Ihinto na ang paggamit ng fossil fuel, panawagan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 707 total reads

Nananawagan si San Carlos, Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza sa tuluyang pagsasantabi sa paggamit at pamumuhunan sa fossil fuel.

Ayon kay Bishop Alminaza, vice-chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace na sa kabila ng mga nangyayaring kalamidad ay tila hindi nababahala ang mga malalaking kumpanya sa epekto ng fossil fuel sa kapaligiran.

Tinukoy ng Obispo ang San Miguel Corporation na pag-aari ni Ramon Ang na bagamat itinigil na ang coal fired power plant sa ilang bahagi ng bansa kabilang na sa Davao Occidental, subalit pinalitan naman ito ng planta ng liquified natural gas (LNG) na isa ring fossil fuel.

“Totoo nga na among the fossil fuel na coal, oil at gas, ang gas ang mas pinaka-less na dirty. Pero ang ginagamit nila na term ay the cleanest of the fossil fuel. So, parang play of words din ‘yun pero fossil fuel pa rin ‘yun,” ayon kay Bishop Alminaza sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Bishop Alminaza na maliban sa hindi renewable energy, hindi rin ipinababatid ng SMC na ang fossil fuel ay naglalabas ng methane na mapanganib sa kalikasan at kalusugan ng mga tao.

Ibinahagi rin ng Obispo na ang Negros Island ay maituturing na renewable energy (RE) capital ng bansa maging sa Southeast Asia dahil dito matatagpuan ang dalawang solar power fields at malaking geothermal power na aabot sa 97 porsyento ang nalilikhang RE mula sa isla.

Ngunit giit ni Bishop Alminaza na salungat pa rin ito dahil ang ginagamit na kuryente ng mga taga-Negros ay mula sa mga coal-fired power plant sa mga isla ng Panay at Cebu.

“We are not able to harness the very renewable energy that we are producing,” giit ng Obispo.

Panawagan naman ng opisyal ng CBCP sa pamahalaang panlalawigan at iba pang lokal na pamahalaan ng Negros Island na paigtingin pa ang pagsusulong sa paggamit ng malinis na enerhiya upang mas mapakinabangan pa ng marami.

“Ingatan natin ang ating kalikasan, ang ating common home kasi that’s the only one we have. No planet B. Once it is destroyed talagang wala. And we have experiences already to prove that we are in a planetary crisis,” saad ni Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 18,248 total reads

 18,248 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 99,111 total reads

 99,111 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 193,337 total reads

 193,337 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 253,826 total reads

 253,826 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 266,786 total reads

 266,786 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 70,490 total reads

 70,490 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top