Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bagong obispo ng Cebu, itatalaga sa August 19

SHARE THE TRUTH

 649 total views

Nagpapasalamat si Cebu Archbishop Jose Palma sa pagkakaroon ng isa pang katuwang na obispo sa Archdiocese of Cebu.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Archbishop Palma, mahalaga ang pagkatalaga ni Bishop-elect Ruben Labajo upabg makatulong sa pangangasiwa ng may limang milyong populasyon ng mga katoliko sa lalawigan.

“Malaking tulong ito, malaking biyaya dahil napakalaki ng [Archdiocese of] Cebu at alam natin yung mga pastoral ministry na kailangan ng serbisyo ng obispo kaya nagpapasalamat kami sa Diyos at sana sabayan ninyo kami nitong pasasalamat,” pahayag ni Archbishop Palma sa Radio Veritas.

Itinakda ang pagdiriwang ng ordinasyon ni Bishop-elec Labajo sa August 19, ganap na ika-siyam ng umaga sa Cebu Metropolitan Cathedral.

Nananawagan din si Archbishop Palma sa mananampalataya nang patuloy na pananalangin sa mga pastol ng simbahan upang manatiling matatag sa kanilang tungkulin na paglingkuran ang mamamayan tulad ng mga halimbawa ni Hesus.

“Ipanalangin po ninyo kami mga obispo na maging ganap sa aming tungkulin na talagang ‘servant leader’; ang aming buhay ay buhay gaya ng mabuting pastol na nagsisilbi sa mamamayan,” ani Archbishop Palma.

June 23 nang italaga ni Pope Francis si Bishop-elect Labajo bilang auxiliary Bishop ng Cebu katuwang ni Archbishop Palma at Bishop Midyphil Billones.

Buong kababaang-loob namang tinanggap ng bagong talagang obispo ang bagong misyon sa simbahan.

Sa halos 30-taong pagiging pari ilan sa mga ginampanan ni Bishop-elect Labajo ang pagiging Parish vicar sa Mandaue City, Santa Fe Parish sa Bantayan Island, at St. Joseph Parish sa Tabunok Talisay, Cebu Metropolitan Cathedral, habang noong 2017 naging bahagi ang pari sa Council of Consultors, Episcopal Vicar sa unang distrito ng arkidiyosesis at kasapi ng Presbyteral Council.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 107,668 total views

 107,668 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 115,443 total views

 115,443 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 123,623 total views

 123,623 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 138,606 total views

 138,606 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 142,549 total views

 142,549 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top