MIYERKULES, SETYEMBRE 14, 2022

SHARE THE TRUTH

 559 total reads

Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal

Mga Bilang 21, 4b-9
Salmo 77, 1-2. 34-35. 36-37. 38

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Filipos 2, 6-11
Juan 3, 13-17

Feast of the Exaltation of the Cross (Red)

UNANG PAGBASA
Mga Bilang 21, 4b-9

Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang

Noong mga araw na iyon, nainip ang mga tao sa pasikut-sikot na paglalakbay. Nagreklamo sila kay Moises, “Inialis mo ba kami sa Egipto para patayin sa ilang na ito? Wala kaming makain ni mainom! Sawa na kami sa walang kuwentang pagkaing ito.” Dahil dito, sila’y pinadalhan ng Panginoon ng makamandag na ahas at sinumang matuka nito ay namamatay. Kaya lumapit sila kay Moises. Sinabi nila “Nagkasala kami sa Panginoon at sa iyo. Idalangin mo sa kanyang paalisin ang mga ahas na ito.” Dumalangin nga si Moises at ganito ang sagot sa kanya ng Panginoon, “Gumawa ka ng isang ahas na tanso. Ilagay mo iyon sa dulo ng isang tikin at sinumang natuklaw ng ahas na tumingin doon ay hindi mamamatay.” Gayun nga ang ginawa ni Moises. Mula noon, lahat ng matuklaw ng ahas ngunit tumingin sa ahas na tanso ay hindi namamatay.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 77, 1-2. 34-35. 36-37. 38

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Kaya ngayon ay makinig sa turo ko, mga anak,
inyong dinggi’t ulinigin, salita kong binibigkas;
itong aking sasabihin ay bagay na talinhaga,
nangyari pa noong una, kaya ito’y mahiwaga.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Datapwat noong sila’y lilipulin na ng Diyos,
nagsisi ang karamiha’t sa kanya’y nagbalik-loob.
Noon nila nagunitang ang sanggalang nila’y ang Diyos.
Ang Kataas-taasang Diyos ay kanilang Manunubos.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Kaya’t siya ay pinuri, ng papuring hindi tapat,
pagkat yao’y pakunwari’t balat-kayong matatawag.
Sa kanilang mga puso, naghahari’y kataksilan,
hindi sila nagtatapat sa ginawa niyang tipan.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Gayun pa man, palibhasa’y Diyos siyang mahabagin
ang masamang gawa nila’y pinatawad niyang tambing;
dahilan sa pag-ibig n’ya’y hindi sila wawasakin,
kung siya ma’y nagagalit, ito’y kanyang pinipigil.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

IKALAWANG PAGBASA
Filipos 2, 6-11

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo
sa mga taga-Filipos

Si Kristo Hesus, bagamat siya’y Diyos ay hindi nagpilit na manatiling kapantay ng Diyos.

Bagkus hinubad niya ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos, nagkatawang-tao at namuhay na isang alipin.

Nang maging tao, siya’y nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan. Oo, hanggang kamatayan sa krus.

Kaya naman, siya’y itinampok ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.

Anupa’t ang lahat ng nilalang na nasa langit, nasa lupa, nasa ilalim ng lupa ay maninikluhod at sasamba sa kanya.

At ipapahayag ng lahat na si Hesukristo ang Panginoon, sa ikararangal ng Diyos Ama.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Kami’y sumasamba sa’yo
at gumagalang sa krus mo
na kaligtasan ng mundo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 3, 13-17

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus kay Nicodemo, “Walang umakyat sa langit kundi ang bumaba mula sa langit — ang Anak ng Tao.”

At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang, gayun din naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ang Pagtatampok sa Krus na Banal

Manalangin tayo sa Diyos Ama na nagmahal nang labis sa mundo kaya’t ibinigay ang kanyang bugtong na Anak upang mamatay sa krus para sa atin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng krus,
dinggin Mo kami, O Panginoon.

Ang Simbahan sa lupa nawa’y magpatuloy sa paglaban patungo sa tagumpay sa ilalim ng bandila ng krus, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mamamayan ng ibang bansa at kultura nawa’y makatagpo ng kalayaan at kapayapaan sa pamamagitan ni Jesukristong itinaas ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nangangailangan ng habag at pagpapatawad ng Diyos nawa’y makatagpo ng pag-asa sa krus ni Kristo bilang daan sa kapayapaan at pagkakasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makita sa krus ni Kristo ang pag-asa sa lubos na paggaling at panunumbalik ng kalusugan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nahihimlay kay Kristo nawa’y mapatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng dugo ng sakripisyo ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming mapagmahal, nasa krus ang aming pag-asa sa buhay na ito at sa kabila. Ipagkaloob mo ang aming mga kahilingan habang nagpupuri kami sa iyo dahil sa iyong mga awa sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

IT IS NEVER TOO LATE.

 3,310 total reads

Gospel Reading for October 24, 2026 – Luke 13: 1-9

IT IS NEVER TOO LATE.

Some people told Jesus about the Galileans whose blood Pilate had mingled with the blood of their sacrifices. He said to them in reply, “Do you think that because these Galileans suffered in this way they were greater sinners than all other Galileans? By no means! But I tell you, if you do not repent, you will all perish as they did! Or those eighteen people who were killed when the tower at Siloam fell on them– do you think they were more guilty than everyone else who lived in Jerusalem? By no means! But I tell you, if you do not repent, you will all perish as they did!”

And he told them this parable: “There once was a person who had a fig tree planted in his orchard, and when he came in search of fruit on it but found none, he said to the gardener,‘For three years now I have come in search of fruit on this fig tree but have found none. So cut it down. Why should it exhaust the soil?’ He said to him in reply, ‘Sir, leave it for this year also, and I shall cultivate the ground around it and fertilize it; it may bear fruit in the future. If not you can cut it down.’”

————

As long as we live, no matter how old we have become, there is always hope. God always gives us chances and even the capability to change our ways according to how we are meant to be. Being made in his image and likeness, we are meant to project such image and likeness of being good, kind, compassionate, forgiving and everything that characterizes LOVE.

When we try to be what we are meant to be, some of us think we have to exert much effort, as if it is not worth the try. But it becomes this only when we got so used to being the opposite of who we are meant to be. Nevertheless, we need to cultivate and fertilize our lives through constant communication with God in prayer, the sacraments, and in doing charitable works.

The efforts, even if they be great, is worth more than our life on earth is, because it is what will bring us everlasting life with God.

IT IS NEVER TOO LATE.

Lord God, we thank you for always giving us the chance to attain eternal life with you. Amen.

MADALDAL KULANG SA GAWA

 28,112 total reads

Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling din ang kalihim sa pagbibigay ng tip sa mga VIP na nagtatago sa batas.

Dahil malimit magsalita sa media, iniisip ng maraming Pilipino na nagta-trabaho, masigasig., masipag sa trabaho si Remulla.

Di nga ba, ibinahagi nito sa media ang kanilang hakbang nahulihin ang nagtatagong wanted sa flood control projects scam na si Zaldy Co. Tuloy ni anino ng dating partylist representative hindi nakita ng tropa ni Remulla.

Hindi na nga mahagilap si Co sa abroad, kumana na naman si Remulla, alam daw niya ang kinaroroonan o lugar na pinagtataguan ng puganteng si Senador Ronald dela Rosa na wanted sa International Criminal Court at kapwa akusado ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity dahil sa madugong pagpapatupad ng war on drugs.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Remulla na tumanggap siya ng impormasyon dalawang buwan na ang nakalipas sa kinaroroonan ng pugante sa Mindanao. Si dela Rosa daw ay pino-protektahan ng hindi pinangalanang armadong grupo.

Eh bakit hindi ipahuli ni Remulla sa Philippine National Police na nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan si Bato dela Rosa?

Palusot ng kalihim kaya hindi nila mahuhuli ang dating PNP Chief, dadanak daw ang dugo kapag pilit nilang dinakip ang pugante, maari ding mamatay sa sagupaan ang 10,000 mamamayan.

Malakas at napakarami pala ang armadong protektor ni dela Rosa.

Dahil sa pangambang ito, minabuti ng DILG at mga otoridad na i-negotiate ang pagsuko sa Senador.

Kapanalig, bakit kinukonsenti at pinababayaan ng gobyerno na kanlungin si dela rosa ng isang private army? Dapat binubuwag ng pamahalaan ang isang armadong grupo na nagkakanlong sa isang wanted na opisyal.

Minsan nang nalansi at natakasan ni dela Rosa si Remulla sa Senado, hindi pa rin natututo ang kalihim ng DILG.

May standing arrest order kay dela Rosa ang ICC kaugnay madugong war on drugs ng dating pangulong Rodrigo Duterte kung saan tinatayang 12 libo hanggang 30-libo ang namatay at ang Senador ang implementor.

Bakit natatakot ang gobyerno sa mga armadong nagkakanlong kay dela Rosa? Harboring a criminal is crime.

Kapanalig, umaasa tayo na manaig ang peace negotiation sa pagsuko ni dela Rosa upang maiwasan ang madugong komprontasyon.

Sa John 28:36, sinabi ni Hesus kay Pilato “My kingdom is no part of this world. If my kingdom were part of this world, my attendants would have fought that I should not be delivered up to the Jews. But, as it is, my kingdom is not from this source.”

Sumainyo ang Katotohanan.

RENDERED USELESS

 4,303 total reads

Gospel Reading for October 23, 2026 – Luke 12: 54-59

RENDERED USELESS

Jesus said to the crowds, “When you see a cloud rising in the west you say immediately that it is going to rain–and so it does; and when you notice that the wind is blowing from the south you say that it is going to be hot–and so it is. You hypocrites! You know how to interpret the appearance of the earth and the sky; why do you not know how to interpret the present time? “Why do you not judge for yourselves what is right? If you are to go with your opponent before a magistrate, make an effort to settle the matter on the way; otherwise your opponent will turn you over to the judge, and the judge hand you over to the constable, and the constable throw you into prison. I say to you, you will not be released until you have paid the last penny.”

————

The scribes and Pharisees interpreted the Laws of God as they saw fit. Jesus described their behavior very well:

“Woe to you, teachers of the law and Pharisees, you hypocrites! You give a tenth of your spices—mint, dill and cumin. But you have neglected the more important matters of the law—justice, mercy and faithfulness. You should have practiced the latter, without neglecting the former” (Matthew 23:23).

“Woe to you, teachers of the law and Pharisees, you hypocrites! You shut the door of the kingdom of heaven in people’s faces. You yourselves do not enter, nor will you let those enter who are trying to” (Matthew 23:13).

“In the same way, on the outside you appear to people as righteous but on the inside you are full of hypocrisy and wickedness” (Matthew 23:28).

If all of us interpreted laws according to what we wanted or as we saw fit, there would surely be CHAOS, and the law would be RENDERED USELESS.

For Jesus, it is very important that the Law of God be interpreted according to the intent of the One who gave it. Otherwise, the Law of God would be RENDERED USELESS. Since the Law of God is meant to bring peace, order, and happiness into our lives by placing LOVE for God and neighbor above all else, it should not be interpreted otherwise.

Lord Jesus, teach us to love and follow your decrees, knowing that they are the guideposts that will lead us to eternal life. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 28,113 total reads

 28,113 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 114,530 total reads

 114,530 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 161,269 total reads

 161,269 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 209,141 total reads

 209,141 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 311,710 total reads

 311,710 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Oktubre 26, 2026

 1,859 total reads

 1,859 total reads Lunes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 4, 32 – 5, 8 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Lahat kayong

Read More »

Linggo, Oktubre 25, 2026

 4,423 total reads

 4,423 total reads Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Exodo 22, 20-26 Salmo 17, 2-3a 3bk-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. 1

Read More »

Sabado, Oktubre 24, 2026

 6,185 total reads

 6,185 total reads Sabado ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Antonio Maria Claret, obispo o kaya Paggunita sa Mahal

Read More »

Biyernes, Oktubre 23, 2026

 7,162 total reads

 7,162 total reads Biyernes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Juan Capistrano, pari Efeso 4, 1-6 Salmo 23, 1-2.

Read More »

Huwebes, Oktubre 22, 2026

 8,231 total reads

 8,231 total reads Huwebes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Juan Pablo II, papa Efeso 3, 14-21 Salmo 32,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top