Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 101,552 total views

Mga Kapanalig, gaano kaya kalawak at kalalim ang ugat ng korapsyon na bumabalot sa mga flood control projects ng DPWH?  

Sa ngayon, hindi pa natin lubos na masasagot ito, at hindi nakatutulong na hindi isinasapubliko ng Independent Commission for Infrastructure (o ICI) ang mga pagdinig na isinasagawa nito. Paliwanag ng komisyon, ang desisyong huwag i-livestream ang mga pagdinig ay upang maiwasang magamit ang mga ito sa pamumulitika.

Sa ilalim ng Executive Order No. 94, tungkulin ng ICI na imbestigahan ang mga kaso ng korapsyon kaugnay ng flood control at iba pang katulad na programa sa nakalipas na sampung taon. Pinamumunuan ang ICI ni retired Supreme Court Justice Andres Reyes Jr., kasama sina dating DPWH Secretary Rogelio “Babes” Singson at SGV & Co. executive, Rossana Fajardo bilang mga miyembro. Itinalaga rin si PNP Chief Rodolfo Azurin Jr. bilang special adviser at investigator.

Kasama ang mga contractors sa mga ipinatawag na ng ICI para ipaliwanag ang kaugnayan ng kanilang mga kompanya sa mga maanomalyang flood control projects. Humiling din ang ICI sa Department of Justice (o DOJ) na maglabas ng immigration lookout bulletin orders (ILBO) para sa ilang pulitikong umano’y sangkot sa katiwalian. Nakausap na rin ng ICI ang ilan sa kanila.

Pero may mga nakukulangan sa ginagawa ng ICI kung gusto nitong tunay na panagutin ang mga kumurakot sa flood control budget. Kamakailan, nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) para sa higit na transparency sa mga pagdinig ng ICI. Sa panahong kailangang muling maibalik ang tiwala ng taumbayan sa pamahalaan, ipinaalala ng CBCP: “Let the truth flow freely. Let the ICI do its work—thoroughly, transparently, and without fear or favor.” Nananawagan din ang CBCP na isama sa mandato ng ICI ang mga sumusunod: pagsasapubliko sa mga pagdinig nito nang malaman natin ang kinalabasan ng mga ito at ang mga rekomendasyon ng ICI; malayang pag-access sa mga dokumento at pagtatanong sa mga ipinatatawag ng komisyon, maging ang mga may tinatawag na political privilege; paglalantad ng mga budget insertions at alokasyon ng proyekto, lalo na iyong may kinalaman sa unprogrammed o duplicate projects ng DPWH; at proteksyon sa mga lumalantad na whistleblowers.

Ayon mismo kay Pangulong BBM, dapat panagutin ang mga opisyal na sangkot sa katiwalian sa mga flood control projects. Kung ito ang paniniwala niya, dapat niyang maunawaang ang pagpapanagot ay nakasalalay sa isang tapat at bukás na proseso. Kailangan natin ng transparency sa proseso ng ICI para malaman ng taumbayan kung paano ginamit ang pera natin, paano umikot ang sistema ng pandaraya, sinu-sino ang mga dapat managot, at hanggang saan ang kanilang pananagutan.

Ang mga opisyal ng pamahalaan na lumabag sa kanilang tungkuling maglingkod sa bayan at pinili ang pansariling interes ay dapat managot sa kanilang mga ginawa. Katulad ng sinasabi sa Mga Kawikaan 11:3, “Ang tuntunin ng matuwid ay katapatan, ngunit ang masama’y wawasakin ng kanyang kataksilan.” Ang pagtatago ng katotohanan ay hindi kailanman magbubunga ng kabutihan. Hahantong lamang ito sa pagkawasak. Sa bawat imbestigasyong isinasagawa hinggil sa mga kuwestiyonableng proyekto ng DPWH, dapat mabunyag ang malawak at malalim na korapsyon. Dapat mapanagot ang mga sangkot.

Mga Kapanalig, pinaaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Fratelli Tutti na huwag lamang umasa sa mga namumuno sa atin. Kailangan nating makibahagi. Kailangan nating panindigan ang katotohanan. Karapatan nating mga Pilipino na malaman kung ano ang nagtutulak sa mga desisyon ng mga nasa pamahalaan. Ang katotohanan ay hindi dapat manatili sa likod ng mga saradong pinto. Kaya naman, mahalagang kalampagin ang ICI. Kung hindi, baka mauwi lamang ang komisyong ito sa isa namang pananggalang ng mga tiwali.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 34,040 total views

 34,040 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 56,872 total views

 56,872 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 81,272 total views

 81,272 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 100,173 total views

 100,173 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 119,916 total views

 119,916 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 34,041 total views

 34,041 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 56,873 total views

 56,873 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 81,273 total views

 81,273 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 100,174 total views

 100,174 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 119,917 total views

 119,917 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Prayer Power

 135,149 total views

 135,149 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 151,981 total views

 151,981 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 161,838 total views

 161,838 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 189,653 total views

 189,653 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 194,669 total views

 194,669 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »
Scroll to Top