Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Papal Nuncio to the Philippines, sisikaping mapunan ang 5-sede vacante na diyosesis sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 20,596 total views

Humiling ng panalangin si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown para sa pagkakaroon ng mga karagdagang pastol sa mga sede vacante na diyosesis sa bansa.

Sa kanyang pastoral visit on the air sa Barangay Simbayanan program ng Radyo Veritas, ibinahagi ng nuncio na hindi madali ang pagpili ng magiging obispo sapagkat dadaan ito sa masusing pag-aaral at proseso sa Vatican.

Ipinaliwanag ng nuncio na bilang kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas, tungkulin nitong magsumite ng listahan ng mga pari sa Dicastery for Bishops upang pag-aralan at pagpasyahan ng Santo Papa.
“A bishop is someone who has the faith, who has lived a good life as a priest, who is a man of prayer, and who also has the ability to administer and govern a diocese,” pahayag ni Archbishop Brown sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin ng nuncio na hindi madali ang tungkulin ng isang obispo dahil kaakibat nito ang malaking responsibilidad sa pamamahala at pagpapastol sa mga nasasakupan.

“To be a bishop today is basically to receive the crown of thorns. In many parts of the world, to be a bishop is simply to accept the cross and go forward,” dagdag ni Archbishop Brown.

Ipinahayag din ng Papal Nuncio na kasalukuyan niyang pinagsusumikapang mapunan ang mga bakanteng diyosesis sa bansa at humiling ng panalangin para sa paggabay ng Espiritu Santo sa pagpili ng mga karagdagang pastol.

“We have five vacant dioceses, so we’ll have more appointments before Christmas,” ayon kay Archbishop Brown.

Sa kasalukuyan, sede vacante ang mga diyosesis ng Kalibo, San Jose, Nueva Ecija, at Tagbilaran, gayundin ang apostolic vicariate ng Tabuk.

Magiging sede vacante naman ang apostolic vicariate of Jolo kung pormal nang maluklok si Archbishop Charlie Inzon sa Archdiocese of Cotabato.

Bukod dito, ilan sa mga obispo ay inaasahang magreretiro sa pag-abot ng 75 taong gulang — ang mandatory retirement age para sa mga obispo — kabilang sina Bacolod Bishop Patricio Buzon at Nueva Segovia Archbishop Marlo Peralta.

Si Bishop elect Edwin Panergo ay hinihintay na lamang ang kanyang episcopal ordination at installation sa Diocese of Boac, Marinduque na sede vacante mula pa noong 2024.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 34,363 total views

 34,363 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 57,195 total views

 57,195 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 81,595 total views

 81,595 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 100,492 total views

 100,492 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 120,235 total views

 120,235 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top