Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Mati, umaapela ng tulong

SHARE THE TRUTH

 32,964 total views

Umaapela ng tulong ang Diocese of Mati Social Action Center para sa mga mamamayang naapektuhan ng 7.4 magnitude na lindol sa Manay, Davao Oriental.

Ayon kay Diocese of Mati Social Action Director Father Orveil Andrade, patuloy na nararanasan ng mga mamamayan sa lugar ang epekto ng lindol kung saan lubhang nanatili ang pangamba sa puso ng mga Davaoeño.

Inulat ng Pari na lubhang nasira ang mga simbahan ng St. Francis Xavier Parish at Santo Niño Parish sa Kinablangan Davao Oriental at marami ding nasira sa mga simbahan at kapilya sa iba pang lugar sa lalawigan.

“May mga trauma pa rin yung mga tao, napakalakas ng lindol talaga, nahihirapan po kami, lalo na doon sa Manay actually right now, hindi pa sila nakakauwi sa kanilang bahay kasi yung bahay nila ay baka biglang matabunan sila yung paglindol sa dalawang parokya namin: yung St. Francis Xavier Parish at saka yung sa Santo Niño Parish sa Kinablangan, ay iyon talaga ang tinamaan. And then yung aming chapels na nawasak talaga ng bagyo, hindi lang partially, but totally talaga na napakalakas ng lindol,” ayon sa panayam kay Fr.Andrade sa programang Veritas Pilipinas.

Inihayag ng Pari na maaring ang tulong pinansyal sa The Roman Catholic Bishop of Mat, Inc. (RCBMI) BDO Account numbers: 4014-0164219, o sa RCMBI BPI Account Numbers: 0143-0094-94, at GCASH sa mga numero bilang 09454387863 (Maria Magdalena Durban).

“So far [sa] ngayon, yung affected families ay nasa more than 70,000. At saka yung damages ng mga bahay ay partially more than a hundred. Ang reported injured ay nasa 384. And kanina ay may namatay because of the emotional trauma. And yung mga namatay sa ospital ay nasa seven (7),” bahagi ng panayam ng Veritas Pilipinas kay Fr.Andrade.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 34,358 total views

 34,358 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 57,190 total views

 57,190 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 81,590 total views

 81,590 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 100,488 total views

 100,488 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 120,231 total views

 120,231 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Anak OFW formation program, mas pinalawak

 26,178 total views

 26,178 total views Pinuri ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang Archdiocesan Commission for Migrants and Itinerant People

Read More »

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 29,413 total views

 29,413 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »
Scroll to Top