174 total views
Insulto sa diwa ng Edsa ang payagan na mailibing sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) si Dating Pangulong Ferdinand Marcos.
“We are very sad. The burial is an insult to the EDSA spirit. It mocks our fight to restore democracy. We are puzzled and hurt and in great grief. It calls on us for greater courage to make the full truth of the dictatorship known.”
Ito ang bahagi ng pahayag ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kaugnay na rin sa desisyon ng Supreme Court sa botong 9-5 na nagsasabing walang batas na nagbabawal na mailibing ang dating Pangulo sa LNMB.
Giit ng Arsobispo na siyang nagsilbing personal secretary ng yumaong si Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin -isa sa pangunahing tauhan sa EDSA 1 na nagpatalsik kay Marcos bilang pangulo taong 1986, ang paglilibing sa dating diktador ay hindi magdudulot ng pagkakaisa at paghihilom ng bansa lalut walang pag-ako ng kasalanan ang pamilya Marcos sa mga naging biktima ng karapatang pantao sa 20 taong panunungkulan bilang punong ehekutibo.
“Peace can only come if there is justice. Justice demands recognition of harm done to the people and restitution to the victims. We as church work for peace and unity that is based on truth and justice for all especially for the poor and the victims,” bahagi ng CBCP statement.
Tiniyak naman ng arsobispo ang patuloy na pagpapalaganap ng kasaysayan para sa susunod na henerasyon upang hindi na maulit ang naganap na panunupil.
Sa tala ng Amnesty International noong panahon ng Martial Law may 70 libo katao nakakulong, 34 na libo ang nakaranas ng pagpapahirap at higit sa 3 libo ang pinaslang.
Umaabot naman sa higit 70 libong tao na biktima ng paglabag sa karapatang pantao noong Martial Law ang nasa proseso para tumanggap ng compensation na inaasahan sa susunod na taon na nagkakahalaga ng P10 bilyon na mula sa interes sa kayamanang nabawi sa pamilya Marcos.