National Synod on Synodality: Sama-samang paglalakbay, kasama ang kawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,073 total reads

Maipatupad at makatugon sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan, ang mga tinalakay sa katatapos 124th na Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Plenary Assembly.

Ito ang inaasahan nina Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo at Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa pagtatapos ng pagtitipon na dinaluhan ng may 100 obispo mula sa 86 na diyosesis sa buong bansa.

Nawa ayon kay Bishop Ongtioco-chairman CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations and Consecrated Persons ay magbunga sa magagandang gawa ang mga tinalakay sa plenaryo.

Hiling din ni Bishop Ongtioco sa Panginoon na sa pamamagitan ng pagtitipon ay mapukaw ng simbahan ang mananampalataya na tulungan ang kanilang kapwa higit na ang pinakamahihirap sa lipunan.

“Patuloy sana magbunga sa galaw ng Espiritu Santo yung sama-sama po tayong maglakbay, pari, laiko, madre, lahat, walang naiiwan, walang isinasantabi, magkaisa tayo sa paglakbay tungo sa buhay at banal na simbahan sana po magkaisa tayo sa panalangin, sa paglalakad, sa pakikinig, sa pakikiaalam,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Ongtioco.

Ayon naman kay Bishop Bagaforo-national director ng NASSA/Caritas Philippines nawa ay naging daan ang plenaryo upang maabot ng simbahan ang bawat Pilipinong nakakaranas ng iba’t-ibang krisis na pinalala pa ng umiral na pandemya at digmaan sa iba’t ibang bansa.

“Hinihingi po namin na naway bigyan ng liwanag aming mga kaisipan upang kaming lahat na mga obispo na iyong piniling maging pastol ng mga mananamapalatayang kasama natin sa ating simbahan ay aming mabigyan ng tamang aral at maipahayag sa kanila ang iyong magandang balita,” bahagi ng mensahe ni Bishop Bagaforo.

Bukod sa pandemya, nararanasan na rin sa buong mundo ang krisis na dulot ng digmaan ng dahil sa pananakop ng Russia sa Ukraine.

Kabilang na ang kakulangan ng suplay ng trigo na pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay, gayundin ang mga krudo na dahilan sa pagtaas ng presyo ng serbisyo at mga pangunahing bilihin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 82,488 total reads

 82,488 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 116,810 total reads

 116,810 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 152,110 total reads

 152,110 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 378,380 total reads

 378,380 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 267,383 total reads

 267,383 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top