Pagkilala ng UN sa nagaganap na Religious Persecution, pinuri ng ACN

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 317 total views

Unang hakbang para wakasan ang karahasan na dulot ng pang-uusig dahil sa pananampalataya.

Ito ang inihayag ni Jonathan Luciano, national director Aid to the Church in Need (ACN) Philippines sa pagdedeklara ng United Nation sa ika-22 ng Agosto bilang World Day for Victims of Religious Persecution.

“Finally na-recongnize na nila (UN) na mayroong ganitong problema na they exist, itong problema ng violence based on religion. Ang because of this recognition finally we can take a first step towards…maghanap tayo ng solusyon sa problemang ito. Ang unang hakbang ay to recognize na there is a problem,”pahayag ni Luciano sa Radio Veritas

Pinuri ni Luciano ang unang pagkakataon na paggunita sa mga inuusig base sa pagkilala ng U-N.

Nilinaw ni Luciano na ang pagkilala na mayroong ganitong suliranin ay isang hakbang para sa sama-samang pagtugon ng bawat bansa sa ganitong uri ng karahasan na nararanasan sa iba’t ibang panig ng mundo hindi lamang ng mga kristiyano kundi maging ang iba pang pananampalataya.

Iginiit ni Luciano na isa itong pagkakataon para ipaalala sa bawat bansa na bigyang pangangalaga ang bawat mamamayan sa kanilang kalayaan sa pagsamba.

“This is the right step forward, sana nga itong araw ito (Aug.22) ay maremind ang mga bansa, especially ang United Nations kasi duty ito ng mga bansa to protect their citizens from religious persecution and to assure them of religious freedom,” dagdag pa ni Luciano
Sa inilabas na Religious Freedom Report, nanatiling ang mga Kristiyano ang pinaka-nakakaranas ng pag-uusig sa may 35 bansa o katumbas ng isa sa bawat limang kristiyano.

Ang Aid to Church in Need-ay isang Catholic aid organization at kinilala bilang pontifical foundation ng Vatican noong 2011 na tumutulong sa mga inuusig na kristiyano sa loob ng 70 taon.

Ang ACN ay itinatag noong 1947 sa Germany at may 23 tanggapan sa 140 mga bansa kabilang na ang Pilipinas.

Kamakailan lamang nakatanggap ng ulat ang pulisya hinggil sa banta ng terorismo sa Northern Luzon na target ang mga kilalang simbahan.

Read: Simbahan, nanawagan sa mamamayan na mag-ingat at maging alerto AFP at PNP, pinuri ng Archdiocese of Nueva Segovia at Diocese of Laoag

Sa isa pang pag-aaral ng Pew Research Center, ang mga Kristiyano ang nangungunang relihiyon na nakakaranas ng pang-uusig at karahasan dahil sa kanilang pananampalataya mula sa 144 na bansa sa nakalipas na higit sa isang daang taon.

Isang paraan din ng ACN ang pagbibigay ng kamalayan sa publiko kaugnay sa karahasan dahil sa pananampalataya at paninindigan ay ang pagdiriwang ng Red Wednesday tuwing Nobyembre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 118,481 total views

 118,481 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 242,892 total views

 242,892 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 282,699 total views

 282,699 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 355,956 total views

 355,956 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top