Hanapin ang liwanag tungo kay Hesus – Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

 425 total views

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na tularan ang mga pantas na hinanap si Hesus.

Ito ang mensahe ng Cardinal sa paggunita ng ‘Week of Prayer for Christian Unity’ kung saan tema ng pagdiriwang ang ‘We saw the star in the East, and we came to worship him’ (Mt. 2:2) na nagninilay sa karanasan ng tatlong pantas na sumunod sa tala upang hanapin ang tunay na Liwanag ng sanlibutan.

“Katulad ng mga pantas, sundan lamang natin ang maningning na tala na magdadala sa atin kay Hesus, ang Liwanag ng Mundo na hindi kailanman magagapi ng kadiliman,” pahayag ni Cardinal Advincula sa panayam ng Radio Veritas.

Paliwanag ng Kardinal na ang tema sa pagdiriwang ngayong taon ay angkop sa karanasan ng mga taga-Middle East na nababalot ng karahasan at tunggalian ng kasaysayan.

Ayon kay Cardinal Advincula, ang taunang paggunita sa pagkakaisa ng mga Kristiyano ay karugtong sa Kapistahan ng Pagbabagong-buhay ni San Pablo Apostol na nagpapaalala sa bawat isa na hindi maaaring lagyan ng anumang balakid ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.

“Mahalagang isulong ang pagkakaisa ng mga Kristiyano. Dito tayo makikilalang mga tagasunod ni Hesus. Ang panalangin ni Hesus para sa atin, Ut unum sint, ang lahat nawa’y magkaisa,” ani Cardinal Advincula.

January 19 nang pangunahan ni Cardinal Advincula ang ecumenical prayer liturgy sa Minor Basilica of the Immaculate Conception o Manila Cathedral na dinaluhan ng iba’t ibang Kristiyanong denominasyon.

Ito rin ay inisyatibo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Ecumenical Affairs at National Council of Churches in the Philippines.

Umaasa si Cardinal Advincula na ang pagbubuklod ng pamayanan ay magdulot ng liwanag sa lipunang nababalot ng dilim bunsod ng iba’t ibang karanasan.

“Ang pagsisikap natin tungo sa pagkakaisa ang tala na nakaturo kay Hesus. Nawa’y ang pag-ibig at malasakit ng magkakapatid na Kristiyano ay magdulot ng liwanag sa mundo na napupuno ng dilim, lungkot, karahasan, kasalanan at kamatayan,” giit ni Cardinal Advincula.

Una nang hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang upang makamtan ng lipunan ang pagkakaisa tungo sa mapayapang pamayanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 9,890 total views

 9,890 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 24,534 total views

 24,534 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 38,836 total views

 38,836 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 55,597 total views

 55,597 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 101,935 total views

 101,935 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top