Pag-agapay sa mga nasalanta ng bagyong Odette, prayoridad ng Diocese of Surigao

SHARE THE TRUTH

 449 total views

Prayoridad ng Diocese ng Surigao ang makatulong muna at patuloy na umagapay sa pagbangon ng mga residenteng naapektuhan ng bagyong Odette bago isaalang-alang ang rehabilitasyon o pagpapagawa sa mga nasirang parokya o kapilya.

Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Denish Ilogon, Social Action Director ng nasabing Diyosesis sa mga plano para sa pagpapagawa ng mga nasirang Simbahan sa kanilang lalawigan partikular na sa Dinagat Island at Siargao.

Sinabi ni Fr. Ilogon na bagamat marami sa kanilang mga parokya at kapilya ang nawasak ng bagyong Odette ay hindi pa nila napag-iisipan kung paano ito maipapatayong muli lalo na’t nakatuon ang kanilang mga pagkilos sa relief and rehabilitation programs para sa mamamayan.

“Actually marami talagang simbahan na nasira mga chapel na nasira pero sa ngayon tulad ako sira din ang Cathedral ko pero hindi ko po inuna yun Cathedral kasi ang inuuna natin ang mga tao na hirap pa din sila at kapag naulan ang iniisip ko yun mga bahay na walang bubong yun mga bahay na trapal lang ang takip,” ani Fr. Ilogon na siya ring Parish Rector ng San Nicolas de Tolentino Cathedral Parish sa Surigao Del Norte.

Sinabi ng Pari na sa ngayon hindi lamang mga mananampalatayang Katoliko ang kanilang tinutulungan dahil ilang mga residente mula sa iba’t-ibang relihiyon ang kanila na rin napagsilbihan.

“Unang-una ang tinututukan muna namin, ‘yung parishioners namin, ‘yung mga tao, hindi lang Katoliko pati ‘yun mga hindi Katoliko tinutulungan din namin.. ‘yun muna ang pinaglalaan namin ng panahon ngayon kasi lalong-lalo na kapag umuulan nakikita mo yun hirap nila wala sila mataguan, ‘yun mga gamit nila laging nababasa,” pahayag pa ni Fr. Ilogon.

Magugunitang hindi nakaligtas sa pinsala ng bagyong Odette ang mga simbahan at pook-dasalan sa Visayas at Mindanao.

Patuloy naman ang pagbibigay tulong ng Diocese of Surigao at iba pang mga Diyosesis sa bahagi ng relief intervention at sa rehabilitasyon sa mga kabahayan ng mga residente na inaasahang tatagal pa ng ilang buwan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 8,890 total views

 8,890 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 23,534 total views

 23,534 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 37,836 total views

 37,836 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 54,608 total views

 54,608 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 101,093 total views

 101,093 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 26,579 total views

 26,579 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top