Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 699 total reads

Ang teknolohiya ay naging tulay ng marami nating kababayan ngayon upang maabot o ma-access ang mga pangunahing serbisyo sa ating bansa. Sa pamamagitan nito, naka-survive tayo sa mga mobility restrictions na dulot ng pandemya.

Ang teknolohiya – Internet, wifi, telecommunications – ito ang ating naging kaagapay ngayon. Tinatayang nasa 73.91 milyong Filipino ang mga internet users ngayong January 2021, na katumbas na ng 67% ng ating populasyon. Ang bilang na ito ay 6.7% ang tinaas mula ng January 2020. Para maka-connect sa Internet, 98.5% ng mga Filipino ay gumagamit ng smart phones at 77.3% naman ay gamit din ang laptop o computers. Halos 11 hours na, kapanalig, ang babad nating mga Filipino sa Internet ngayon.

Hindi naman nakakapag-tataka kung bakit ganyan na tayo katagal sa Internet ngayon. Dito na tayo nag-aaral, dito na tayo nagtatrabaho, dito na rin nga tayo nag-shopping at namamalengke.  Pati mga medical check-ups natin, sa Internet na rin. Ganito na kahalaga ang teknolohiya sa ating panahon ngayon, kapanalig. Ang kawalan nito ay kawalan na rin ng access sa mga batayang karapatan at serbisyo para sa mamamayan.

Kaya nga’t good news na umaangat na ang antas ng bayan pagdating sa Internet speed. Ayon sa Ookla report, pang- 86  na ang ranggo ng ating bansa mula 111 pagdating sa global mobile internet speed rankings nitong January 2021. Malaking pagbabago ito, lalo pa’t napakaraming taon din nating nagtiis sa mabagal at mahal pa na internet.

Pero bitin pa rin ito kapanalig. Ang bilis ng Internet ay na-eenjoy lamang ng mga mamamayang may access na sa Internet. Kailangan pa rin natin bigyang atensyon ang coverage. Lahat ba tayo ay may access na dito?

Idagdag sana natin, kapanalig, sa ating mga sukatan sa tagumpay sa teknolohiya hindi lamang ang bilis o speed, kundi pati ang coverage. Naabot ba natin ang majority o lahat ng ating mga mamamayan? May maayos na signal ba tayong lahat, kapanalig? Lahat ba ng estudyanteng kailangang mag-online class ay nakaka-connect sa Internet? Dumadami ba ang bilang ng mga nakaka-connect sa Internet? Delikalidad ba ang ating koneksyon o mabilis nga pero paputol putol din? 67% ng ating mga mamamayan ang nakaka-connect sa Internet ngayon, paano naman ang ibang natitira?

Kapanalig, ang pantay-pantay na access sa mga batayang serbisyo, gaya ng Internet, ay nakapakahalaga. Kapag ating hinahayaang maiiwan ang iba sa ganitong uri ng kawalan o deprivation, iniiwan natin sila sa karukhaan. Lahat tayo ay mahalaga, lahat tayo ay may karapatan sa mga serbisyong panlipunan. Paalala ng Laudato Si: We should be particularly indignant at the enormous inequalities in our midst, whereby we continue to tolerate some considering themselves more worthy than others.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 104,044 total reads

 104,044 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 242,369 total reads

 242,369 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 358,146 total reads

 358,146 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 474,344 total reads

 474,344 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 104,045 total reads

 104,045 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 242,370 total reads

 242,370 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 358,147 total reads

 358,147 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »
Scroll to Top