Paghahangad ng Kita mula sa sugalan, Dulot nama’y panganib sa moralidad ng mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 921 total reads

Ikinalungkot ng obispo ng Diyosesis ng Tagbilaran ang paglaganap ng mga ‘casino’ sa bansa na makasisira sa moralidad ng mamamayan.

Tinukoy ni Bishop Alberto Uy ang iba’t ibang uri ng pasugalan na pinapayagan ng gobyerno dahil sa kikitaing buwis ng pamahalaan.

Panawagan ng obispo sa mamamayan na ipanalangin ang mga pinuno ng bayan lalo na sa lalawigan ng Bohol na hindi katigan ang mga proyekto o pagpapatayo ng mga pasugalan tulad ng mga casino.

Binigyang diin ni Bishop Uy na hindi makabuluhan ang pagkakaroon ng malaking kita kung kapalit naman ang moralidad ng mamamayan.

“Aanhin ang malaking pondo ng bayan kung nanganganib naman ang moralidad ng tao na magiging sanhi sa pagkalulong sa mga maling gawain,” ani Bishop Uy.

Nobyembre 2021 nang tutulan ng mga obispo ng Bohol, kasama si Bishop Uy laban sa paglaganap ng online-sabong sa lalawigan.

Iginiit ni Bishop Uy na maraming pamilya ang nasisira dahil sa e-sabong, gayundin ang pagtaas ng bilang ng krimen na nakaapekto rin maging ang kabataan.

Buwan ng Mayo ng kasalukuyang taon nang tuluyang ipahinto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng online sabong batay na rin sa rekomendasyon ng Department of the Interior and Local Government.

Panawagan ni Bishop Uy sa mga opisyal ng pamahalaan na isulong ang ‘Christian leadership’ at tularan ang mga halimbawa ni Hesus bilang mabuting pastol upang manaig sa lipunan ang kabutihan ng bawat mamamayan.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 1,436 total reads

 1,436 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 10,450 total reads

 10,450 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 82,955 total reads

 82,955 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 169,454 total reads

 169,454 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 212,490 total reads

 212,490 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 261,764 total reads

 261,764 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top