Bishop Alminaza naglabas ng paglilinaw sa kaguluhan sa Senado

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 221 total views

Nagpahayag ng paglilinaw si Caritas Philippines President, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza kaugnay sa umano’y maling interpretasyon at paggamit sa kaniyang isinapublikong pahayag noong Mayo 26, 2026 hinggil sa sitwasyon sa Senado.

Sa kaniyang Statement of Clarification, iginiit ni Bishop Alminaza na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice, and Peace na ang kaniyang naunang pahayag ay hindi pagtatanggol sa anumang partidong pulitikal, pamilya, o paksyon kundi isang moral na panawagan para sa lahat ng mga opisyal ng pamahalaan na unahin ang kapakanan ng mamamayan kaysa pansariling interes at pamumulitika.

“My statement was never intended to defend any political bloc, faction, family, or party. It was a moral appeal addressed to all public officials, regardless of affiliation, who place political survival, personal interests, partisan maneuvering, and power struggles above the urgent needs of the Filipino people.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.

Ayon sa Obispo, ang pagtatangka na baguhin at gawing armas ang kanyang nakalipas na pahayag tungkol sa sitwasyon sa Senado ay lubhang hindi katanggap-tanggap at lalo lamang nagpapalala sa kultura ng pagkakawatak-watak, maling impormasyon, at manipulasyong pampulitika na patuloy na nagpapahirap sa mga mamamayan.

“Recent attempts to twist and weaponize my May 26 statement on the situation in the Senate are deeply unfortunate. They only further contribute to the culture of division, disinformation, and political manipulation that continues to wound our people.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Giit ng Obispo, higit sa sinuman ay labis nang nasasaktan ang sambayanan dahil sa kultura ng pagkakahati-hati, disinformation, at manipulasyong pulitikal habang patuloy namang nararanasan ng marami ang kahirapan, kagutuman, kawalan ng trabaho, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, katiwalian, at pagkasira ng kalikasan.

Binigyang-diin din ni Bishop Alminaza na kabilang sa kaniyang kinokondena ang mga nagpapahina sa proseso ng pananagutan, nagpapakalat ng maling impormasyon upang manipulahin ang opinyon ng publiko, at gumagamit ng relihiyon at Banal na Kasulatan upang bigyang-katwiran ang mga layuning pulitikal.

Muli ring kinondena ng Obispo ang katiwalian, kabilang ang paglustay sa pondo para sa mga pangunahing serbisyo at disaster response habang patuloy na nagdurusa ang mga mahihirap dahil sa baha, gutom, at kapabayaan.

“To be clear: my concern is directed toward all who use the Senate and other public institutions to advance personal or political interests instead of pursuing justice, accountability, and the common good… It also includes those involved in corruption, including the plunder of public funds intended for essential services and disaster response, while ordinary Filipinos continue to suffer from floods, hunger, displacement, and neglect.” Ayon pa kay Bishop Alminaza.

Samantala, iginiit din ni Bishop Alminaza na hindi maaaring manahimik ang Simbahan sa gitna ng paglaganap ng kasinungalingan at pagkasira ng tiwala sa mga institusyon ng pamahalaan.

Paliwanag ng Obispo ang sambayanang Pilipino ay nangangailangan ng mga tunay na lingkod-bayan na naghahangad ng katarungan kaysa propaganda, pananagutan kaysa impunity, at paglilingkod kaysa pagsusulong ng pansariling kapakanan.

“The Church cannot remain silent when public discourse is poisoned by lies, when democratic institutions are reduced to political spectacle, and when the suffering of the poor is overshadowed by endless partisan conflict.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 29,409 total views

 29,409 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 50,389 total views

 50,389 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 72,817 total views

 72,817 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 245,838 total views

 245,838 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 221,286 total views

 221,286 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, pinuri ng SCMP

 912 total views

 912 total views Naglabas ng pahayag ang Student Christian Movement of the Philippines kaugnay sa unang encyclical ni Pope Leo XIV na “Magnifica Humanitas,” kung saan

Read More »

EJK Truth Commission, itinatag

 4,671 total views

 4,671 total views Pormal nang inilunsad ang isang independent at civilian-led Truth Commission na magsisilbing truth-seeking body upang bumuo ng kapani-paniwala at pampublikong tala at imbestigasyon

Read More »
Scroll to Top