219 total views
Nanawagan si Manila Auxiliaray Bishop Brdoerick Pabillo, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity kay President elect Rodrigo Duterte na pag – aralang mabuti ang K -12 program.
Ayon kay Bishop Pabillo, kinakailangan na malaman ng bagong pamunuan ang tunay na kalagayan ng mga guro na mawawalan ng trabaho dahil sa implementasyon ng naturang programa.
“Hindi na pwedeng maitigil yan dahil magsisimula na ang school year. Ang dapat nalang tignan sana ire – evaluate ng maayos kung maayos ba ang pagsimula niyan o hindi. Tapos kung hindi maayos ang pagsimula ano ang pwedeng gawin para maiayos. Kais ang claim ng DepEd na ayos na ang lahat kaya ngayon sa pag – implement nun ay nasa kanila kung maayos o hindi. Hanapan ng solusyon kung hindi maayos,” pagpapaliwanag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.
Hinimok rin nito ang mga guro na apektado ng K to 12 na ipaabot kay Duterte ang kanilang mga problemang kinakaharap at kakaharapin.
“Pareho yan sa sinasabi natin bahagi sa pagtingin nila sa pagpapatupad hindi lang yung mga estudyante, hindi lang yung curriculum, hindi lang yung mga schools pati rin yung mga teachers. At dito talaga natin malalaman talagang mabigay yung nararapat sa mga teachers,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Veritas Patrol.
Sa datos ng Department of Education aabot sa 39,000 mga guro ang mawawalan ng trabaho dahil sa implementasyon ng K to 12 sa bansa.
Nauna ngsinabi ni Pope Francis na kailangang pahalagahan ang mga guro dahil sila ang lumilinang ng kaalaman sa mga kabataan na kinabukasan ng lipunan.