Kahalagahan ng SIGNIS Asia Assembly 2025, kinilala ng RVA General Manager

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,238 total reads

Ibinahagi ni Radio Veritas Asia (RVA) General Manager, Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD, ang kahalagahan ng aktibong pakikibahagi ng kanilang institusyon sa SIGNIS Asia Assembly 2025 na ginanap sa Pilipinas.

Ayon kay Fr. Fiel, ang pagtitipon ngayong taon ang pinaka-makabuluhang karanasang naranasan niya mula nang unang dumalo sa SIGNIS Asia noong 2016, sapagkat ito ang unang pagkakataon niyang makibahagi bilang General Manager ng RVA.

Bago italaga sa kasalukuyang tungkulin, nagsilbi si Fr. Fiel bilang General Manager ng Word Broadcasting Corporation, isang lokal na himpilan sa Cebu.

“I think, this experience ngayon dito sa Philippines ng SIGNIS Asia is the one that I am most active in terms of participation. Kasi noong mga nakaraang mga SIGNIS Asia, I always participate as [then] the General Manager of Word Broadcasting Corporation, isang maliit na radio station sa Cebu. But now, tayo ay General Manager ng isang continental [online-based] media organization na gumagawa ng mga content related to Asia,” pahayag ni Fr. Fiel sa panayam ng Radyo Veritas.

Binigyang-diin ni Fr. Fiel na isa sa mga pangunahing layunin ng RVA sa pagdalo sa SIGNIS Asia ay ang pagpapalawak ng ugnayan sa mga mamamahayag at media organization sa iba’t ibang bansa sa Asya.

Layunin ng inisyatibang ito na makabuo ng mas matibay na network ng mga tagapaghatid ng balita upang higit pang maipahayag ang mga kuwento ng pananampalataya, pag-asa, at kabutihan mula sa iba’t ibang kultura at konteksto.

“Kung makakakuha kami ng mga collaborator sa iba’t ibang bansa sa Asia [ay] mas makakatulong iyon para ang aming shaping [o] framing of Christian stories – the stories of Christianity in Asia ay hindi lamang sa iilang Asian countries, kundi mas marami.

Kapag galing sa iba’t ibang parts of Asia [ay] mas maganda ‘yon para sa aming tagline (motto) na [The] Christian voice of Asia,” dagdag ni Fr. Fiel.

Humigit-kumulang 70 Asian delegates na kinabibilangan ng mga communicators, lider ng simbahan, at media practitioners ang lumahok sa pagtitipon na ginanap sa Manila Prince Hotel sa Maynila at St. Paul Center for Renewal sa Alfonso, Cavite noong October 21-24, 2025.

Tema ng SAA2025 ang “Whispers of Hope: Communicating Peace, Building Futures,” na naglalayong palalimin ang ugnayan ng mga catholic communicators sa Asya at isulong ang mensahe ng pananampalataya, pag-asa, at pagkakaisa sa pamamagitan ng epektibong komunikasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,395 total reads

 56,395 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 142,891 total reads

 142,891 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 185,928 total reads

 185,928 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,687 total reads

 235,687 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 394,208 total reads

 394,208 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 192,020 total reads

 192,020 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top