BIYERNES, SETYEMBRE 9, 2022

SHARE THE TRUTH

 216 total views

Biyernes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
o kaya Paggunita kay San Pedro Claver, pari

1 Corinto 9, 16-19. 22b-27
Salmo 83, 3. 4. 5-6. 12

Ang templo mo’y aking mahal,
D’yos na Makapangyarihan.

Lucas 6, 39-42

Friday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. Peter Claver, Priest (White)

UNANG PAGBASA
1 Corinto 9, 16-19. 22b-27

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, hindi ngayo’t nangangaral ako ng Mabuting Balita ay maaari na akong magmalaki. Iyan ang tungkuling iniatang sa akin. Sa aba ko, kung hindi ko ipangaral ang Mabuting Balita! Kung ginagawa ko ito sa sarili kong kalooban, ako’y may gantimpalang hihintayin; ngunit ginagawa ko ito bilang pagtupad sa tungkulin sapagkat ito’y ipinagkatiwala sa akin. Ano ngayon ang aking gantimpala? Ang maipangaral ko nang walang bayad ang Mabuting Balita at ang di ko pagkuha ng nauukol sa akin bilang tagapangaral.

Malaya ako at di alipin ninuman; ngunit napaalipin ako sa lahat upang makahikayat ako ng lalong marami. Ako’y nakibagay sa lahat ng tao upang ang ilan man lamang ay mailigtas ko, kahit sa anong paraan.

Ginagawa ko ang lahat ng ito alang-alang sa Mabuting Balita, upang makibahagi ako sa mga pagpapala nito. Alam ninyo na ang mga kasali sa takbuhan ay tumatakbong lahat, ngunit isa lamang ang nagkakamit ng gantimpala! Kaya pagbutihin ninyo ang pagtakbo upang kamtan ninyo ang gantimpala. Lahat ng manlalarong nagsasanay ay nagpipigil sa sarili sa lahat ng bagay upang magkamit ng isang putong na panandalian lamang, ngunit ang putong na hinahangad natin ay panghabang panahon. Kaya ako’y tumatakbo patungo sa isang tiyak na hangganan; at hindi ako sumusuntok sa hangin. Pinahihirapan ko ang aking katawan at sinusupil ang sarili, baka pagkatapos kong mangaral sa iba ay ako naman ang itakwil.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 83, 3. 4. 5-6. 12

Ang templo mo’y aking mahal,
D’yos na Makapangyarihan.

Nasasabik ang lingkod mong sa patyo mo ay pumasok.
Ang buo kong pagkatao’y umaawit na may lugod,
sa masayang pag-awit ko pinupuri’y buhay na Diyos.

Ang templo mo’y aking mahal,
D’yos na Makapangyarihan.

Panginoon, sa templo mo, mga maya’y nagpupugad,
maging ibong layang-laya sa templo mo’y nagagalak,
may inakay na kalinga sa tabi ng iyong altar;
O Poon, hari namin at Diyos na walang kupas.

Ang templo mo’y aking mahal,
D’yos na Makapangyarihan.

Mapalad na masasabi, silang doo’y tumatahan
at palaging umaawit, nagpupuring walang hanggan.
Ang sa iyo umaasa’y masasabing mapalad din,
silang mga naghahangad na sa Sio’y makarating.

Ang templo mo’y aking mahal,
D’yos na Makapangyarihan.

Ikaw ang haring dakila, ang tunay naming sanggalang,
kami’y pinagpapala mo sa pag-ibig mo at dangal.
Hindi siya nagkakait ng mabuting mga bagay
sa sinumang ang gawain ay matuwid at marangal.

Ang templo mo’y aking mahal,
D’yos na Makapangyarihan.

ALELUYA
Juan 17, 17b. a

Aleluya! Aleluya!
Amang D’yos ni Hesukristo,
ang salita mo’y totoo
kami ay pabanalin mo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 6, 39-42

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, tinanong ni Hesus ang kanyang mga alagad nang patalinghaga: “Maaari bang maging tagaakay ng bulag ang isa ring bulag? Kapwa sila mahuhulog sa hukay kapag ginawa ang gayun. Walang alagad na higit sa kanyang guro; ngunit kapag lubusang naturuan, siya’y magiging katulad ng kanyang guro.

“Ang tinitingnan mo’y ang puwing ng iyong kapatid, ngunit hindi mo pinapansin ang tahilan sa iyong mata. Paano mo masasabi sa iyong kapatid, ‘Kapatid, bayaan mong alisin ko ang iyong puwing,’ gayong hindi mo nakikita ang tahilang nasa iyong mata? Mapagpaimbabaw! Alisin mo muna ang tahilan sa iyong mata, at makakikita kang mabuti; sa gayo’y maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Sa pamamagitan ng kanyang salita at gawa, tinuruan tayo ni Jesus ng mahabaging pagpapatawad ng Ama na naglalayong magligtas at hindi pumuksa. Masundan nawa natin ang kanyang halimbawa habang nananalangin tayo sa Ama.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Aming Ama, matulad nawa kami sa Iyo.

Ang Simbahan nawa’y piliin ang daan tungo sa pagpapatawad, katarungan, katotohanan, at pag-ibig, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang tapat at maliliit na mamamayan nawa’y hindi mailigaw ng mga di-tunay at mga ambisyosong pinuno, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang mapigilan at mahinto ang paghusga sa ating kapwa dahil sa kanilang kahinaan at pagkukulang, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makadama ng mapagpatawad na pag-ibig at pagpapagaling ng ating Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pumanaw nawa’y tumanggap ng habag sa harap ng luklukang hukuman ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, buksan mo ang mga mata ng lahat ng tao na nawalay na sa landas ng buhay. Sa iyong biyaya, akayin mo kaming pabalik sa iyo na nagmamahal sa lahat. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Trabaho sa kabila ng init

 6,704 total views

 6,703 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 14,928 total views

 14,928 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »

Permanent interests

 20,774 total views

 20,774 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »

Resilient Education

 34,175 total views

 34,174 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »

Financial Inclusion

 37,287 total views

 37,286 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »

Watch Live

Related Story

MARTES, ABRIL 30, 2024

 1,305 total views

 1,305 total views Martes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, Papa Mga Gawa 14, 19-28 Salmo 114, 10-11. 12-13ab. 21 Talastas ng mga tao, dakilang paghahari mo. Juan 14, 27-31a Tuesday of Fifth Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. Pius V, Pope (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 14, 19-28

Read More »

LUNES, ABRIL 29, 2024

 1,525 total views

 1,525 total views Paggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 14, 5-18 Salmo 113 B, 1-2. 3-4. 15-16 Dapat nating papurihan ang pangalan ng Maykapal. Juan 14, 21-26 Memorial of St. Catherine of Siena, Virgin and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes sa Ika-5 Linggo ng Pasko

Read More »

LINGGO, ABRIL 28, 2024

 1,798 total views

 1,798 total views Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 9, 26-31 Salmo 21, 26b-27. 28 at 30. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. 1 Juan 3, 18-24 Juan 15, 1-8 Fifth Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 26-31 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol Noong mga araw

Read More »

SABADO, ABRIL 27, 2024

 2,094 total views

 2,094 total views Sabado sa Ika-4 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 44-52 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Kahit saa’y namamalas tagumpay ng Nagliligtas. Juan 14, 7-14 Saturday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 44-52 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Apostol Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos

Read More »

BIYERNES, ABRIL 26, 2024

 2,771 total views

 2,771 total views Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 26-33 Salmo 2, 6-7. 8-9. 10-11 Anak ng Diyos kailanman sa simula pa sumilang. Juan 14, 1-6 Friday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 26-33 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw

Read More »

HUWEBES, ABRIL 25, 2024

 2,782 total views

 2,782 total views Kapistahan ni San Marcos, Manunulat ng Mabuting Balita 1 Pedro 5, 5b-14 Salmo 88, 2-3. 6-7. 16-17 Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin. Marcos 16, 15-20 Feast of Saint Mark, evangelist (Red) UNANG PAGBASA 1 Pedro 5, 5b-14 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro Mga pinakamamahal, magpakababa kayong lahat

Read More »

MIYERKULES, ABRIL 24, 2024

 2,363 total views

 2,363 total views Miyerkules sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Fidel ng Sigmaringen, pari at martir Mga Gawa 12, 24 – 13, 5a Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8 Nawa’y magpuri sa iyo ang lahat ng mga tao. Juan 12, 44-50 Wednesday of the Fourth Week of Easter (White) or Optional

Read More »

MARTES, ABRIL 23, 2024

 2,280 total views

 2,279 total views Martes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Adalberto, obispo at martir o kaya Paggunita kay San Jorge, martir Mga Gawa 11, 19-26 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Purihin ng tanang bansa ang Panginoong Dakila. Juan 10, 22-30 Tuesday of the Fourth Week of Easter (White) or Optional Memorial of St.

Read More »

LUNES, ABRIL 22, 2024

 4,830 total views

 4,830 total views Lunes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 11, 1-18 Salmo 41, 2. 3; Salmo 42, 3. 4 Aking kinasasabikan ang Diyos na nabubuhay. Juan 10, 1-10 Monday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 11, 1-18 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol Noong mga

Read More »

LINGGO, ABRIL 21, 2024

 4,170 total views

 4,170 total views Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 4, 8-12 Salmo 117, 1 at 8-9. 21-23. 26 at 28kd at 29 Batong dating tinanggiha’y siya pang naging saligan. 1 Juan 3, 1-2 Juan 10, 11-18 Fourth Sunday of Easter (White) Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations UNANG PAGBASA

Read More »

SABADO, ABRIL 20, 2024

 5,602 total views

 5,602 total views Sabado sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 9, 31-42 Salmo 115, 12-13. 14-15. 16-17 Sa lahat ng ‘yong kaloob ano’ng aking ihahandog? Juan 6, 60-69 Saturday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 31-42 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

BIYERNES, ABRIL 19, 2024

 6,553 total views

 6,553 total views Biyernes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 9, 1-20 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Juan 6, 52-59 Friday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 1-20 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon, masidhi

Read More »

HUWEBES, ABRIL 18, 2024

 7,241 total views

 7,241 total views Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 26-40 Salmo 65, 8-9. 16-17. 20 Sangkalupaang nilalang galak sa Poo’y isigaw. Juan 6, 44-51 Thursday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 8, 26-40 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon, si

Read More »

MIYERKULES, ABRIL 17, 2024

 6,396 total views

 6,396 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 1b-8 Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw. Juan 6, 35-40 Wednesday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 8, 1b-8 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Nagsimula nang araw na iyon ang

Read More »

MARTES, ABRIL 16, 2024

 6,720 total views

 6,720 total views Martes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 7, 51 – 8, 1a Salmo 30, 3kd-4. 6ab at 7b at 8a. 17 at 21ab Poon, sa mga kamay mo habilin ko ang buhay ko. Juan 6, 30-35 Tuesday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 7, 51 –

Read More »
Scroll to Top