Paglabag sa karapatang pantao ni Marcos, mananatili-CHR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,772 total reads

Kinikilala ng Commission on Human Rights ang desisyon ng Korte Suprema na nagpapahintulot sa paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Sa kabila nito, nanindigan ang Kumisyon na hindi mabubura ng naturang desisyon ang lahat ng mga paglabag sa karapatang pantao noong Martial Law at pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Ayon sa CHR, maliwanag na labag sa batas ang naturang hakbang lalo’t maraming human rights violation ang nalabag ng dating Pangulo na hindi lamang nasasaad sa ating Philippine Constitution kundi maging sa international Law.

“The Commission acknowledges the Honorable Supreme Court’s considered decision to resolve the specific controversy that had been brought to it with the majority having opted to lean on this matter in favor of executive discretion—we nonetheless affirm that the same does not and cannot erase the unconverted fact of impunity for human rights violations committed during Martial Law that continues to demand justice, as has also been previously adjudicated and resolved with finality by the Honorable Supreme Court itself in numerous cases…” ang bahagi ng opisyal na pahayag ng Commission on Human Rights.

Dahil nga dito, nanawagan rin ang CHR sa mga mamamayan na maging mapagmatyag upang hindi na muling maulit pa ang madilim na pang-aabuso at paglapastangan ng pamahalaan sa karapatan ng taumbayan tulad noong panahon ng martial law.

“The Commission believes that the Filipino people shall remain steadfast in asserting all their fundamental rights and they will demand that freedom, rule of law, and democracy must be protected and guaranteed at all times…” panawagan ng CHR.

Sa tala sa ilalim ng Batas Militar na nagsimula noong 1972, tinatayang aabot sa higit 3,200 ang pinaslang, 34,000 ang na-torture habang higit sa 70,000 naman ang ikinulong dahil sa hindi pag-sangayon sa patakaran ng Administrasyong Marcos.

Bukod dito, nasa P100 milyon kada araw ang nawawala sa pera ng bayan dahil sa laganap na katiwalian sa ilalim ng pamamahala ng Marcos Administration batay sa isinagawang pagsisiyasat ng Office of the Ombudsman noong 1988.

Samantala, nauna ng iginiit ng CBCP na hindi tamang bigyang parangal at ituring na bayani ang dating Pangulong Marcos dahil sa malaking kapinsalaang idinulot ng kanyang Administrasyon sa buong bayan partikular na ang mga paglabag sa karapatang pantao at katiwalian sa kaban ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 10,210 total reads

 10,210 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 91,587 total reads

 91,587 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 185,812 total reads

 185,812 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 246,302 total reads

 246,302 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 259,712 total reads

 259,712 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 17,448 total reads

 17,448 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top