CBCP-ECH, hinimok ang mamamayan na makibahagi sa medical missions

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 444 total views

Hinimok ng CBCP Episcopal Commission on Healthcare ang mamamayan lalo na ang mga healthcare workers na gamitin ang nalalabing panahon lalo na ngayong bakasyon at summer upang tulungan ang mga komunidad na nangangailangan ng medikal na atensyon.

Ayon kay Rev Fr Dan Cacino, Executive Secretary ng komisyon, bukod sa mahalagang matiyak ang kalusugan ng mamamayan, malaking ambag din ito sa pagpapalaganap ng panahon na ipinagdiriwang ng Simbahan , na extra ordinary Jubilee Year of Mercy.

“Eto yung mga panahon lalo na ngayong summer to join yung mga missions, yung mga medical missions, mag reach-out tayo sa ating mga komunidad. Ito rin ay isa sa mga paraan para ipagdiwang yung Jubilee year of Mercy.” Pahayag ni Fr. Cancino sa Radyo Veritas.

Paliwanag pa ng pari, sa pagsasagawa ng corporal works of mercy na pagtulong at pagdalaw sa mga maysakit, ay natutugunan natin ang panawagan ng Santo Papa na ipalaganap ang pag-ibig ng Panginoon sa ating kapwa.

“Isang part dito yung Corporal Works of Mercy na reaching out to the sick, reaching out to those in need, at ito yung panawagan na magmatyag hindi lamang sa kalusugan ng sarili natin, sa ating pamilya, pero lumabas tayo, magmatyag at tumulong para sa kalusugan ng iba.” Dagdag ng Pari.

Sa datos ng University of the Philippines National Health Institute, anim sa sampung Filipino ang namamatay ng hindi man lamang nadadala sa ospital o nasusuri ng mga doktor.

Sa ulat ng United Nations noong 2012, umabot sa 6 na milyon ang mga batang malnourished sa Pilipinas na nangangailangan rin ng medical assistance.

Dahil dito, muling binigyang diin ni Fr. Cancino sa mga mananampalataya, na gugulin ang kanilang panahon sa makabuluhang bagay tulad ng pagtulong sa mga nangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 4,613 total views

 4,613 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 28,929 total views

 28,929 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 64,719 total views

 64,719 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 106,546 total views

 106,546 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 159,550 total views

 159,550 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 300,844 total views

 300,844 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top