dalubhasa, mabuting indikasyon ang pag-abot ng “COVID-19 cases peak” sa Metro Manila sa muling pababa ng kaso ng mga nagpo-positibo sa rehiyon.

“Ito pino-project namin na weak surge lang so hindi gano’n kataas yung cases kasi in January nasa 18,000 per day sa Metro Manila so ngayon nasa 600 lang…Parang may nakita kaming indication na baka nagpe-peak na ‘yung case and this is actually very good news for us na baka bumaba na sa Metro Manila, hindi pa sa mga province kasi hindi pa umaabot sa ibang provinces,” ani David.

Dagdag ni Dr. David, karamihan sa nagpo-positibo ngayon ay ‘incidental cases’ o mga naitatala matapos magpa-RTPCR test dahil sa hospital procedure at nakakitaan ng COVID-19 mild at asymptomatic case.

Sa huling datos ng Department of Health, may naidagdag na 1,660 positibong kaso ng COVID-19 sa bansa na nagresulta naman sa 14,218 kabuuang bilang ng kaso.

Ayon sa COVID-19 tracker ng DOH, umabot na sa higit tatlong milyon ang kabuuang kaso sa bansa, kabilang na ang tatlong milyong gumaling sa karamdaman habang 60-libo naman ang nasawi.

With News Intern – Chris Agustin 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 8,359 total views

 8,359 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 78,471 total views

 78,471 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 153,085 total views

 153,085 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 233,164 total views

 233,164 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 276,208 total views

 276,208 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 349,362 total views

 349,362 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top