BIYERNES, SETYEMBRE 2, 2022

SHARE THE TRUTH

 584 total reads

Biyernes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

1 Corinto 4, 1-5
Salmo 36, 3-4. 5-6. 27-28. 39-40

Nasa D’yos ang kaligtasan
ng mga mat’wid at banal.

Lucas 5, 33-39

UNANG PAGBASA
1 Corinto 4, 1-5

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, kami’y mga lingkod ni Kristo at katiwala ng mga hiwaga ng Diyos – ganyan ang dapat na aming palagay ninyo sa amin. Ang katiwala’y kailangang maging tapat sa kanyang panginoon. Walang anuman sa akin ang ako’y hatulan ninyo o ng alinmang hukuman ng tao; ni ako ma’y di humahatol sa aking sarili. Walang bumabagabag sa aking budhi, ngunit hindi nangangahulugang ako’y walang kasalanan. Ang Panginoon ang humahatol sa akin. Kaya’t huwag kayong humatol nang wala sa panahon; maghintay kayo sa pagdating ng Panginoon. Ilalantad niya ang mga bagay na ngayo’y natatago sa kadiliman at ipahahayag ang mga lihim na hangarin ng bawat isa. Sa panahong iyon, bawat isa’y tatanggap ng papuring nauukol sa kanya mula sa Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 36, 3-4. 5-6. 27-28. 39-40

Nasa D’yos ang kaligtasan
ng mga mat’wid at banal.

Umasa ka sa Diyos, ang mabuti’y gawin,
at mananahan kang ligtas sa lupain.
Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan,
at ang pangarap mo’y iyong makakamtan.

Nasa D’yos ang kaligtasan
ng mga mat’wid at banal.

Ang iyong sarili’y sa Diyos mo ilagak,
pag nagtiwala ka’y tutulungang ganap;
ang kabutihan mo ay magliliwanag,
katulad ng araw kung tanghaling-tapat.

Nasa D’yos ang kaligtasan
ng mga mat’wid at banal.

Ang mabuti’y gawin, masama’y itakwil,
at mananahan kang lagi sa lupain.
Pagkat yaong bayang wasto ang gawain,
ay mahal ng Poon, hindi itatakwil.
Sila’y iingatan magpakailanman,
ngunit ang masama ay ihihiwalay.

Nasa D’yos ang kaligtasan
ng mga mat’wid at banal.

Ililigtas ng Diyos ang mga matuwid,
iingatan sila pag naliligalig.
Ililigtas sila’t kanyang tutulungan
laban sa masama, ipagsasanggalang;
sapagkat sa Poon nangungubling tunay.

Nasa D’yos ang kaligtasan
ng mga mat’wid at banal.

ALELUYA
Juan 8, 12

Aleluya! Aleluya!
Sinabi ni Hesukristo:
“Ako ang ilaw ng mundo
at buhay ng alagad ko.”
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 5, 33-39

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ng mga Pariseo at mga eskriba kay Hesus: “Ang mga alagad ni Juan ay malimit mag-ayuno at manalangin, gayun din ang alagad ng mga Pariseo. Ngunit ang mga alagad mo’y patuloy ng pagkain at pag-inom.” Sumagot si Hesus, “Pag-aayunuhin ba ninyo ang mga panauhin sa kasalan samantalang kasama pa nila ang lalaking ikinasal? Kapag wala na ang ikinasal, saka pa lamang sila mag-aayuno.”

Sinabi rin niya sa kanila ang isang talinghaga: “Walang pumipiraso sa bagong damit upang itagpi sa luma. Kapag ginawa ito, masisira ang bagong damit at ang tagping bago ay hindi babagay sa damit na luma. Wala ring nagsisilid ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapag gayun ang ginawa, papuputukin ng bagong alak ang balat, matatapon ang alak, at masisira ang sisidlan. Sa bagong sisidlang-balat dapat ilagay ang bagong alak. At walang magkakagustong uminom ng bagong alak kapag nakainom na ng inimbak, sapagkat sasabihin niya, ‘Masarap ang inimbak.’”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Manalangin tayo sa Amang Diyos upang ilapit niya tayo sa kahalagahan ng Ebanghelyo para panibaguhin ang Simbahan at ang daigdig.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panibaguhin Mo kami, O Panginoon.

Ang Simbahan, ang Bayan ng Diyos at mga pinuno nito, nawa’y sundin ang pag-akay ng Espiritu Santo upang ipahayag sa mga tao ngayon ang walang-kupas na wika ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga puso nawa’y ating buksan sa mapagligtas na kapangyarihan ng Diyos na higit na mahalaga kaysa mga panlabas na gawain ng pagpapakabanal, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang mapagtanto na laging mapangyayari ang himala ng pagbabago sa lahat ng humihingi ng tulong ni Kristo na makamtan ito, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga maysakit, nawa’y maging daan tayo ng mapagpagaling na kamay ng pagmamalasakit ni Kristo sa pamamagitan ng pagbibigay natin ng pagmamahal at kalinga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng walang hanggang kapahingahan sa piling ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, dinggin mo ang aming mga panalangin at turuan mo kaming mamuhay bilang bagong bayan mo na pinalaya ng pag-ibig ni Jesu-Kristo naming Panginoon. Amen.

BASBAS NI NANAY

 194 total reads

Homiliya para sa araw ng paggunita sa kapistahan ni Santa Monica, ina ni San Agustin, 27 ng Agosto 2026, 1 Cor 1,1-9; Mateo 24:42-51.

Parang pinili talaga ang mga pagbasa natin para sa araw na ito ng paggunita kay Santa Monica, nanay ni San Agustin. Pero bago ko sabihin kung bakit, gusto ko munang ibahagi sa inyo iyung panaginip ko kagabi. Napanaginipan ko ang nanay ko.

Sa panaginip ko, binuksan ko daw ang gripo para maghilamos. Pero nagulat ako dahil ang lumabas na tubig sa gripo ay madumi. Hindi lang madumi, bulok at maitim na tubig at may kasama pang mga uod na—pagbagsak sa lababo, gumagapang kung saan-saan. Kaya napasigaw ako. Noon daw biglang dumating ang nanay ko at nagtanong, Bakit? Anong nangyari? Lumingon ako. Nakita ko siya, nakangiti. Inabot ko ang kamay niya at nagmano ako—“Mano po, ‘Nay.” Sabi niya, “Kaawaan ka ng Diyos.” Sabi ko, “Tingnan mo, Nay, grabe, ang dumi ng tubig na lumalabas sa gripo. May mga uod pa nga! Pero pagtingin kong muli sa gripo, ang dumadaloy na tubig ay malinis na! Wala na kahit tilamsik ng maduming tubig na una kong nakita, at wala na ring mga uod. Paglingon kong muli, wala na si nanay. Doon natapos ang panaginip.

Ewan ko kung ano kaya ang interpretasyon ng panaginip kong iyon. Pero siguro tinyempuhan ng nanay ko yung araw ng kapistahan ng isang nanay—si Santa Monica, na talagang gumawa ng lahat ng paraan upang mapalapit ang anak niyang si San Agustin sa Panginoong HesuKristo.

Kaya ang basa ko doon sa last paragraph ng ating first reading mula sa introduction ng unang sulat ni San Pablo sa mga taga-Korinto, parang mga salita na personal na ina-address ni Santa Monica sa anak niyang si San Agustin. Siyempre ang mga taga-Korinto ang kausap ni San Pablo kaya ina-address sila bilang KAYO (second person plural). Palitan natin ang second person plural ni St. Paul, gawin nating second person singular. At pakinggan natin na parang ang nagsasabi ay si Santa Monica kay San Agustin:

“Alam mo, lagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga pagpapalang ibinigay niya sa iyo sa pamamagitan ng iyong pakikipagkaisa kay Kristo Hesus. Dahil sa iyong pakikipagkaisa sa kanya, pinaunlad ka ng Diyos sa lahat ng bagay, sa pananalita at karunungan. Dahil dito, napatunayan sa iyo na ang mga itinuro ko tungkol kay HesuKristo ay totoo. Kaya hindi ka kinukulang sa anumang kaloob na espiritwal habang hinihintay mo ang pagbabalik ng ating Panginoong HesuKristo. Sana’y panatilihin ka niyang matatag sa pananampalataya hanggang sa katapusan, upang ikaw ay maging walang kapintasan sa araw ng kanyang pagdating. Tapat ang Diyos na tumawag sa iyo na makipagkaisa sa kanyang Anak na si HesuKristo na ating Panginoon.”

Ang ganda, di ba? Parang akmang-akma sa kapistahan ni Santa Monica, at sa lahat ng hinangad niya para sa anak niyang si Agustin, na sa kalaunan—dahil sa marubdob na panalangin niya ay dumanas ng conversion experience. Hindi lang siya na-convert dahil sa paggabay sa kanya ni San Ambrosio ng Milan at nabinyagan. Naordinahan siya sa pagkapari at naging obispo siya ng bayan ng Hippo.
Ewan ko kung anong pinagdasal ng nanay ko para sa akin. Ang alam ko lang, noong seminarista pa ako, proud na proud siya na magkaroon ng anak noon na nagpapari—na kung minsan kina-iirita ko naman. Kasi kapag bakasyon at nasa bahay ako, gusto niya pag magsimba siya, sasabayan ko pa siya ng lakad papunta sa simbahan. Pero nagkaroon ng punto na dahil sa pagka-irita, ayaw ko nang siyang sabayan.

I remember, minsan ginigising niya ako para magsimba. Sabi ko, “Inaantok pa ako, Nay. Ikaw na lang.”. Hinayaan naman niya ako at hindi nangulit. Di niya alam, habang nagbibihis siya, tumayo ako at nagbihis nang mabilis. Tumakbo ako at inunahan ko pa siya sa simbahan. Dumiretso ako sa sacristy at nagserve pa ako sa Misa. Pagdating niya sa simbahan at pagtingin sa altar, nagulat na lang siya at napangiti. Nakuha niya yung punto. Parang ang message ko sa kanya ay, “Nay, hindi naman ako magsisimba dahil sa’yo. Magsisimba ako kasi gusto ko rin talagang magsimba. So hindi mo ko kailangang kulitin.” Palagay ko naintindihan ‘yun ng nanay ko, dahil mula noon hindi na niya ako kinulit.

Sa tingin ko, parang ganyan din ang naging relasyon ni San Agustin sa nanay niya. Medyo may kakulitan din kasi si Santa Monica. Nagpursigi siya talaga para mailapit ang anak niya sa Panginoong HesuKristo, at hindi naman siya nabigo. Pero alam din ni Santa Monica kung kailan pwede na siyang tumabi. Kasi ang Panginoon na mismo ang kumikilos para dumaloy talaga ang kanyang grasya sa anak niya, na noong una’y nasasanay na sa maduming klase ng pamumuhay.

Ayun. Yun siguro ang interpretasyon ng aking panaginip. Noong una, maduming tubig ang dumadaloy. Sa kalaunan, luminis ito. Lumingon kasi ako at nagmano, humingi ng basbas sa kanya. At dumaloy nga ang grasya mula nang maipakilala niya sa akin si HesuKristo, ang bukal ng buhay na walang hangan.

BE PREPARED

 269 total reads

Gospel Reading for August 28, 2026 – Matthew 25: 1-13

BE PREPARED

Jesus told his disciples this parable: “The Kingdom of heaven will be like ten virgins who took their lamps and went out to meet the bridegroom. Five of them were foolish and five were wise. The foolish ones, when taking their lamps, brought no oil with them, but the wise brought flasks of oil with their lamps. Since the bridegroom was long delayed, they all became drowsy and fell asleep.

At midnight, there was a cry, ‘Behold, the bridegroom! Come out to meet him!’ Then all those virgins got up and trimmed their lamps. The foolish ones said to the wise, ‘Give us some of your oil, for our lamps are going out.’ But the wise ones replied, ‘No, for there may not be enough for us and you. Go instead to the merchants and buy some for yourselves.’

While they went off to buy it, the bridegroom came and those who were ready went into the wedding feast with him. Then the door was locked. Afterwards the other virgins came and said, ‘Lord, Lord, open the door for us!’ But he said in reply, ‘Amen, I say to you, I do not know you.’ Therefore, stay awake, for you know neither the day nor the hour.”

————

Those who were Boy Scouts or Girl Scouts during their school days will probably remember how they were taught practical life skills to become strong, responsible, and productive members of their communities. Through camping, first aid, and nature exploration, they learned self-reliance, teamwork, and even survival skills.

More importantly, they were trained to live for others—to help people every day and contribute positively to society. They were also taught timeless moral values: honesty, integrity, responsibility, and respect for others. And they learned to think ahead, preparing for possible situations or emergencies so they would know the right thing to do when the time came.
That is why the official Scout motto is simple yet profound: “BE PREPARED.”

One might jokingly think that Jesus must have been a Boy Scout in his younger years because he spoke so often about being prepared. In reality, it was Jesus who inspired the Scouting movement founded by Lord Baden-Powell. Raised in a Christian family headed by a Church of England clergyman, Baden-Powell believed that Scouting had no separate “religious side.” Rather, the entire movement was rooted in faith, the service of God, and service to others.

And yes, in the Kingdom of Heaven, one of the most important things we must remember is this: BE PREPARED.

To BE PREPARED is to live each day according to the teachings of Jesus. It means nurturing a heart that is always ready to meet him, whenever he comes. We would be foolish to rely on someone else for our own preparedness, because at the final judgment, it will be just God and each one of us.

Lord Jesus, may we always be prepared for your coming, whenever that day or hour may be. Amen.

Wise to be a fool for Christ

 1,161 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Friday, Twenty-first Week in Ordinary Time, Year II, 28 August 2026
Memorial of St. Augustine, Bishop & Doctor of the Church
1 Corinthians 1:1-9     <*((((><  +  ><))))*>     Matthew 24:42-51
Photo by author, view from Antipolo City of the Ortigas Center, August 2022.
Lord Jesus Christ,
help me to be wise like
St. Augustine whose feast
we celebrate today:
like him through your grace
O Lord, help me overcome
my worldly desires by 
lovingly embracing your Cross;
keep my heart aflame 
and restless with your love, Jesus,
lit with your truth and wisdom
ready to welcome you when you
return any moment.

Jesus said to his disciples: Stay awake! For you do not know on which day your Lord will come (Matthew 24:42).

Photo by author, view from Antipolo City of the Ortigas Center, August 2022.
Make me wise enough,
Jesus to be foolish in following you,
in embracing your Cross;
keep me sensible like
the wise virgins lit with
your love and presence in my heart
sustained with that deep,
personal relationship rooted
in prayer like an oil
keeping the fire burning
in every lamp;
at the same time,
make me a fool like St. Paul,
a fool for you, O Christ,
believing and relying
in the power of your Cross.
Amen.
Photo by author, view from Antipolo City of the Ortigas Center, August 2022.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 68,583 total reads

 68,583 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 105,956 total reads

 105,956 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 137,218 total reads

 137,218 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 209,994 total reads

 209,994 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 300,862 total reads

 300,862 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Agosto 30, 2026

 770 total reads

 770 total reads Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Jeremias 20, 7-9 Salmo 62, 2. 3-4. 5-6. 8-9 Aking kinasasabikan, Panginoon, Ikaw lamang. Roma 12, 1-2

Read More »

Sabado, Agosto 29, 2026

 2,158 total reads

 2,158 total reads Paggunita sa Pagpapakasakit ni San Juan, ang Tagapagbinyag, Martir Jeremias 1, 17-19 Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17 Patuloy kong isasaysay

Read More »

Biyernes, Agosto 28, 2026

 3,519 total reads

 3,519 total reads Paggunita kay San Agustin, obispo at pantas ng Simbahan 1 Corinto 1, 17-25 Salmo 32, 1-2. 4-5. 10ab-11 Awa’t pag-ibig ng Diyos sa

Read More »

Huwebes, Agosto 27, 2026

 4,837 total reads

 4,837 total reads Paggunita kay Santa Monica 1 Corinto 1, 1-9 Salmo 144, 2-3. 4-5. 6-7 Pupurihin ko ang ngalan ng Poon magpakailanman. Mateo 24, 42-51

Read More »

Miyerkules, Agosto 26, 2026

 5,697 total reads

 5,697 total reads Miyerkules ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Tesalonica 3, 6-10. 16-18 Salmo 127, 1-2. 4-5 Mapalad ang sumusunod na taong may

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top