Paid Pandemic Leave, isinusulong ng labor groups

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 527 total reads

Nagkaisa ang ibat-ibang labor at concerned groups na iparating sa pamahalaan ang pagsasabatas ng Paid Pandemic Leave (PPL).

Sa liham na ipinadala ng may 21 grupo sa pangunguna ng Kilusan ng Manggagawang Kababaihan (KMK), Alliance of Nationalist and Genuine Labor Organizations (ANGLO), Kilusang Mayo Uno (KMU) at Association of Democratic Labor Organizations (ADLO) ay kanilang ipinananawagan sa pamahalaan ang pagsuporta rin sa mga batas na kasalukuyang dinidinig sa Senado at Kongreso.

Ito ay ang mga batas nina Senator Leila Delima na Senate Bill 2148 at Gabriela Partylist na House Bill 7909 na layong magkaroon ng hiwalay na pandemic leave ang mga manggagawang mahahawaan ng COVID-19 at nagkaroon ng exposure sa mga taong magpopositibo mula sa virus.

Pagpapabatid pa ng mga grupo, ito ay dahil na rin sa mga pangambang marami ng manggagawa ang nahahawaan ng COVID-19 dahil na rin sa banta ng Omicron variant.

“Kami po, mga manggagawa at labor advocates, ay lumalapit sa inyong mga lingkod upang ipaabot na lubos na apektado kaming muli ng surge na dulot ng Omicron variant ng COVID-19. may pambihirang paglaki ngayong Enero,” pahayag ng grupo.

Ang usapin ng Paid Pandemic Leave at nagsimula ng himukin ng Department of Labor and Employment ang mga employers ng pribadong kompanya na ipatupad ang hiwalay na official leave ng kanilang mga empleyadong mahahawaan o magkakaroon ng exposure sa COVID-19.

Patuloy naman ang panghihimok ng Simbahang Katolika sa bawat namumuhunan na bigyan ng nararapat na pagpapahalaga at dignindad ang bawat isa sa kanilang mga manggagawa, ito ay sa pamamagitan ng pagagawad ng wastong pasahod at ibat-ibang uri ng benepisyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 1,272 total reads

 1,272 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 88,596 total reads

 88,596 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 125,969 total reads

 125,969 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 157,230 total reads

 157,230 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 229,955 total reads

 229,955 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top