Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HUWEBES, NOBYEMBRE 24, 2022

SHARE THE TRUTH

 2,046 total views

Paggunita kay San Andres Dung Lac, pari at martir at mga Kasama, mga martir

Pahayag 18, 1-2. 21-23; 19, 1-3. 9a
Salmo 99, 2. 3. 4. 5

Mapalad ang anyayahan
ng Korderong ikakasal.

Lucas 21, 20-28

Memorial of St. Andrew Dung-Lac, Priest and Companions, Martyrs (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Huwebes ng Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Pahayag 18, 1-2. 21-23; 19, 1-3. 9a

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Akong si Juan ay nakakita ng isang anghel na bumababa mula sa langit na may malaking kapangyarihan. Nagliwanag ang buong daigdig dahil sa kanyang kaningningan. Ubos-lakas siyang sumigaw: “Bumagsak na siya. Bumagsak na ang tanyag na Babilonia! Tahanan na lamang siya ngayon ng mga demonyo. Bilangguan ng masasamang espiritu, at pugad ng marumi at kasuklam-suklam na mga ibon.”

Isang makapangyarihang anghel ang kumuha ng isang batong animo’y malaking gilingan. Ubos-lakas niyang inihagis iyon sa dagat, sabay-wika, “Ganito ibabagsak ang tanyag na lungsod ng Babilonia, at hindi na siya makikitang muli! Hindi na maririnig sa iyo ang tinig ng mga mang-aawit at ang himig na likha ng mga manunugtog ng alpa, plauta, at trompeta! Hindi na makikitang muli sa iyo ang mga dalubhasa sa anumang uri ng gawain, at hindi na maririnig ang ingay ng mga gilingan! Hindi ka na muling matatanglawan ng kahit isang ilawan; hindi na maririnig ang masasayang tinig ng ikinakasal. Sapagkat naging makapangyarihan sa buong daigdig ang iyong mangangalakal, dinaya mo ang lahat ng bansa sa pamamagitan ng pangkukulam.”

Pagkatapos nito, narinig ko ang wari’y pinag-isang tinig ng maraming tao sa langit at umaawit ng ganito, “Purihin ang Panginoon! Ang pagliligtas, ang karangalan, at ang kapangyarihan ay tanging sa Diyos! Matuwid at tama ang kanyang hatol! Hinatulan niya ang reyna ng kahalayan na nagpapasama sa lupa. Pinarusahan siya ng Diyos dahil sa pagpatay sa lingkod ng Panginoon!” Muli silang umawit, “Purihin ang Panginoon!”

At sinabi sa akin ng anghel, “Isulat mo ito: Mapalad ang inanyayahan sa piging sa kasal ng Kordero.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 99, 2. 3. 4. 5

Mapalad ang anyayahan
ng Korderong ikakasal.

Umawit sa kagalakan ang lahat ng mga bansa!
Panginoo’y papurihan, paglingkuran siyang kusa;
lumapit sa harap niya at umawit na may tuwa!

Mapalad ang anyayahan
ng Korderong ikakasal.

Ang Panginoo’y ating Diyos! Ito’y dapat malaman.
Tayo’y kanya, kanyang lahat, tayong lahat na nilalang;
lahat tayo’y bayan niya, kabilang sa kanyang kawan.

Mapalad ang anyayahan
ng Korderong ikakasal.

Pumasok ka sa kanyang templo na ang puso’y nagdiriwang,
umaawit nagpupuri sa loob ng dakong banal,
purihin ang ngalan niya at siya’y pasalamatan!

Mapalad ang anyayahan
ng Korderong ikakasal.

Mabuti ang Panginoon, pag-ibig niya’y walang hanggan,
siya’y Diyos na mabuti’t laging tapat kailanman.

Mapalad ang anyayahan
ng Korderong ikakasal.

ALELUYA
Lucas 21, 28

Aleluya! Aleluya!
Naririto, malapit na
ang kaligtasang pag-asa
upang ating matamasa.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 21, 20-28

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Kapag nakita ninyong kubkob na ng mga hukbo ang Jerusalem, talastasin ninyong malapit na ang pagkawasak nito. Dapat tumakas sa kabundukan ang mga nasa Judea, at umalis ng lungsod ang mga naroon; huwag nang pumasok doon ang mga nasa kabukiran. Sapagkat ito ang ‘Mga Araw ng Pagpaparusa,’ bilang katuparan ng mga nasasaad sa Kasulatan. Kawawa ang nagdadalantao at nagpapasuso sa mga araw na iyon! Sapagkat darating ang malaking kapighatian sa lupaing ito, at ang poot ng Diyos sa bansang ito. Mamamatay sila sa tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng bansa. At ang Jerusalem ay magiging busabos ng mga Hentil hanggang sa matapos ang panahong itinakda sa mga ito.

“Magkakaroon ng mga tanda sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat. Ang mga tao’y hihimatayin sa takot dahil sa pag-iisip sa mga sakunang darating sa sanlibutan; sapagkat mayayanig at mawawala sa kani-kanilang landas ang mga planeta at iba pang katulad nito na nasa kalawakan. Sa panahong iyon, ang Anak ng Tao’y makikita nilang dumarating na nasa alapaap, may dakilang kapangyarihan at malaking karangalan. Kapag nagsimula nang mangyari ang mga bagay na ito, magalak kayo sapagkat malapit na ang pagliligtas sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Habang natitipon tayo upang ipagdiwang ang misteryo ng ating kaligtasan, bumaling tayo sa Diyos Ama nang may pananalig at hingin ang kanyang awa.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Tapat na Panginoon, basbasan mo kami.

Ang Bayan ng Diyos nawa’y maakit sa pananalangin at pagsisisi habang umaasa sila sa pagdating ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namumuno sa ating lipunan nawa’y makita ang kamay ng Diyos na gumagalaw sa mga pangyayari ng ating buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y tumingin sa kinabukasan nang may pag-asa at lakas ng loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y mamuhay sa kasiguruhan at pag-asa sa pamamagitan ng mga panalangin at pag-alalay ng kanilang mga kapamilya at kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga namayapa na, ipagkaloob nawa ng Anak ng Tao ang kaligtasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pakinggan mo ang mga panalangin ng iyong bayan at tulungan mo kaming yakapin ang hamon ng krus sa araw-araw. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trahedya sa basura

 102,677 total views

 102,677 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 124,454 total views

 124,454 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Huwag gawing normal ang korapsyon

 148,354 total views

 148,354 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 255,655 total views

 255,655 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 279,338 total views

 279,338 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 83,376 total views

 83,376 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 83,607 total views

 83,607 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 84,179 total views

 84,179 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 63,996 total views

 63,996 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 64,105 total views

 64,105 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top