Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,658 total views

Homiliya para sa Ika-25

Linggo ng Karaniwang Panahon, Ika-18 ng Setyembre 2022, Luke 16:1-13

“Ang hindi mapagkatiwalaan sa MALIIT NA BAGAY ay hindi rin mapagkakatiwalaan sa mas MALALAKING MGA BAGAY.”

Maliit na bagay, malaking bagay—dati-rati, literal lang ang intindi ko sa kasabihang ito, mga materyal na bagay na ipinagkatiwala sa atin, katulad ng pera. Kung di tayo mapagkatiwalaan sa maliit na halaga, bakit tayo pagkakatiwalaan ng mas malaking halaga? Applicable nga naman, di ba?

Pero sa mas masusing pagninilay, mukhang ang “mas malalaking bagay” para kay Hesus ay hindi literal na ari-arian kundi mga paninindigan, prinsipyo o pagpapahalaga—sa Ingles, mga spiritual and moral values, convictions and principles. Sa bandang dulo ng ebanghelyo para bang sinasabi ni Hesus na ang lahat ng materyal na bagay at ari-arian dito sa mundo ay dapat ituring bilang “maliliit na mga bagay.” Ang mas malaki o mas mahalaga para sa kanya ay may kinalaman sa mga prinsipyo ng “kaharian ng Diyos.” Na ito ang dapat mauna sa lahat ng mga prayoridad, sa lahat ng dapat pagkaabalahan.

Di ba sinabi niya sa sermon sa bundok, sa Mat 6:33, “Hangarin muna, higit sa lahat, ang kaharian ng Diyos at ang lahat ng ibang bagay ay mapapasaiyo.” Kung alam natin ang pinakamahalaga at inuuna natin ito, malalaman din natin kung paano panghawakan ang mga materyal na bagay dito sa mundo sa paraang hindi tayo aalipinin ng mga ito o ilalayo sa Diyos.

Ang parable na narinig natin ay madalas tawaging “talinghaga ng madayang katiwala.” At ang madalas problemahin ng mga nakikinig sa kuwentong ito ay kung bakit ba pinuri pa siya sa kabila ng kanyang ginawang pandaraya. Ganito talaga ang magiging reaksyon natin kung ipapalagay natin kaagad na ang amo sa kuwento ang tumatayo para sa Diyos, at ang katiwala naman para sa tao.

Ang kasabihan sa dulo ng pagbasa ay mas makapagbibigay ng linaw sa problemang ito. Sabi ni Hesus, “Hindi pwedeng maglingkod ang tao sa dalawang amo. Paglilingkuran niya ang isa at itatakwil ang isa. Hindi daw mapaglilingkuran nang sabay ang Diyos at ang salapi.”

Sa talinghaga, ang katiwala ay para bagang naglilingkod sa dalawang amo, at humantong sa puntong kinailangan niyang itakwil ang isa dahil pinanindigan niya ang pangalawa. Dinadaya niya ang isa dahil may pinaglilingkuran siyang iba.

Ang dinadaya niya ay ang mapang-abusong paraan na pinatutupad ng kanyang amo sa negosyo. Anong negosyo? Isa siyang usurerong sobrang lakas magpatong ng interes sa mga desperadong mangutang sa kanya. Malalaman natin ito sa dulo ng kuwento sa diskarteng balak niyang gawin pag nasisante na siya sa trabaho. Kakaltasin niya ang malaking patong o interes sa utang na obligasyon niyang singilin para sa amo niya. Mukhang dati na niyang ginagawa ito. Dinadaya ang amo niyang ganid at mapagsamantala sa mahihirap dahil siguro naaawa siya o nababagabag ang konsensya niya. Ibig sabihin, mayroon siyang mas nakahihigit na among pinaglilingkuran at alam niyang kung gagawin niya ang mas tama at makatarungan, mayroong sasaklolo sa kanya sa sandali ng pangangailangan.

Karanasan ito ng mga taong ayaw sumunod sa “kalakaran”kahit ito ang maaaring magpayaman sa kanya, o kahit ikapahamak pa nila ang pagsuway sa mali o tiwaling utos. Ganito talaga ang mangyayari pag mas mahalaga sa tao ang tiwala ng Diyos Ama sa langit kaysa tiwala ng mga tiwaling amo dito sa lupa. Magiging mas “malaking bagay” sa kanya ang manindigan sa tama kaysa makinabang at magpayaman sa pamamagitan ng pagpapagamit sa maling mga patakaran. Kapag alam natin kung ano ang tunay na mahalaga o “malaking bagay”, matututunan na nating panghawakan ang mga bagay na lumilipas bilang mas “maliliit na bagay.”

Di ba malungkot kapag halimbawa, sa sobrang pagkaabala ng mga magulang tungkol sa pagkakakitaan nakakalimutan na nila kung para saan ba o para kanino ang kanilang ginagawa, at kung ano ang pangunahin nilang prayoridad, at nauuwi ito sa pagkawasak ng kanilang pamilya? Kapag nasasanay ang tao na “mahalin ang pera at gamitin ang tao” kaysa “gamitin ang pera at mahalin ang tao” baka nga hindi na ang Diyos ang sinasamba niya kundi ang salapi.

Sa ating first reading, bumibigkas ang propetang Amos ng isang matapang na orakulo laban sa mga yumuyurak sa mga nangangailangan at nagsasamantala sa mga mahihirap. Kasama sa mga binabatikos niya ang mga taong kunwari masunurin sa mga patakaran ng relihiyon ngunit hindi makita ang kaugnayan ng mga ito sa paraan nila ng pamumuhay at pagnenegosyo.

Kaya nga importante ang paghubog sa edukasyon at pananampalataya, para hindi tayo malito, para hindi malihis ang atin mga prayoridad, para matutuhan natin ipailalim ang lahat ng ating pinagkakabalahan dito sa mundo mula sa abot-tanaw ng kaharian ng Diyos.

Ibang klase ng pagiging katiwala ang tawag dito ni San Pablo. Stewardship of the mysteries of God: Pagiging “katiwala ng mga katotohanan ukol sa Diyos na dapat mapanindigan.” 1 Cor. 4,1.

Sa chapter 12 ng kanyang unang sulat sa mga Corinto, matapos na ipaliwanag niya ang iba’t ibang mga kaloob ng Espiritu, ipinaaalala niya na dapat daw hangarin ang “mas nakahihigit na mga kaloob”. At sa dulo ng chapter 13, sasabihin niya kung alin ang mga ito: pananampalataya, pag-asa at pagibig. At sa tatlo, ayon sa kanya, ang pinakamahalaga ay pagibig. Ang lahat ay nawawalan ng halaga kapag ito ang nawala.

Kung iuuna natin ang dapat mauna sa mga kaloob ng Espiritu, para kay San Pablo, ang lahat ay mas madali nang pangasiwaan. Hindi ito magiging dahilan ng pagkakaligaw ng landas. Hindi mauuwi sa pagtatalo, pagkakanya-kanya o pagkakawatak, dahil iisang Espiritu ang pinanggagalingan ng lahat ng mga ito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 60,720 total views

 60,720 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 104,328 total views

 104,328 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 187,442 total views

 187,442 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 199,978 total views

 199,978 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

ANG SUGO AT NAGSUGO

 11,260 total views

 11,260 total views Homiliya para sa Miyerkoles sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay, 29 Abril 2026, Juan 12:44-50 “Ang naniniwala sa akin ay naniniwala sa nagsugo

Read More »

BAHALA KA

 15,135 total views

 15,135 total views Homily for Good Shepherd Sunday (World Day of Vocations) 25 April 2026, John 10:1–10 We gather this evening for this Vigil Mass of

Read More »

COMMUNION

 15,648 total views

 15,648 total views Homily for the Coronation Feast of Our Lady of the Rosary of Manaoag, 19 April 2026 – 3rd Sunday of Easter (Lk 24:13–35)

Read More »

ANG KABALINTUNAAN NG KRUS

 22,588 total views

 22,588 total views Biyernes Santo 2026 – Jn 18:1–19:42; 1 Cor 1:18–25 Mga kapatid, bago tayo magbigay-pugay sa Krus, inaanyayahan ko kayong samahan akong magnilay tungkol

Read More »
Scroll to Top