21,118 total views
Inilunsad ng International Labor Organization o ILO Philippines ang kauna-unahang National Industry Dialogue for Responsible and Sustainable Supply Chains in the Philippines.
Layon nito na magkaroon ng pag-uusap sa pagitan ng mga kagawaran ng pamahalaan, manggagawa at mga grupong kabilang sa sektor ng Aquaculture upang tugunan ang global demand sa seafoods.
“As global demand for ethically sourced seafood grows, the industry must meet rising expectations for transparency, environment, social and governance (ESG) due diligence, and stronger labour rights protection,” ayon sa mensahe ni Khalid Hassan – ILO Country Director to the Philippines na pinadala sa Radyo Veritas.
Tinalakay sa pagtitipon na nagsimula noong ika-25 ng Oktubre na magtatapos sa ika-28 ng kasalukuyang buwan ang mga gagawing pagbabago, at paghasa sa kasanayan ng mga employer at manggagawa ng Aquaculture tungo sa pag-unlad ng industriya.
Layon din ng pagtitipon ang pagtiyak ng mga employer sa pagsusulong ng kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawa.
Ang Aquaculture ay ang industriya kung saan kabilang ang mga nagmamay-ari ng fish ponds at iba pang uri ng controlled-environment na uri ng pagpapalaki ng mga isdang pangunahing ibinebenta sa merkado.
Isinusulong ng yumaong Pope Francis ang pangangalaga sa kalikasan na tutugon sa pangangailangan ng mga sangkatauhan.




