Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PAHRA, nagpahayag ng pakikiisa sa National Correctional Consciousness Week

SHARE THE TRUTH

 37,132 total views

Nagpahayag ng pakikiisa ang Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) sa paggunita ng National Correctional Consciousness Week na ginugunita tuwing huling lingo ng Okttubre.

Bilang pakikiisa sa kalagayan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) ay nanawagan ang PAHRA na pairalin ang katarungan, dignidad, at karapatang pantao ng mga PDLs, kasabay ng pananawagan para sa reporma sa sistemang pangkoreksyon sa bansa.

Ayon sa grupo, nananatiling mabigat ang kalagayan ng mga PDL sa Pilipinas dahil sa labis na siksikan sa mga piitan, kakulangan sa serbisyong pangkalusugan, at matagal na detensyon nang walang hatol, na salungat sa tunay na diwa ng pagkakakulong bilang daan sa pagbabago at pagbabalik-loob ng mga nagkasala.

“As we observe National Correctional Consciousness Week, we are reminded of the urgent need to uphold justice, dignity, and human rights within our penal system. This week invites reflection on the state of persons deprived of liberty in the Philippines, many of whom continue to experience overcrowded prisons, lack of access to basic healthcare, and prolonged detention without conviction. True correctional consciousness should mean recognizing that every person, regardless of status, deserves humane treatment and the protection of their rights.” Bahagi ng pahayag ng PAHRA.

Kaugnay nito, muling ipinanawagan ng PAHRA ang agarang paglaya ni Nanay Sally Ujano, isang kilalang tagapagtanggol ng kababaihan at karapatang pantao, na ayon sa human rights group ay biktima ng di-makatarungang pagkakakulong dahil lamang sa kanyang adbokasiya para sa mahihirap at naaapi.

Giit ng grupo ang patuloy na pagdiditene kay Ujano ay isang paalala sa kung papaano umiiral ang sistema ng katarungan sa bansa na ginagamit laban sa mga nagsusulong ng mga batayang karapatan at naghahayag ng katotohanan sa lipunan.

“We reiterate our call to free Nanay Sally Ujano, a long-time women’s rights advocate and human rights defender who remains unjustly detained. Her imprisonment represents the continuing injustice faced by those who have dedicated their lives to defending the marginalized. Keeping Nanay Sally behind bars is a stark reminder of how the justice system can be used to criminalize advocacy and silence truth-tellers.” Dagdag pa ng PAHRA.

Kasabay ng panawagan para kay Ujano, nanindigan din ang PAHRA para sa pagpapalaya sa lahat ng mga bilanggong pulitikal, na kinabibilangan ng mga magsasaka, manggagawa, mamamahayag, katutubong lider, at mga tagapagtanggol ng karapatan na ikinulong sa ilalim ng mga gawa-gawang kaso.

Paliwanag ng grupo, sinasalamin ng pagkakakulong sa mga political prisoners sa bansa ang hindi patas na katarungan sa bansa na nagpaparusa sa mga mahihirap sa halip na paagbibigay ng tunay na solusyon sa kawalang katarungan, kahirapan at hindi pagkakapantaay-pantay sa bansa.

“We also continue to call to free all political prisoners. Across the country, many individuals remain incarcerated for their political beliefs, activism, and defense of human rights. They are farmers, workers, community organizers, journalists, and indigenous peoples who have been subjected to trumped-up charges and arbitrary arrests. Their detention exposes a justice system that often punishes the poor and the outspoken instead of addressing the roots of social inequality and state violence.” Ayon pa sa grupo.

Dagdag pa ng PAHRA, dapat ding protektahan ng pamahalaan ang mga human rights defenders na patuloy na nakararanas ng red-tagging, panggigipit, at pananakot dahil sa kanilang paglilingkod.

Nanawagan din ang PAHRA ng kolektibong pagtutulungan para sa isang sistemang pangkatarungan na makatao, makatarungan, at nagtataguyod ng pagbabagong-loob ng bawat mamamayan.

“As we mark this week, we renew our collective commitment to a justice system grounded in humanity and reform. Correctional consciousness must not be limited to punishment but must strive for accountability, rehabilitation, protection of human rights defenders, and genuine justice for all.” Apela ng PAHRA.

Sa ilalim naman ng Proclamation No. 551, s. 1995 ay idineklara ng pamahalaan ang huling linggo ng Oktubre bilang National Correctional Consciousness week.

Sa bahagi naman ng Simbahan, taong 1987 nang itinakda ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang huling Linggo sa buwan ng Oktubre bilang Linggo ng Kamalayan para sa mga Bilanggo o Prison Awareness Week upang alalahanin at bigyang pansin ang kapakanan at kalagayan ng mga bilanggo sa buong bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 34,560 total views

 34,560 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 57,392 total views

 57,392 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 81,792 total views

 81,792 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 100,686 total views

 100,686 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 120,429 total views

 120,429 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 24,606 total views

 24,606 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Scroll to Top