AFP at PNP, off-limits sa mga paaralan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 467 total reads

Off-limits dapat ang mga pulis at militar sa loob ng mga unibersidad at mga paraalan.

Ito ang binigyang diin ni Sr. Mary John Mananzan, OSB – Former President ng St. Scholastica’s College at Former Co-Chairperson ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) sa panukalang pagtatalaga sa mga sundalo at pulis sa mga unibersidad at paaralan upang mapigilan ang recruitment ng mga makakaliwang grupo sa mga mag-aaral.

Tinawag ng Madre na “martial law” ang pagtatalaga ng mga pulis at militar sa loob ng mga unibersidad at colleges sa bansa.

Tiniyak ni Sister Mananzan na magdudulot ito ng malawakang takot at pangamba hindi lamang sa mga guro at mag-aaral kundi maging sa mga magulang.

Iginiit ni Sr. Mananzan na kailangang igalang ng mga otoridad ang karapatan at ang academic freedom sa mga unibersidad at paaralan kung saan malayang makagalaw at makapag-aral ang mga estudyante.

“No way, no way, no way hindi dapat sila papasok sa eskwelahan aba parang Martial Law yan ng eskwelahan merong academic freedom at saka meron kaming right to our privacy, anong gagawin nila doon sa loob? magkakaroon nalang sila ng witch hunting, that is not an atmosphere for education, hindi ka makakapagturo sa mga bata sa isang atmosphere ng fear na nandyan at nakikinig-kinig yung mga pulis mga ganyan hinding hindi dapat natin payagan yan…”paninindigan ni Sr. Mananzan sa panayam sa Radyo Veritas.

Nagsimula ang panukala ng iginiit ni Senator Ronald Dela Rosa na dapat na pahintulutan ng mga State Universities and Colleges (SUCs) na makapagtalaga ng mga pulis at militar upang makapagsagawa ng indoctrination para mipigilan ang recruitment ng makakaliwang grupo.

Bukod sa pagpapahintulot sa mga pulis at militar na makapasok sa mga paaralan ay binuhay din ang pagsasabatas sa Anti-Subversion Law na nagbabawal sa mga estudyante na sumapi sa komunistang grupo.

Samantala, mariin namang tinututulan ng mga mag-aaral ang naturang panukala kung saan nagsagawa ng mga Iskolar ng Bayan ng University of the Philippines ng UP Day of Walkout and Action noong ika-20 ng Agosto.

Tinututulan ng mga mag-aaral ang pagsasantabi sa right to academic freedom, to organize, and to protest.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 22,047 total reads

 22,047 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 56,267 total reads

 56,267 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 92,749 total reads

 92,749 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 110,961 total reads

 110,961 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 194,119 total reads

 194,119 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top