Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

ECONOMICS NEWS

Huwag nating pabayaan ang kapwang nangangailangan, panawagan ni Bishop Pabillo

 24,493 total views

Ipinaalala ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang kahalagahan ng pagtulong sa mga pinakamahihirap.

Ito ang paanyaya ni Bishop Pabillo sa paggunita ng simbahan ng World Day of the Poor sa November 16.

Ayon sa Obispo, ang pagtulong sa mga mahihirap ay kawangis ng pagtanggap sa Panginoong Hesukristo sa puso at tahanan ng bawat mananampalataya upang maging habag at daluyan ng pagmamahal ng Diyos.

“Alam niyo po ang November, yan din ang katapusan ng liturgical year, yan po yung Christ the King natin at matatanggap po natin si Hesus bilang Hari natin kung tinatanggap po natin ang mga papuri po niya, at yan po yung mga mahihirap kaya the Sunday before Christ the King is World Day of the Poor, Kaya po sa November 16, yan po ang World Day of Poor pinapaalala po satin na ang pagtanggap po natin sa mga mahihirap-si Hesus ang tinatanggap natin, na huwag natin silang pabayaan sa ating buhay,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Hinimok ng Obispo ang mga Pilipino na patuloy na pagsusulong ng mga programa o inisyatibong nakatuon sa pagpapabuti ng kanilang buhay upang makaahon sa kinalugmukang kahirapan.

“Yan din po yung paksa ng liham nang ating Santo Papa na pagpahalagahan ang mga mahihirap sa ating buhay, sila po ay ginagamit ng Diyos upang mapalaala sa atin ang kaniyang prisensya dito sa mundo, kaya kapag tinatanggap at totoong tumutulong tayo sa mga mahihirap, kay Hesus po tayo tumatanggap at siya rin ang ating pinaglilingkuran,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Itinalaga ngayong 2025 ang pagdiriwang ng ika-siyam na World Day of the Poor sa temang ‘You Are My Hope’ na paalala na hindi lamang charity ang simbolo ng mga mahihirap, sila ay tanda ng pagbangon mula sa kinalugmukang sitwasyon at katatagan laban sa anumang hamon.

Paglilingkod sa kapwa at Panginoon, tunay na diwa ng All Souls at All Saints day

 42,992 total views

Hinimok ni Radio Veritas President Father Roy Bellen ang mga Pilipino at mananampalataya na piliin ang kabanalan at paglilingkod sa Panginoon.

Ito ang paanyaya ng Pari sa paggunita ng mananampalatayang Pilipino sa All Souls day, matapos ang pagpaparangal sa mga santo at banal

Ipinagdarasal ng Pari na ang Undas 2025 ay maging paalala na ang buhay ay hiram lamang sa Panginoon kayat marapat paigtingin natin ang paggawa ng mabuti para sa kapwa.

“Sa ating mga mahal na Kapanalig so ito pong araw na ito ay pagkakataon para po ating alalahanin, ipagdasal po ang ating mga mahal na yumao, pero gayundin po ito ay paalala po sa ating lahat tungkol sa buhay natin sa mundo, ito po ay lumilipas kaya tayo din ay maghahanda sa panahon, tayo po ay uuwi kung kaya yung mga bagay na talagang mahalaga huwag kakalimutan,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Bellen.

Inaanyayahan ng Pari ang mga mananampalataya na palalimin ang relasyon pa ang relasyon sa panginoon.

“Ang pagtulong sa nangangailangan, ang pag-iwas po sa masama, paggawa ng mabuti and off course ang atin pong relasyon sa ating Diyos, sa ating Panginoon na sa huli, doon po tayong lahat uuwi, kaya ngayon palang habang tayo ay buhay, atin pong palakasin itong mga relasyong ito,” bahagi pa ng mensahe ni Father Bellen sa Radyo Veritas.

Naunang nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mga Pilipino na isabuhay ang ehemplo ng mga santo at banal upang maibalik ang tunay na diwa ng paggunita sa All Saints at All Souls day na nababahiran na ng komersiyalismo.

Paigtingin ang debosyon sa mga santo, panawagan ng MOP sa mananampalataya

 52,011 total views

Hinimok ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang mga mananampalataya na paigtingin ang pagdedebosyon sa mga Santo ng Simbahang Katolika.

Ito ang mensahe at paanyaya ng Obispo sa pagdiriwang ng All Saints Day at All Souls Day para sa mga Pilipino.

Ayon sa Obispo, nawa sa pagpapatuloy ng pagpapalalim ng mga Pilipino sa kanilang pananampalataya ay ipagpatuloy din ang pananalangin para sa pamamagitan ng mga Santo upang magabayan tungo sa banal na landas higit na ang mga lider sa pamahalaan.

“We can ask all the saints to pray for our country, our leaders and especially the key position of leadership. We can always rely on the prayers. may all the saints hear our humble prayers for a tranformed hearts and minds of our peoples.,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Florencio sa Radyo Veritas.

Umaasa ang Obispo na gunitain ang Undas ngayong taon sa taimtim na pamamaraan habang pinapalalim ang ugnayan ng mga Pilipino sa Simbahan at kanilang yumaong mahal sa buhay.

Ito ay sa pamamagitan ng pagsesentro sa Panginoong Hesukristo sa lahat ng pagkakataon sa buhay.

“Every time we come to the All Saints and All Souls’ Day, I would always remind myself that we are a church of communion anchored in Jesus our Lord, their communion leads us to gaze on the eternity where our final destiny is set, For this reason, our prayers are meaningful for the beloved but also equally meaningful for us because the prayers of the saints in heaven brings us protection, graces and guides as we live holy lives as welll,”
ayon pa sa mensaheng pinadala ni Bishop Florencio sa Radyo Veritas.

Sa datos, umaabot sa 20,255 ang mga sundalong mula sa hanay ng Armed Forces of the Philippines at 42,613 na PNP Uniformmed Personnel ang nangangalaga sa kapayapaan at seguridad ng mga Pilipinong bumibisuta sa mga semeteryo at iba pang mataong pook ngayong Undas 2025.

Mga Pilipino, pinaalalahanan na ang All Saint’s at All Soul’s day, hindi isang social event

 20,569 total views

Hinimok ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mga Pilipino na gunitain ang All Saints at All Soul’s day nang may kabanalan, paggalang at higit na pagmamahal sa mga namayapa.

Hinimok naman ng Obispo ang mga Pilipino na patatagin ang pagmamahalan ng pamilya, pagdarasal at pag-alala sa buhay ng mga yumao sa kanilang pagtitipon sa mga libingan.

“Talagang itong undas ay isang malaking pagkakataon na magkatagpo-tagpo ulit ang mga magkamag-anak, ang mga pamilya, at ang nagtatawag sa atin upang magkaisa ay ang mga yumao natin, Ito po ay pag-alalala sa mga yumao natin, kaya pumupunta tayo sa mga sementeryo, pag-usapan natin ang kanilang buhay pero hindi lang po natin pag-uusapan ngunit gusto din po natin silang ipagdasal, kaya para sa ating mga Kristyano ang paggunita sa mga yumao ay ang pagdadasal para sa kanila, makiisa tayo sa kanila,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Umaasa si Bishop Pabillo na higit na mapalalim ng mga mananampalataya ang kanilang panananmapalataya upang katulad ng mga Santo ng Simbahang Katolika ay makapamuhay din alinsunod sa plano ng Panginoon para sa sanlibutan.

Ipinaliwanag ng Obispo na ang mga santo ay katulad nating mga tao na pinili ang landas tungo sa kabanalan upang mapaglingkuran ang kapwa higit na ang panginoon.

Ipinaalala ni Bishop Pabillo sa mga Pilipino na ang All Saints at All Souls day ay hindi isang social event kungdi pag-alala sa ating buhay at ating katapusan

“Kaya sa All Saints Day, marami po ang mga banal na nakikiisa na sa Diyos at tayo po ay hinihikayat nila magpaka-banal din, All Souls Days naman, yung mga hindi pa gaanong banal, na kailangan pang linisin ay sana makatulong sa kanila ang mga panalangin, yun po ang ating mensahe sa All Saints Day at All Souls Day, so hindi lang po yan isang social event, para sa atin po mayroon itong significance at may kahalagahan din sa buhay natin na inaalala natin ang ating katapusan,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Naunang hinimok ni Antipolo Bishop at Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga mananampalataya na ipagdiwang ang UNDAS ng may kabanalan at hindi katatakutan.

Live for Jesus, love like Jesus, panawagan ng Obispo sa mananampalataya

 23,167 total views

Hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na piliin ang landas tungo sa kabanalan katulad ng mga Santo ng simbahang Katolika.

Sa pagdiriwang ng buong mundo ng All Saints Day sa November 01, ipinaalala ng Obispo na katulad ng sangkatauhan ay normal na tao ang mga Santo ng simbahan.

Katulad nila, ang bawat isa ay tinatawag ng Panginoon at mayroong katangian na maging Santo upang higit na makapaglingkod sa Diyos at simbahan.

“You are invited into the same grace, the same light, the same Spirit that sanctified them. We must not revere the saints so much that we forget to follow them. Their holiness is not out of reach. It is a path we are meant to walk. If they had grown deeper in grace, let us pursue it with passion. If they burned with love, let us fan that flame in our own hearts. We are not spectators in this story—we are participants,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Ibinahagi ni Bishop Santos ang tatlong gawi upang makapamuhay ng may kabanalan ang isang ordinaryong tao sa pamamagitan ng pagmamahal, paglalakbay at pag-aalay ng buhay para sa Panginoong Hesukristo.

“As we honor the saints, let us not only admire them—let us imitate them. Let us remember that they were once where we are now. And we are meant to be where they are now.You are called to be a saint. Not by your own strength, but by the grace of God. So live for Jesus. Grow with Jesus. Love like Jesus. And one day, may your name be counted among the saints in glory,” bahagi ng mensahe na pinadala ni Bishop Santos Sa Radyo Veritas.

Una ng hinimok ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga mananampalataya, higit na ang mga magulang, na ipagdiwang ang nalalapit na kapistahan ng mga banal at paggunita sa mga yumao nang may diwa ng kabanalan at hindi ng katatakutan.

National Industry Dialogue for Responsible Supply Chains, inilunsad ng ILO

 19,084 total views

Inilunsad ng International Labor Organization o ILO Philippines ang kauna-unahang National Industry Dialogue for Responsible and Sustainable Supply Chains in the Philippines.

Layon nito na magkaroon ng pag-uusap sa pagitan ng mga kagawaran ng pamahalaan, manggagawa at mga grupong kabilang sa sektor ng Aquaculture upang tugunan ang global demand sa seafoods.

“As global demand for ethically sourced seafood grows, the industry must meet rising expectations for transparency, environment, social and governance (ESG) due diligence, and stronger labour rights protection,” ayon sa mensahe ni Khalid Hassan – ILO Country Director to the Philippines na pinadala sa Radyo Veritas.

Tinalakay sa pagtitipon na nagsimula noong ika-25 ng Oktubre na magtatapos sa ika-28 ng kasalukuyang buwan ang mga gagawing pagbabago, at paghasa sa kasanayan ng mga employer at manggagawa ng Aquaculture tungo sa pag-unlad ng industriya.

Layon din ng pagtitipon ang pagtiyak ng mga employer sa pagsusulong ng kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawa.

Ang Aquaculture ay ang industriya kung saan kabilang ang mga nagmamay-ari ng fish ponds at iba pang uri ng controlled-environment na uri ng pagpapalaki ng mga isdang pangunahing ibinebenta sa merkado.

Isinusulong ng yumaong Pope Francis ang pangangalaga sa kalikasan na tutugon sa pangangailangan ng mga sangkatauhan.

Pagtutulungan ng Catholic communicators, nabuo sa Signis Asia assembly

 19,303 total views

Nagpapasalamat ang bumubuo ng Signis Asia sa kakatapos na Signis Asia Assembly na ginanap ngayong taon sa Pilipinas.

Ayon kay Archdiocese of Delhi, India Father Stanley Kozhichira – Pangulo ng Signis Asia, nabuo at napatatag sa limang araw na pagtitipon ang pagtutulungan ng mga catholic communicators upang higit na mapalaganap ang pananampalataya.

Tiwala ang Pari na sa pamamagitan ng pagtitipon ay higit na mapapatibay ang mga programa, pamamaraan at higit na pagpapalaganap ng mga katolikong pamamahayag.

Tampok sa Signis Asia General Assembly ang mga dayalogo, talumpati, paksa at aktibidad na hinasa ang kakakahayan ng mga catholic communicators sa larangan ng radyo, telebisyon, online at multi-media.

81-kinatawan ng ibat-ibang bansang kasapi ng Signis Asia ang nakiisa sa General Assembly na bukod sa mga dayalogo ay nagsimula sa pagbisita sa mga pilgrimage sites ng Maynila, Cavite at Laguna.

Sa huling araw ay inialay ang misa sa Cathedral Parish of Saint Paul the first Hermit o San Pablo Cathedral sa pangunguna ni San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr – Chairperson ng Federation of Asian Bishops Conferences Office of Social Communication.

Quality statistics, ibabahagi ng IBON Foundation sa mga Pilipino

 29,074 total views

Patuloy na isusulong ng IBON foundation ang katotohanan sa pamamagitan ng makatotohanang pag-aaral at pangangalap ng datos.

Bilang pakikiisa sa World Statistic day, tiniyak ni Ibon Foundation Exe. Director Sonny Africa na prayoridad ng organisasyon ang pananaliksik at pangangalap ng mga datos na makakatulong sa ikabubuti ng kalagayan ng mga Pilipino.

Naninindigan si Africa na sa pamamagitan ng “quality statistics” ay malalaman ng mga mamamayan ang katotohanan na madalas ay dino-doktor ng mga lider ng bansa.

Nilinaw ni Africa na kapag dinoktor ng pamahalaan ang mga datos ay pinaniniwala nito ang mamamayan sa kathang isip na pag-unlad.

“Quality statistics should reveal the truth, not conceal it. When those in power twist data, they rob people of truth and without truth there is only make-believe progress and not real development,” ayon sa mensaheng pinadala ni Africa sa Radyo Veritas.

Iginiit ng IBON Foundation na karapat-dapat ibahagi sa mga Pilipino ang makatotohanang datos na magbibigay kaalaman sa halip na protektahan ang mga etilista at kapit-tuko sa kapangyarihan.

“The Filipino people deserve data that empowers them instead of protecting elites and their self-serving grip on economic and political power,” mensahe ni Africa.

Pinag-aaralan ng IBON foundation ang kalagayang pang-ekonomiya, kahirapan, trabaho at pulitika.

Naunang sinuportahan ni Pope Francis noong 2021 World Day of the Poor ang paggamit ng mga statistics upang malaman ang katotohanan sa estado ng mga mahihirap at kalagayan ng isang bansa.

Seafarers at fisher families, pinagkalooban ng relief at financial assistance ng Stella Maris

 23,667 total views

Tinugunan ng Stella Maris Cebu ang pangangailangan ng mga mangingisda, mandaragat at kanilang pamilya na lubhang nasalanta ng 6.9-magnitude na lindol sa mga lugar ng Bogo, Medillen at Daanbantayan.
250-pamilya na apektado ng malakas na lindol ang binigyan ng relief at financial assistance ng Stella Maris Cebu.

Ipinagkaloob ng Stella Maris sa mga apektadong pamilya ang malinis na inuming tubig, pagkain at sleeping mats.

“In response to the devastating 6.9-magnitude earthquake that struck northern Cebu, Stella Maris Cebu has launched a comprehensive relief initiative targeting vulnerable seafaring and fishing communities in Bogo, Medillen and Daanbantayan, three towns in Northern Cebu greatly affected by the earthquake,” pagbabahagi ng Stella Maris Cebu sa Radyo Veritas.

Nakatuwang naman ng Stella Maris ang Scalabrini International Migration Network sa pagsasagawa ng Mental Health and Stress Debriefing seminar sa mga napinsala ng lindol.

Naging posible ang pagkakaloob ng tulong sa pangunguna ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Stella Maris Philippines Bishop Promoter Antipolo Bishop Ruperto Santos, Stella Maris Staff and Officials, mga seminarista sa Cebu, Volunteers at mga partnered agencies.

“Around 250 seafarers and fishers families were recipients of the relief operation and mental health seminar. Stella Maris- Cebu extended thanks to all contributors, stating: “From Bishop Santos’ generosity to the Sailors’ Society’s partnership and the selflessness of volunteers—this is the Church in action. We will continue to stand with our seafarers and fishers until they regain stability,” pahayag ng Stella Maris Philippines.

Sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council, umaabot sa 748-libo ang nasalanta ng lindol, 78 ang namatay habang 21-libo ang walang tahanan na sinira ng lindol.

Partnership ng Caritas Manila at Big Bad Wolf, naging matagumpay

 26,468 total views

Partnership ng Caritas Manila at Big Bad Wolf, naging matagumpay

Nagpapasalamat at nagagalak ang Caritas Manila sa matagumpay na pakikipagtulungan sa isa sa mga pinakamalaking international roving book convention nang ‘Big Bad Wolf’.

Ito ay matapos makalikom ng sapat na mga librong handog para sa pag-aaral ng mga Youth Servant Leadership and Education Program sa book convention na idinaos sa Filinvest Tent sa Alabang ngayong Oktubre.

“Big Bad Wolf Ph supports Segunda Mana! Thank you for your generosity! #CaritasManila #CharityWorks #BigBadWolf,” mensahe ng Caritas Manila sa ‘Big Bad Wolf’.

Naging matagumpay din ang Red Readerhood (RRH) program kung saan nagbahagi ang Big Bad Wolf ng 100 libro sa Caritas Manila.

“A huge thank you to all our amazing Wolfies who joined us in supporting Caritas Manila during the Big Bad Wolf Book Sale at Filinvest Tent, Alabang. Your kindness and support help us share the joy of reading with more communities.To continue our shared mission, Big Bad Wolf Books donated 100 books to Caritas Manila— another step toward changing the world, one book at a time. “ayon naman sa mensahe ng Big Bad Wolf.

Kada taon, umaabot sa isang libong mga YSLEP scholars ang mga nagsisipagtapos ng karera sa kolehiyo na nagiging miyembro ng Caritas Manila Scholars Alumni Association o CAMASA upang maisakatuparan ang ‘enrollment to employment’ initiative.

60-bansa, kalahok sa 2nd World Meeting ng Economy of Francesco Foundation

 26,671 total views

Daan-daang kinatawan na mula 60-bansa ang kumpirmadong kalahok sa pagdaraos ng ikalawang world meeting ng Economy of Francesco Foundation.

Gagawin ang meeting sa Castel Gandolfo, Italy sa darating na buwan ng Nobyerno kung saan muling magpapalitan ng kaalaman ang mga kabataan, ekonomista at iba pang kasapi ng EOF Foundation.

Iba’t-ibang usapin ang tatalakayin sa meeting na hakbang tungo sa pagpapa-unlad ng ekonomiya ng mga bansang kasapi na nakaayon sa panawagan ng yumaong Pope Francis na walang maiiwan sa paglago ng ekonomiya.

Ito ay upang talakayin ang ibat-ibang paksa at simulan sa kani-kanilang bansa ang mahahalagang hakbang tungo sa pagpapanibago ng ekonomiya na nakaayon sa panawagan ni Pope Francis.

“Hundreds of young people from over 60 countries will gather to share ideas, experiences, and solutions for an economy rooted in justice, care, and life. Strong delegations will come from countries such as Italy, Slovakia, the Democratic Republic of Congo, the United States, Brazil, France, Switzerland, and Argentina, alongside many others. This remarkable diversity ensures vibrant exchanges, fresh perspectives, and meaningful global connections,” ayon sa mensaheng pindala ng EOF Foundation sa Radyo Veritas.

Layon din na mapaigting ang pagsusulong sa dignidad ng buhay ng tao kasabay ng pag-unlad ng ekonomiya

“For too long, the global economy has run on exhaustion: of resources, of people, of time. It has been shaped by accumulation without limits, progress without pause, and growth without soul. But the Jubilee Year 2025 — together with the 800th anniversary of the Canticle of the Creatures — offers us a unique moment: to pause, reflect, and begin again,” bahagi pa ng mensahe ng EOF Foundation.

Tema ng ikalawang World Meeting ang ‘Restarting the Economy’ na layuning higit na lumikha ng mga bagong pamamaraan para sa mabuting pag-unlad ng ekonomiya ng buong mundo.

60-bansa, kalahok sa 2nd World Meeting ng Economy of Francesco Foundation

 23,808 total views

Daan-daang kinatawan na mula 60-bansa ang kumpirmadong kalahok sa pagdaraos ng ikalawang world meeting ng Economy of Francesco Foundation.

Gagawin ang meeting sa Castel Gandolfo, Italy sa darating na buwan ng Nobyerno kung saan muling magpapalitan ng kaalaman ang mga kabataan, ekonomista at iba pang kasapi ng EOF Foundation.

Iba’t-ibang usapin ang tatalakayin sa meeting na hakbang tungo sa pagpapa-unlad ng ekonomiya ng mga bansang kasapi na nakaayon sa panawagan ng yumaong Pope Francis na walang maiiwan sa paglago ng ekonomiya.

Ito ay upang talakayin ang ibat-ibang paksa at simulan sa kani-kanilang bansa ang mahahalagang hakbang tungo sa pagpapanibago ng ekonomiya na nakaayon sa panawagan ni Pope Francis.

“Hundreds of young people from over 60 countries will gather to share ideas, experiences, and solutions for an economy rooted in justice, care, and life. Strong delegations will come from countries such as Italy, Slovakia, the Democratic Republic of Congo, the

United States, Brazil, France, Switzerland, and Argentina, alongside many others. This remarkable diversity ensures vibrant exchanges, fresh perspectives, and meaningful global connections,” ayon sa mensaheng pindala ng EOF Foundation sa Radyo Veritas.

Layon din na mapaigting ang pagsusulong sa dignidad ng buhay ng tao kasabay ng pag-unlad ng ekonomiya

“For too long, the global economy has run on exhaustion: of resources, of people, of time. It has been shaped by accumulation without limits, progress without pause, and growth without soul. But the Jubilee Year 2025 — together with the 800th anniversary of the Canticle of the Creatures — offers us a unique moment: to pause, reflect, and begin again,” bahagi pa ng mensahe ng EOF Foundation.

Tema ng ikalawang World Meeting ang ‘Restarting the Economy’ na layuning higit na lumikha ng mga bagong pamamaraan para sa mabuting pag-unlad ng ekonomiya ng buong mundo.

Diocese of Mati, umaapela ng tulong

 31,423 total views

Umaapela ng tulong ang Diocese of Mati Social Action Center para sa mga mamamayang naapektuhan ng 7.4 magnitude na lindol sa Manay, Davao Oriental.

Ayon kay Diocese of Mati Social Action Director Father Orveil Andrade, patuloy na nararanasan ng mga mamamayan sa lugar ang epekto ng lindol kung saan lubhang nanatili ang pangamba sa puso ng mga Davaoeño.

Inulat ng Pari na lubhang nasira ang mga simbahan ng St. Francis Xavier Parish at Santo Niño Parish sa Kinablangan Davao Oriental at marami ding nasira sa mga simbahan at kapilya sa iba pang lugar sa lalawigan.

“May mga trauma pa rin yung mga tao, napakalakas ng lindol talaga, nahihirapan po kami, lalo na doon sa Manay actually right now, hindi pa sila nakakauwi sa kanilang bahay kasi yung bahay nila ay baka biglang matabunan sila yung paglindol sa dalawang parokya namin: yung St. Francis Xavier Parish at saka yung sa Santo Niño Parish sa Kinablangan, ay iyon talaga ang tinamaan. And then yung aming chapels na nawasak talaga ng bagyo, hindi lang partially, but totally talaga na napakalakas ng lindol,” ayon sa panayam kay Fr.Andrade sa programang Veritas Pilipinas.

Inihayag ng Pari na maaring ang tulong pinansyal sa The Roman Catholic Bishop of Mat, Inc. (RCBMI) BDO Account numbers: 4014-0164219, o sa RCMBI BPI Account Numbers: 0143-0094-94, at GCASH sa mga numero bilang 09454387863 (Maria Magdalena Durban).

“So far [sa] ngayon, yung affected families ay nasa more than 70,000. At saka yung damages ng mga bahay ay partially more than a hundred. Ang reported injured ay nasa 384. And kanina ay may namatay because of the emotional trauma. And yung mga namatay sa ospital ay nasa seven (7),” bahagi ng panayam ng Veritas Pilipinas kay Fr.Andrade.

Paigtingin ang pagdarasal ng rosaryo, apela ni Bishop Ayuban sa mga Pilipino

 24,589 total views

Isinulong ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. ang pagpapalakas at panunumbalik ng mga Pilipino sa pagdarasal ng rosaryo.

Ito ang buod ng mensahe ng Obispo sa naging pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Nuestra Señora del Santísimo Rosario La Naval de Manila sa Santo Domingo Church – National Shrine of Our Lady of the Holy Rosary of La Naval de Manila sa Quezon City.
Ayon sa Obispo, nawa sa tulong ng pagpapalalim sa pagdedebosyon sa Mahal na birheng Maria at pagdadasal ng rosaryo ay mahilom ng Panginoon sa pamamagitan ni Maria ang Pilipinas higit na laban sa mga kalamidad at suliranin na kinarap sa mga nakalipas na buwan at taon.

Ito ay katulad ng mga magkakasunod na bagyo, lindol at pagkabunyag sa mga maanomalyang proyekto sa pamahalaan na lubhang naging pasakit para sa pinakamahihirap na Pilipino.

“Bilang inyong Obispo, gusto kong manawagan na paigtingin natin ang pagdarasal ng Rosaryo, bilang inyong Obispo ako’y nananawagan na atin ibabalik ang ating tradisyon sa pagdarasal ng Rosaryo, I was so touched seeing some video footages of children praying the Rosary during the tremors in Mindanao,” ayon sa mensahe ni Bishop Ayuban.

Panalangin ng Obispo, nawa sa pamamagitan ni Maria at panunumbalik sa Santo Rosaryo ay magkaroon ng katatagan ng loob ang mga Pilipino na higit pang manindigan laban sa mali at magkaroon ng konsensya ang mga tiwaling opisyal upang maibalik ang mga ninakaw sa kaban ng bayan.

Kasabay ng pagdarasal ng Rosaryo ay hinimok ni Bishop Ayuban ang mga Pilipino, higit na ang mga mananampalataya ng Diocese of Cubao na magsuot ng puti sa pagsisimba tuwing araw ng linggo at magsabit ng mga puting laso sa mga simbahan at kanilang tahanan hanggang Nobyembre.

“‘Hate the sin but love and pray for the sinner’ kahit mahirap silang mahalin, ang tunay na anak ni Maria ay hindi nananahimik sa harap ng kasamaan, ngunit sa halip ako ay nag-aanyaya sa inyo at sa lahat sa mga sangkot sa korapsyon na magbalik loob at magsauli sa ninakaw na kaban ng bayan,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Ayuban.

Ito ay bilang pakikiisa sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa paglulunsad ng National Day of Prayer and Public Repentance upang higit na kundenahin at manindigan laban sa katiwalian.

CRS Philippines, tiniyak ang pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad

 28,541 total views

Nakikiisa ang Catholic Relief Services o CRS Philippines sa mga Davaoeño na nasalanta ng 7.6 magnitude na lindol sa Davao Oriental.

Lubhang nababahala ang CRS sa magkakasunod na lindol na kumitil sa buhay ng maraming mamamayan at sumira sa kabuhayan, imprastraktura at ari-arian.

Panalangin ng CRS Philippines ang paghilom sa mga biktima ng lindol at pagkakaroon ng katatagan ng loob na harapin ang pagsubok.

Ipinagdarasal ng CRS Philippines na magkaroon ng matibay na pananampalataya ang mga nawalan ng mahal sa buhay na magkaroon ng pag-asa upang muling makabangon sa trahedya.

“Lord, we lift up all those affected by the earthquake, asking for Your protection and healing, Comfort the grieving, strengthen the injured, and provide shelter and peace to those who have lost their homes, Guide the hands of responders and fill every heart with hope and courage, May Your presence bring light in this time of darkness,” ayon sa pananalanagin at mensahe ng CRS Philippines.

Tiniyak din ng CRS ang pagpapatuloy ng mga rehabilitation efforts sa buhay ng mga mamamayan na lubhang nasalanta ng bagyong Nando at Opong gayundin sa mga biktima ng lindol sa pagkakaloob ng shelter assistance kits.

Nagpapasalamat din ang CRS Philippines sa Caritas Philippines bilang isa sa mga panghunahing ahensya ng simbahan na katuwang sa pagsasakatuparan ng pamamahagi ng tulong para sa mga Pilipinong nasasalanta ng kalamidad.

“In the aftermath of Super Typhoon Nando (International Name: Ragasa) and Typhoon Opong (International Name: Bualoi), Catholic Relief Services (CRS) provided support through prepositioned Shelter Grade Tarpaulins and Shelter Repair Kits (SRKs) to aid affected communities:519 community members received multipurpose cash assistance to support anticipatory action and rapid response efforts in partnership with Social Action Center – Legaspi,Catanduanes1,127 community members received multipurpose cash assistance to support anticipatory action and rapid response efforts We continue working closely with partners and local authorities to help communities recover and rebuild with dignity,” bahagi pa ng mensahe ng CRS Philippines.

Scroll to Top