Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 266 total views

Ang teknolohiya ay naging tulay ng marami nating kababayan ngayon upang maabot o ma-access ang mga pangunahing serbisyo sa ating bansa. Sa pamamagitan nito, naka-survive tayo sa mga mobility restrictions na dulot ng pandemya.

Ang teknolohiya – Internet, wifi, telecommunications – ito ang ating naging kaagapay ngayon. Tinatayang nasa 73.91 milyong Filipino ang mga internet users ngayong January 2021, na katumbas na ng 67% ng ating populasyon. Ang bilang na ito ay 6.7% ang tinaas mula ng January 2020. Para maka-connect sa Internet, 98.5% ng mga Filipino ay gumagamit ng smart phones at 77.3% naman ay gamit din ang laptop o computers. Halos 11 hours na, kapanalig, ang babad nating mga Filipino sa Internet ngayon.

Hindi naman nakakapag-tataka kung bakit ganyan na tayo katagal sa Internet ngayon. Dito na tayo nag-aaral, dito na tayo nagtatrabaho, dito na rin nga tayo nag-shopping at namamalengke.  Pati mga medical check-ups natin, sa Internet na rin. Ganito na kahalaga ang teknolohiya sa ating panahon ngayon, kapanalig. Ang kawalan nito ay kawalan na rin ng access sa mga batayang karapatan at serbisyo para sa mamamayan.

Kaya nga’t good news na umaangat na ang antas ng bayan pagdating sa Internet speed. Ayon sa Ookla report, pang- 86  na ang ranggo ng ating bansa mula 111 pagdating sa global mobile internet speed rankings nitong January 2021. Malaking pagbabago ito, lalo pa’t napakaraming taon din nating nagtiis sa mabagal at mahal pa na internet.

Pero bitin pa rin ito kapanalig. Ang bilis ng Internet ay na-eenjoy lamang ng mga mamamayang may access na sa Internet. Kailangan pa rin natin bigyang atensyon ang coverage. Lahat ba tayo ay may access na dito?

Idagdag sana natin, kapanalig, sa ating mga sukatan sa tagumpay sa teknolohiya hindi lamang ang bilis o speed, kundi pati ang coverage. Naabot ba natin ang majority o lahat ng ating mga mamamayan? May maayos na signal ba tayong lahat, kapanalig? Lahat ba ng estudyanteng kailangang mag-online class ay nakaka-connect sa Internet? Dumadami ba ang bilang ng mga nakaka-connect sa Internet? Delikalidad ba ang ating koneksyon o mabilis nga pero paputol putol din? 67% ng ating mga mamamayan ang nakaka-connect sa Internet ngayon, paano naman ang ibang natitira?

Kapanalig, ang pantay-pantay na access sa mga batayang serbisyo, gaya ng Internet, ay nakapakahalaga. Kapag ating hinahayaang maiiwan ang iba sa ganitong uri ng kawalan o deprivation, iniiwan natin sila sa karukhaan. Lahat tayo ay mahalaga, lahat tayo ay may karapatan sa mga serbisyong panlipunan. Paalala ng Laudato Si: We should be particularly indignant at the enormous inequalities in our midst, whereby we continue to tolerate some considering themselves more worthy than others.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 6,268 total views

 6,268 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 17,751 total views

 17,751 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 33,440 total views

 33,440 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 34,232 total views

 34,232 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 44,118 total views

 44,118 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 6,269 total views

 6,269 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMERO

 17,752 total views

 17,752 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

UNAWAIN AT MAGTIIS

 33,441 total views

 33,441 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunay na boses ng kabataan

 34,233 total views

 34,233 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top