25,203 total views
Hinimok ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mga Pilipino na gunitain ang All Saints at All Soul’s day nang may kabanalan, paggalang at higit na pagmamahal sa mga namayapa.
Hinimok naman ng Obispo ang mga Pilipino na patatagin ang pagmamahalan ng pamilya, pagdarasal at pag-alala sa buhay ng mga yumao sa kanilang pagtitipon sa mga libingan.
“Talagang itong undas ay isang malaking pagkakataon na magkatagpo-tagpo ulit ang mga magkamag-anak, ang mga pamilya, at ang nagtatawag sa atin upang magkaisa ay ang mga yumao natin, Ito po ay pag-alalala sa mga yumao natin, kaya pumupunta tayo sa mga sementeryo, pag-usapan natin ang kanilang buhay pero hindi lang po natin pag-uusapan ngunit gusto din po natin silang ipagdasal, kaya para sa ating mga Kristyano ang paggunita sa mga yumao ay ang pagdadasal para sa kanila, makiisa tayo sa kanila,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.
Umaasa si Bishop Pabillo na higit na mapalalim ng mga mananampalataya ang kanilang panananmapalataya upang katulad ng mga Santo ng Simbahang Katolika ay makapamuhay din alinsunod sa plano ng Panginoon para sa sanlibutan.
Ipinaliwanag ng Obispo na ang mga santo ay katulad nating mga tao na pinili ang landas tungo sa kabanalan upang mapaglingkuran ang kapwa higit na ang panginoon.
Ipinaalala ni Bishop Pabillo sa mga Pilipino na ang All Saints at All Souls day ay hindi isang social event kungdi pag-alala sa ating buhay at ating katapusan
“Kaya sa All Saints Day, marami po ang mga banal na nakikiisa na sa Diyos at tayo po ay hinihikayat nila magpaka-banal din, All Souls Days naman, yung mga hindi pa gaanong banal, na kailangan pang linisin ay sana makatulong sa kanila ang mga panalangin, yun po ang ating mensahe sa All Saints Day at All Souls Day, so hindi lang po yan isang social event, para sa atin po mayroon itong significance at may kahalagahan din sa buhay natin na inaalala natin ang ating katapusan,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.
Naunang hinimok ni Antipolo Bishop at Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga mananampalataya na ipagdiwang ang UNDAS ng may kabanalan at hindi katatakutan.




