214 total views
Pabor si Prelatura ng Isabela de Basilan Bishop Martin Jumoad sa pag–aalok ni President-elect Rodrigo Duterte sa Communist Party of the Philippines o CPP na maging bahagi ng kanyang gabinete.
Ayon kay Bishop Jumoad, tanggap nito ang ganitong pamamaraan lalo na upang mapaghilom na ang hidwaan ng pamahalaan sa ilang mga komunistang rebelled at matigil na ang armadong pakikibaka.
Pahayag pa ni Bishop Jumoad, magiging batayan pa rin nito ang konstitusyon lalo na kung isusuko ng ilang mga bandidong grupo ang kanilang paglilingkod na naayon sa alituntunin ng lipunan.
“As long as they are qualified, as long as they will implement the rule of law and if they will follow the law then for I have no problem with that. As long as they are law abiding in terms of the laws of the land,” bahagi ng pahayag ni Bishop Jumoad sa panayam ng Veritas Patrol.
Iginiit pa ng obispo na napapanahon na upang maging inclusive ang pamahalaan at papanibaguhin ang pagnanaw sa mga komunista.
“I think if they want to integrate in society our society should be inclusive not exclusive,” paglilinaw pa ni Bishop Jumoad sa Radyo Veritas.
Nabatid na ang CPP ay ang political arm ng communist group sa Pilipinas habang ang New People’s Army naman ang military wing.
Isa sa mga posisyon na inaalok ni Duterte sa mga grupo ng kumunista ay ang Department of Agrarian Reporm, Department of Environment and Natural Resources, Department of Labor and Employment at Department of Social Welfare and Development.
Unang tinaya ng mga otoridad na ang NPA ay meron na lamang 4,000 na miyembro mula sa peak nito na maabot sa 25,000 noong taong 1987.