MARTES, SETYEMBRE 27, 2022

SHARE THE TRUTH

 480 total views

Paggunita kay San Vicente de Paul, Pari

Job 3, 1-3. 11-17. 20-23
Salmo 87. 2-3. 4-5. 6. 7-8

Panginoon, ako’y diggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

Lucas 9, 51-56



Memorial of St. Vincent de Paul, Priest (White)

Mga Pagbasa mula sa
Martes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Job 3, 1-3. 11-17. 20-23

Pagbasa mula sa aklat ni Job

Pagkaraan ng matagal na pananahimik, nagsalita si Job; sinumpa niya ang araw ng kanyang pagsilang.

Ito ang kanyang sinabi:
“Hindi na sana ako ipinanganak
at sana’y hindi ipinaglihi.
Bakit di pa ako namatay sa tiyan ng aking ina,
o kaya, noong ako ay isilang niya?
Bakit kaya ako ay ipinaghele pa,
inaruga, inalagaan, binuhay sa dibdib niya?
Kung namatay ako noon, ako sana’y tahimik na,
mahimbing na natutulog, wala nang iniisip pa.
Katulad ng mga hari at tagapamahalang pumanaw,
na nagtayo ng mga palasyo nang kanilang kapanahunan.
Sana, tahimik na ako tulad ng mga pinunong nakapag-imbak
ng ginto at nakatipon ng maraming pilak,
o tulad ng mga sanggol na patay nang ipanganak.
Yamang sa libingan wala nang gumagawa ng kasamaan,
at ang mga taong pagal ay nagpapahingalay.
Bakit pa isinilang kung magdurusa rin lang?
At bakit pa binuhay kung daranas ng kahirapan?
Kamataya’y hinahanap ngunit hindi masumpungan,
hinuhukay, dinudulang, parang isang kayamanan.
Sa kanila’y ubod-tamis nitong kamatayan.
Bakit pa isinilang ang tao kung wala rin lamang kaginhawahan?
Bagkus, hirap kabi-kabila ang nararanasan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 87. 2-3. 4-5. 6. 7-8

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

Panginoong Diyos,
tumatawag ako sa iyo kung araw,
pagsapit ng gabi, dumudulog ako sa iyong harapan
ako ay dinggin mo,
pagdalangin ko ako ay pakinggan,
sa aking pagdaing ako ay tulungan.

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

Ang kaluluwa ko
ay nababahala’t lipos ng hilahil.
Dahilan sa hirap
wari’y malapit nang ako ay malibing,
kabilang na ako,
niyong malapit nang sa hukay ilagak,
ang aking katulad
ay ang mahina na’t ubos na ang lakas,

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

Ang katulad ko pa
ay ang iniwanan sa gitna ng patay,
animo’y nasawi
na nananahimik sa kanyang libingan.
Tulad na rin ako
niyong mga tao na iyong nilimot,
parang mga tao
na sa iyong tulong ay hindi maabot.

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

Dinala mo ako sa may kadilimang hukay na malalim,
ang hukay na yaon
ay isang libingan na ubod ng dilim.
Ikaw ay nagalit,
at ang bigat nito’y sa akin nabunton,
ang aking katulad
ay ang tinabunan ng malaking alon.

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

ALELUYA
Marcos 10, 45

Aleluya! Aleluya!
Anak ng Tao’y dumating
upang sarili’y ihain;
Lingkod, Manunubos natin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 9, 51-56

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Nang nalalapit na ang panahong iaakyat si Hesus sa langit, ipinasiya niyang pumunta sa Jerusalem. Sinugo niya ang ilan upang mauna sa kanya. Humayo sila at pumasok sa isang nayon sa Samaria upang ipaghanda siya ng matutuluyan. Ngunit ayaw siyang tanggapin ng mga Samaritano sapagkat siya’y patungo sa Jerusalem. Nang makita ito nina Santiago at Juan ay kanilang sinabi, “Panginoon, payag ba kayong magpababa kami ng apoy mula sa langit upang pugnawin sila?” Ngunit bumaling siya at pinagsabihan sila. “Hindi ninyo alam kung anong uri ng espiritu ang sumasainyo,” sabi niya, “sapagkat naparito ang Anak ng Tao hindi upang ipahamak ang mga tao kundi upang iligtas sila.” At nagtungo sila sa ibang nayon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.



PANALANGIN NG BAYAN
Ika-26 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Mapagpaumanhin ang Diyos at alam niya ang ating mga pagdurusa. Manalangin tayo sa kanya upang tulungan niya tayo sa ating pagbabalik-loob at pagpapanibagong buhay.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, umunlad nawa kami sa pagiging kawangis ng Iyong anak.

Ang Kristiyanong sumasampalataya nawa’y pakinggan ang panawagan ng Diyos sa pananalig at pagsisisi, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y bigyan ng Diyos ng katapangan upang italaga natin ang ating sarili na maging malaya kay Kristo ang mga nakapiit sa kanilang pagkamakasarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may pusong hungkag at nanlalamig nawa’y matagpuan ang kaligayahan sa pamamagitan ng pag-ibig sa Diyos at kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit sa isip at katawan nawa’y magkaroon ng ganap na kagalingan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y masiyahan sa liwanag ng bukang-liwayway ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong mahabagin at mapagmahal, pakinggan mo ang mga hinaing ng mundong nakakulong sa pagdurusa at kasalanan. Sa pamamagitan ng iyong anak na puspos ng kagandahang-loob, hinihingi namin sa iyo ang biyaya upang makasunod kami sa kanya palagi. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 25,383 total views

 25,383 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 31,512 total views

 31,512 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 61,654 total views

 61,654 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 81,884 total views

 81,884 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 102,275 total views

 102,275 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Hunyo 1, 2026

 264 total views

 264 total views Paggunita kay San Justino, martir 2 Pedro 1, 2-7 Salmo 90, 1-2. 14-15ab. 15k-16 D’yos kong tapat at totoo, ikaw lang ang pag-asa

Read More »

Linggo, Mayo 31, 2026

 1,392 total views

 1,392 total views Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos (A) Exodo 34, 4b-6. 8-9 Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56 Purihin at ipagdangal

Read More »

Sabado, Mayo 30, 2026

 2,647 total views

 2,647 total views Sabado ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Judas 17, 20b-25 Salmo 62, 2.

Read More »

Biyernes, Mayo 29, 2026

 4,157 total views

 4,157 total views Biyernes ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Pablo VI, papa 1 Pedro 4, 7-13 Salmo 95, 10. 11-12.

Read More »

Huwebes, Mayo 28, 2026

 5,220 total views

 5,220 total views Kapistahan ng Panginoong Hesukristo, Walang Hanggang at Dakilang Pari (A) Genesis 22, 9-18 o kaya Hebreo 10, 4-10 Salmo 39, 7-8a. 10-11ab. 17 Handa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top