Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MARTES, DISYEMBRE 27, 2022

SHARE THE TRUTH

 1,713 total views

Kapistahan ni Apostol San Juan,
Manunulat ng Mabuting Balita

1 Juan 1, 1-4
Salmo 96, 1-2. 5-6. 11-12

Sa Panginoo’y magalak
ang masunuri’t matapat.

Juan 20, 2-8

Feast of Saint John, Apostle and Evangelist (White)

UNANG PAGBASA
1 Juan 1, 1-4

Ang simula ng unang sulat ni Apostol San Juan

Mga pinakamamahal, sumusulat kami sa inyo tungkol sa kanya na sa simula pa’y siya na, ang Salita na nagbibigay-buhay. Narinig namin siya at nakita, napagmasdan at nahipo ng aming mga kamay. Nahayag ang Buhay. Nakita namin siya at pinatotohanan sa inyo. At ipinangangaral namin sa inyo ang Buhay na walang hanggan na kasama ng Ama, at nahayag sa amin. Ipinahahayag nga namin sa inyo ang aming nakita’t narinig, upang makasama namin kayo sa pakikiisa sa Ama at sa kanyang Anak na si Hesukristo. Sinusulat namin ito upang malubos ang ating kagalakan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 96, 1-2. 5-6. 11-12

Sa Panginoo’y magalak
ang masunuri’t matapat.

Ang Poon ay maghahari, magalak ang kalupaan!
Lahat kayong mga pulo ay magsaya at magdiwang!
Ang paligid niya’y ulap na lipos ng kadiliman,
kaharian niya’y tapat at salig sa katarungan.

Sa Panginoo’y magalak
ang masunuri’t matapat.

Yaong mga kabunduka’y natutunaw, parang pagkit,
sa harapan ng dakilang Panginoon ng daigdig.
Sa langit ay nahahayag yaong kanyang katuwiran,
sa lupa ay makikita ang kanyang kadakilaan.

Sa Panginoo’y magalak
ang masunuri’t matapat.

Sa tapat ang pamumuhay ay sisinag ang liwayway,
sa dalisay namang puso maghahari’y kagalakan.
Ang matuwid ang gawain ay galak ang masusumpong,
sa maraming kabutihang ginawa ng Panginoon;
ang ginawa niyang ito’y dapat nating gunitain,
at sa Poon ay iukol ang papuring walang maliw!

Sa Panginoo’y magalak
ang masunuri’t matapat.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Mga tapat na apostol
ay nagpupuri sa Poon
sa langit habang panahon.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 20, 2-8

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Madilim-dilim pa nang araw ng Linggo, patakbong pumunta si Maria Magdalena kay Simon Pedro at sa alagad na mahal ni Hesus, at sinabi sa kanila, “Kinuha sa libingan ang Panginoon at hindi namin alam kung saan dinala!” Kaya’t si Pedro at ang nasabing alagad ay nagpunta sa libingan. Kapwa sila tumakbo ngunit si Pedro’y naunahan ng kasamang alagad. Yumuko ito at sumilip sa loob. Nakita niyang nakalagay ang mga kayong lino, ngunit hindi siya pumasok. Kasunod niyang dumating si Simon Pedro at tuluy-tuloy itong pumasok sa libingan. Nakita niya ang mga kayong lino, at ang panyong ibinalot sa ulo. Hindi ito kasama ng mga kayong lino, kundi hiwalay na nakatiklop sa isang tabi. Pumasok din ang alagad na naunang dumating; nakita niya ito at siya’y naniwala.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Disyembre 27
Apostol San Juan, Manunulat ng Mabuting Balita

Tinagurian si Juan bilang “mahal na alagad” sapagkat siya ang tapat at malapit sa puso ni Kristo. Tumatawag tayo sa Diyos na Nagkatawang-tao, “ang Salitang buhay” na inihayag sa kanyang Ebanghelyo.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ni Jesus, basbasan mo kami.

Ang Simbahan nawa’y maging masigasig sa kanyang apostolikong misyon na ipinagkatiwala sa kanya ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magsikap isunod ang ating kalooban sa kalooban ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tulad ni apostol San Juan, tayo nawa’y magkaroon ng malalim na pagkakilala kay Jesus sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga katotohanan ng ating pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng lakas ng loob na sumunod kay Kristo sa krus at sa libingang walang laman, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y makibahagi sa maamong pagmamahal ni San Juan kay Maria na ating ina, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng Salitang Nagkatawang-tao, habang nagdiriwang kami sa pagsilang ng iyong Anak, dinggin mo nawa kami sa mga kahilingang inilalapit namin sa iyo, kaisa ng mahal na alagd na aming huwaran sa buhay-Kristiyano. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 7,474 total views

 7,474 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 18,754 total views

 18,754 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 29,569 total views

 29,569 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 60,136 total views

 60,136 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Makatotohanang Anti-Corruption Crusade

 72,312 total views

 72,312 total views Kapanalig, ang kredibilidad ng anumang anti-corruption crusade ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tulad ng binuong INDEPENDENT COMMISSION for INFRASTRUCTURE(ICI) ay nakasalalay

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 19,537 total views

 19,537 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 19,768 total views

 19,768 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 20,244 total views

 20,244 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 13,165 total views

 13,165 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 13,274 total views

 13,274 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top