LINGGO, SETYEMBRE 11, 2022

SHARE THE TRUTH

 644 total reads

Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Exodo 32, 7-11. 13-14
Salmo 50, 3-4. 12-13. 17 at 19

Babalik ako sa Ama,
pagkat ako’y nagkasala.

1 Timoteo 1, 12-17
Lucas 15, 1-32
o kaya Lucas 15, 1-10

Twenty-fourth Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Exodo 32, 7-11. 13-14

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Noong mga araw na iyon, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Balikan mo ngayon din ang mga Israelitang inialis mo sa Egipto, naroon at nagpapakasama. Tinalikdan nila agad ang mga utos ko. Gumawa sila ng guyang ginto. Iyon ang sinasamba nila ngayon at hinahandugan. Ang sabi nila’y iyon ang diyos na nag-alis sa kanila sa Egipto. Kilala ko ang mga taong iyan at alam kong matigas ang kanilang ulo. Kung gusto mo, lilipulin ko sila at iyo ko pagmumulain ang isang malaking bansa.”

Nagsumamo si Moises sa Panginoon, “Huwag po! Huwag ninyong lilipulin ang mga taong inialis ninyo sa Egipto sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan. Alalahanin ninyo ang mga lingkod ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob. Ipinangako ninyo sa kanila na ang lahi nila’y pararamihin tulad ng mga bituin sa langit at magiging kanila habang panahon ang lupaing ipinangako ninyo.” Hindi nga itinuloy ng Panginoon ang balak na paglipol sa mga Israelita.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 50, 3-4. 12-13. 17 at 19

Babalik ako sa Ama,
pagkat ako’y nagkasala.

Ako’y kaawaan, O mahal kong Diyos,
sang-ayon sa iyong kagandahang loob;
mga kasalanan ko’y iyong pawiin,
ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!
Linisin mo sana ang aking karumhan
at ipatawad mo yaring kasalanan!

Babalik ako sa Ama,
pagkat ako’y nagkasala.

Isang pusong tapat sa aki’y likhain,
bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.
Sa iyong harapa’y h’wag akong alisin;
ang Espiritu mo ang papaghariin.

Babalik ako sa Ama,
pagkat ako’y nagkasala.

Turuan mo akong makapagsalita,
at pupurihin ka sa gitna ng madla.
Ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat
ay ang pakumbaba’t pusong mapagtapat.

Babalik ako sa Ama,
pagkat ako’y nagkasala.

IKALAWANG PAGBASA
1 Timoteo 1, 12-17

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal ko, nagpapasalamat ako kay Kristo Hesus na ating Panginoon, na nagbibigay sa akin ng lakas para sa gawaing ito, sapagkat ako’y minarapat niya at hinirang na maging lingkod. Hinirang niya ako upang maglingkod sa kanya bagamat noong una’y nagsalita ako laban sa kanya. Bukod dito’y inusig ko siya’t nilait. Sa kabila nito’y kinahabagan ako ng Diyos sapagkat hindi ko nalalaman ang aking ginagawa noong hindi pa ako naniniwala sa kanya. Iginawad sa akin ng Panginoon ang kanyang masaganang pagpapala, kalakip ang pananampalataya at pag-ibig na nasa atin dahil sa pakikipag-isa kay Kristo Hesus. Narito ang isang katotohanang dapat tanggapi’t paniwalaan ng lahat: si Kristo Hesus ay naparito sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan. At ako ang pinakamasama sa lahat. Ngunit kinahabagan ako ng Diyos upang sa nangyari sa akin ay ipakita ni Kristo Hesus kung gaano siya katiyaga, at maging halimbawa ito sa mga mananalig sa kanya at pagkakalooban ng buhay na walang hanggan. Purihin at dakilain magpakailanman ang iisang Diyos, Haring walang hanggan, walang kamatayan, at di nakikita! Amen.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
2 Corinto 5, 19

Aleluya! Aleluya!
Pinagkasundo ni Kristo
ang Diyos at mga tao;
kaya’t napatawad tayo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 15, 1-32

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, ang mga publikano at ang mga makasalanan ay nagsisilapit upang makinig kay Hesus. Nagbubulung-bulungan ang mga Pariseo at ang mga eskriba. Ang sabi nila, “Ang taong ito’y nakikisalamuha sa mga makasalanan at nakikisalo sa kanila.” Kaya’t sinabi sa kanila ni Hesus ang talinghagang ito.

“Kung ang sinuman sa inyo ay may sandaang tupa, at mawala ang isa, ano ang gagawin niya? Iiwan ang siyamnapu’t siyam sa ilang at hahanapin ang nawawala hanggang sa matagpuan, hindi ba? Kapag nasumpungan na’y masaya niyang papasanin ito. Pagdating sa bahay, aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay. Sasabihin niya, ‘Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nasumpungan ko sa wakas ang tupa kong nawawala!’ Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi’t tumatalikod sa kanyang kasalanan kaysa siyamnapu’t siyam na matuwid na hindi nangangailangang magsisi.

“O kaya, kung ang isang babae ay may sampung salaping pilak at mawala ang isa, ano ang gagawin niya? Sisindihan niya ang ilaw, wawalisan ang bahay at hahanaping mabuti hanggang sa masumpungan ito, hindi ba? Kapag nasumpungan na ito ay aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay. Sasabihin niya, ‘Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nasumpungan ko sa wakas ang nawala kong salaping pilak!’ Sinasabi ko sa inyo, gayon din ang kagalakan ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanang nagsisi’t tumalikod sa kanyang kasalanan.”

Sinabi pa ni Hesus, “Isang tao ang may dalawang anak na lalaki. Ang wika ng bunso, ‘Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.’ At binahagi sa kanila ng ama ang kanyang ari-arian. Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang kanyang ari-arian at nagtungo sa malayong lupain, taglay ang buo niyang kayamanan, at doo’y nilustay na lahat sa di wastong pamumuhay. Nang malustay na niya ang kanyang kayamanan, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing yaon, at nagdalita siya. Kaya’t namasukan siya sa isang mamamayan ng lupain yaon. Siya’y pinapunta nito sa bukid upang mag-alaga ng baboy. Ibig sana niyang punan ang kanyang pagkain kahit ng mga bungang-kahoy na ipinakakain sa mga baboy ngunit walang magbigay sa kanya. Nang mapag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, nasabi niya sa sarili, ‘Ang mga alila ng aking ama ay may sapat na pagkain at lumalabis pa samantalang ako’y namamatay ng gutom dito! Babalik ako sa kanya, at sasabihin ko, “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila.” At tumindig siya at pumaroon sa kanyang ama.

“Malayo pa’y natanawan na siya ng ama at ito’y labis na nahabag sa kanya, kaya’t patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinagkan. Sinabi ng anak, ‘Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak.’ Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, ‘Madali! Dalhin ninyo rito ang pinakamahusay na damit at isuot sa kanya. Suutan siya ng singsing at panyapak. Kunin ang pinatabang guya at patayin; kumain tayo at magsaya! Sapagkat namatay na ang anak kong ito; ngunit muling nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.’ At sila’y nagsaya.

“Nasa bukid noon ang anak na panganay. Umuwi siya, at nang malapit na sa bahay ay narinig niya ang tugtugan at sayawan. Tinawag niya ang isa sa mga alila at tinanong: ‘Bakit? May ano sa atin?’ ‘Dumating po ang inyong kapatid!’ tugon ng alila. ‘Ipinapatay ng inyong ama ang pinatabang guya, sapagkat nagbalik siyang buhay at walang sakit.’ Nagalit ang panganay at ayaw itong pumasok sa bahay. Kaya’t lumabas ang kanyang ama at inamu-amo siya. Ngunit sinabi nito, ‘Pinaglingkuran ko po kayo sa loob ng maraming taon, at kailanma’y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa’y hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang bisirong kambing para magkatuwaan kami ng aking mga kaibigan.’ Subalit nang dumating ang anak ninyong lumustay ng inyong kabuhayan sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo ng pinatabang guya!’ Sumagot ang ama, ‘Anak, lagi kitang kapiling. Ang lahat ng ari-arian ko’y sa iyo. Ngunit dapat tayong magsaya at magalak, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.’”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya: Maikling Pagbasa
Lucas 15, 1-10

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, ang mga publikano at ang mga makasalanan ay nagsisilapit upang makinig kay Hesus. Nagbubulung-bulungan ang mga Pariseo at ang mga eskriba. Ang sabi nila, “Ang taong ito’y nakikisalamuha sa mga makasalanan at nakikisalo sa kanila.” Kaya’t sinabi sa kanila ni Hesus ang talinghagang ito.

“Kung ang sinuman sa inyo ay may sandaang tupa, at mawala ang isa, ano ang gagawin niya? Iiwan ang siyamnapu’t siyam sa ilang at hahanapin ang nawawala hanggang sa matagpuan, hindi ba? Kapag nasumpungan na’y masaya niyang papasanin ito. Pagdating ng bahay, aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay. Sasabihin niya, ‘Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nasumpungan ko sa wakas ang tupa kong nawawala!’ Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi’t tumatalikod sa kanyang kasalanan kaysa siyamnapu’t siyam na matuwid na hindi nangangailangang magsisi.

“O kaya, kung ang isang babae ay may sampung salaping pilak at mawala ang isa, ano ang gagawin niya? Sisindihan niya ang ilaw, wawalisan ang bahay at hahanaping mabuti hanggang sa masumpungan ito, hindi ba? Kapag nasumpungan na ito ay aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay. Sasabihin niya, ‘Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nasumpungan ko sa wakas ang nawala kong salaping pilak!’ Sinasabi ko sa inyo, gayon din ang kagalakan ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanang nagsisi’t tumalikod sa kanyang kasalanan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Dapat maging pampasigla sa atin ang masuyong malasakit ng Panginoon sa mga nasadlak sa pagkakasala. Dumulog tayo sa Kanya nang buong pananalig at ipanalangin natin ang lahat nating pangangailangan. Manalangin tayo:

Mahabaging Panginoon, pakinggan Mo kami!

Para sa Simbahan, ang panlahat na sakramento ng mahabaging pag-ibig ng Diyos: Nawa patuloy siyang magsikap alang-alang sa pagbabalik-loob ng mga makasalanan. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa at lahat ng pinunong espirituwal: Nawa maganyak sila ng habag ng Diyos na maging mahabagin din sa iba. Manalangin tayo!

Para sa mga magulang, guro, at iba pang may pananagutan sa kabataan: Nawa huwag silang masiraan ng loob sanhi ng pagkakapalungi ng kabataan, sa halip ay pagsikapan nila ang pagiging gabay at guro ng mga kabataan. Manalangin tayo!

Para sa mga katekista, mga guro ng Relihiyon, at lahat ng nagtuturo ng pananampalatayang Katoliko sa ating kabataan: Nawa magbungang sagana ang kanilang mga sakripisyo at patuloy silang itaguyod ng buong pamayanan. Manalangin tayo!

Para sa mga lolo’t lola: Nawa maibahagi nila ang kanilang karunungan at pagmamahal sa kanilang mga anak at apo, habang tinatamasa ang respeto at pagkalinga ng kanilang pamilya. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat: Nawa tayo’y maging pamayanang patuloy na kumakalinga sa lahat ng kasamahang naligaw, at nagagalak sa kanilang pagbabalik sa tahanan ng Ama. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga pansariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Panginoon, pinasasalamatan namin ang Iyong walang takdang pagmamahal at tiyaga sa aming lahat. Ingatan Mo kami sa piling Mo at tulutan kaming makipagtulungan para sa pagbabalik-loob ng iba. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpasa-walang hanggan. Amen!

IT IS NEVER TOO LATE.

 3,670 total reads

Gospel Reading for October 24, 2026 – Luke 13: 1-9

IT IS NEVER TOO LATE.

Some people told Jesus about the Galileans whose blood Pilate had mingled with the blood of their sacrifices. He said to them in reply, “Do you think that because these Galileans suffered in this way they were greater sinners than all other Galileans? By no means! But I tell you, if you do not repent, you will all perish as they did! Or those eighteen people who were killed when the tower at Siloam fell on them– do you think they were more guilty than everyone else who lived in Jerusalem? By no means! But I tell you, if you do not repent, you will all perish as they did!”

And he told them this parable: “There once was a person who had a fig tree planted in his orchard, and when he came in search of fruit on it but found none, he said to the gardener,‘For three years now I have come in search of fruit on this fig tree but have found none. So cut it down. Why should it exhaust the soil?’ He said to him in reply, ‘Sir, leave it for this year also, and I shall cultivate the ground around it and fertilize it; it may bear fruit in the future. If not you can cut it down.’”

————

As long as we live, no matter how old we have become, there is always hope. God always gives us chances and even the capability to change our ways according to how we are meant to be. Being made in his image and likeness, we are meant to project such image and likeness of being good, kind, compassionate, forgiving and everything that characterizes LOVE.

When we try to be what we are meant to be, some of us think we have to exert much effort, as if it is not worth the try. But it becomes this only when we got so used to being the opposite of who we are meant to be. Nevertheless, we need to cultivate and fertilize our lives through constant communication with God in prayer, the sacraments, and in doing charitable works.

The efforts, even if they be great, is worth more than our life on earth is, because it is what will bring us everlasting life with God.

IT IS NEVER TOO LATE.

Lord God, we thank you for always giving us the chance to attain eternal life with you. Amen.

MADALDAL KULANG SA GAWA

 30,873 total reads

Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling din ang kalihim sa pagbibigay ng tip sa mga VIP na nagtatago sa batas.

Dahil malimit magsalita sa media, iniisip ng maraming Pilipino na nagta-trabaho, masigasig., masipag sa trabaho si Remulla.

Di nga ba, ibinahagi nito sa media ang kanilang hakbang nahulihin ang nagtatagong wanted sa flood control projects scam na si Zaldy Co. Tuloy ni anino ng dating partylist representative hindi nakita ng tropa ni Remulla.

Hindi na nga mahagilap si Co sa abroad, kumana na naman si Remulla, alam daw niya ang kinaroroonan o lugar na pinagtataguan ng puganteng si Senador Ronald dela Rosa na wanted sa International Criminal Court at kapwa akusado ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity dahil sa madugong pagpapatupad ng war on drugs.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Remulla na tumanggap siya ng impormasyon dalawang buwan na ang nakalipas sa kinaroroonan ng pugante sa Mindanao. Si dela Rosa daw ay pino-protektahan ng hindi pinangalanang armadong grupo.

Eh bakit hindi ipahuli ni Remulla sa Philippine National Police na nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan si Bato dela Rosa?

Palusot ng kalihim kaya hindi nila mahuhuli ang dating PNP Chief, dadanak daw ang dugo kapag pilit nilang dinakip ang pugante, maari ding mamatay sa sagupaan ang 10,000 mamamayan.

Malakas at napakarami pala ang armadong protektor ni dela Rosa.

Dahil sa pangambang ito, minabuti ng DILG at mga otoridad na i-negotiate ang pagsuko sa Senador.

Kapanalig, bakit kinukonsenti at pinababayaan ng gobyerno na kanlungin si dela rosa ng isang private army? Dapat binubuwag ng pamahalaan ang isang armadong grupo na nagkakanlong sa isang wanted na opisyal.

Minsan nang nalansi at natakasan ni dela Rosa si Remulla sa Senado, hindi pa rin natututo ang kalihim ng DILG.

May standing arrest order kay dela Rosa ang ICC kaugnay madugong war on drugs ng dating pangulong Rodrigo Duterte kung saan tinatayang 12 libo hanggang 30-libo ang namatay at ang Senador ang implementor.

Bakit natatakot ang gobyerno sa mga armadong nagkakanlong kay dela Rosa? Harboring a criminal is crime.

Kapanalig, umaasa tayo na manaig ang peace negotiation sa pagsuko ni dela Rosa upang maiwasan ang madugong komprontasyon.

Sa John 28:36, sinabi ni Hesus kay Pilato “My kingdom is no part of this world. If my kingdom were part of this world, my attendants would have fought that I should not be delivered up to the Jews. But, as it is, my kingdom is not from this source.”

Sumainyo ang Katotohanan.

RENDERED USELESS

 4,663 total reads

Gospel Reading for October 23, 2026 – Luke 12: 54-59

RENDERED USELESS

Jesus said to the crowds, “When you see a cloud rising in the west you say immediately that it is going to rain–and so it does; and when you notice that the wind is blowing from the south you say that it is going to be hot–and so it is. You hypocrites! You know how to interpret the appearance of the earth and the sky; why do you not know how to interpret the present time? “Why do you not judge for yourselves what is right? If you are to go with your opponent before a magistrate, make an effort to settle the matter on the way; otherwise your opponent will turn you over to the judge, and the judge hand you over to the constable, and the constable throw you into prison. I say to you, you will not be released until you have paid the last penny.”

————

The scribes and Pharisees interpreted the Laws of God as they saw fit. Jesus described their behavior very well:

“Woe to you, teachers of the law and Pharisees, you hypocrites! You give a tenth of your spices—mint, dill and cumin. But you have neglected the more important matters of the law—justice, mercy and faithfulness. You should have practiced the latter, without neglecting the former” (Matthew 23:23).

“Woe to you, teachers of the law and Pharisees, you hypocrites! You shut the door of the kingdom of heaven in people’s faces. You yourselves do not enter, nor will you let those enter who are trying to” (Matthew 23:13).

“In the same way, on the outside you appear to people as righteous but on the inside you are full of hypocrisy and wickedness” (Matthew 23:28).

If all of us interpreted laws according to what we wanted or as we saw fit, there would surely be CHAOS, and the law would be RENDERED USELESS.

For Jesus, it is very important that the Law of God be interpreted according to the intent of the One who gave it. Otherwise, the Law of God would be RENDERED USELESS. Since the Law of God is meant to bring peace, order, and happiness into our lives by placing LOVE for God and neighbor above all else, it should not be interpreted otherwise.

Lord Jesus, teach us to love and follow your decrees, knowing that they are the guideposts that will lead us to eternal life. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 30,874 total reads

 30,874 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 117,049 total reads

 117,049 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 163,788 total reads

 163,788 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 211,660 total reads

 211,660 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 314,119 total reads

 314,119 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Oktubre 27, 2026

 93 total reads

 93 total reads Martes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 5, 21-33 Salmo 127, 1-2. 3, 4-5 Mapalad ang sumusunod na taong may takot

Read More »

Lunes, Oktubre 26, 2026

 1,992 total reads

 1,992 total reads Lunes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 4, 32 – 5, 8 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Lahat kayong

Read More »

Linggo, Oktubre 25, 2026

 4,556 total reads

 4,556 total reads Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Exodo 22, 20-26 Salmo 17, 2-3a 3bk-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. 1

Read More »

Sabado, Oktubre 24, 2026

 6,286 total reads

 6,286 total reads Sabado ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Antonio Maria Claret, obispo o kaya Paggunita sa Mahal

Read More »

Biyernes, Oktubre 23, 2026

 7,252 total reads

 7,252 total reads Biyernes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Juan Capistrano, pari Efeso 4, 1-6 Salmo 23, 1-2.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top