Paglabag sa karapatang pantao ni Marcos, mananatili-CHR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,479 total views

Kinikilala ng Commission on Human Rights ang desisyon ng Korte Suprema na nagpapahintulot sa paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Sa kabila nito, nanindigan ang Kumisyon na hindi mabubura ng naturang desisyon ang lahat ng mga paglabag sa karapatang pantao noong Martial Law at pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Ayon sa CHR, maliwanag na labag sa batas ang naturang hakbang lalo’t maraming human rights violation ang nalabag ng dating Pangulo na hindi lamang nasasaad sa ating Philippine Constitution kundi maging sa international Law.

“The Commission acknowledges the Honorable Supreme Court’s considered decision to resolve the specific controversy that had been brought to it with the majority having opted to lean on this matter in favor of executive discretion—we nonetheless affirm that the same does not and cannot erase the unconverted fact of impunity for human rights violations committed during Martial Law that continues to demand justice, as has also been previously adjudicated and resolved with finality by the Honorable Supreme Court itself in numerous cases…” ang bahagi ng opisyal na pahayag ng Commission on Human Rights.

Dahil nga dito, nanawagan rin ang CHR sa mga mamamayan na maging mapagmatyag upang hindi na muling maulit pa ang madilim na pang-aabuso at paglapastangan ng pamahalaan sa karapatan ng taumbayan tulad noong panahon ng martial law.

“The Commission believes that the Filipino people shall remain steadfast in asserting all their fundamental rights and they will demand that freedom, rule of law, and democracy must be protected and guaranteed at all times…” panawagan ng CHR.

Sa tala sa ilalim ng Batas Militar na nagsimula noong 1972, tinatayang aabot sa higit 3,200 ang pinaslang, 34,000 ang na-torture habang higit sa 70,000 naman ang ikinulong dahil sa hindi pag-sangayon sa patakaran ng Administrasyong Marcos.

Bukod dito, nasa P100 milyon kada araw ang nawawala sa pera ng bayan dahil sa laganap na katiwalian sa ilalim ng pamamahala ng Marcos Administration batay sa isinagawang pagsisiyasat ng Office of the Ombudsman noong 1988.

Samantala, nauna ng iginiit ng CBCP na hindi tamang bigyang parangal at ituring na bayani ang dating Pangulong Marcos dahil sa malaking kapinsalaang idinulot ng kanyang Administrasyon sa buong bayan partikular na ang mga paglabag sa karapatang pantao at katiwalian sa kaban ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Instrumento ng karahasan

 21,937 total views

 21,937 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 63,829 total views

 63,829 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 117,872 total views

 117,872 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 145,293 total views

 145,293 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 161,658 total views

 161,658 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pag-iral ng El Niño, idineklara ng PAG-ASA

 9,041 total views

 9,041 total views Opisyal ng idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pag-iral ng El Niño sa bansa. Ayon kay PAGASA Weather

Read More »
Scroll to Top