Ang Ating mga Karagatan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 424 total views

Kapanalig, ngayong tag-init, marami sa ating ang pupunta sa mga nagagandahang beaches at karagatan ng Pilipinas. Marami na namang hahahanga sa ganda ng ating kalikasan. Dadami din kaya ang mga mag-aalaga sa ating kalikasan?
Ang mga beaches natin ay tunay na kahanga-hanga. Marami ngang mga turista ang patuloy na nagbabakasyon sa ating bayan dahil sa ganda ng ating mga karagatan at baybayin. Kaya lamang, tunay ba nating na-a-appreciate ang ganda nito? Inalaagaan ba natin ang lahat ng ito?
Ayon sa report ng Ocean Conservatory, ang Pilipinas ay isa sa mga top polluters ng mga karagatan, kasama ang mga bansang China, Indonesia, Thailand at Vietnam. Malaking krisis, kapanalig, ang pagdami ng plastic at iba pang polusyon sa karagatan. Ayon sa Ocean Conservatory, pagdating ng 2025, magkakaron ng isang tonelada ng plastic kada tatlong tonelada ng isda.
Malaki ang implikasyon nito kapanalig sa ating ekonomiya at sa kabuhayan ng mga mangingisda. Lason sa mga halaman at isda ng karagatan ang plastic. Pakaisipin natin kapanalig na marami tayong mga kababayang mangingisda. Malaki rin ang kita ng ekonomiya mula sa fish exports. Mababawasan ito dahil sa plastic.
Ayon nga sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), noong 2014, pang walo ang ating bayan sa top fish producing countries sa buong mundo. May kabuuang produksyon tayo na umaabot sa 4.7 million metric tons ng isda, mga crustaceans, mollusks, pati mg seaweeds at iba pang halamang pandagat. 2.4% ng total world production ay mula sa ating bayan.
Kapanalig, kung ang ating mga karagatan ay mapupuno ng plastic, mababawasan ang huli ng ating mga mangingisda. Maraming kabuhayan ang maa-apektuhan. Ang fisheries sector ay may humigit kumulang na may 1,614,368 fishing operators sa buong bansa. Malaking bahagi nito ay binubuo ng mga municipal fisheries sector, kung saan umabot sa mahigit 1.3 million ang mga operators. Malaking dagok sa kabuhayan nila ang basura sa dagat.
Ang pagdami rin ng plastic sa karagatan ay may implikasyon sa food security ng bansa. Ang mga isda ay isa sa pangunahing source o pinanggagalingan ng protina sa diyeta ng mga Pilipino. Kung liliit ang ang dami ng mga isda at dadami ang ating populasyon, magkukulang ang supply.
Ang Economic Justice for All ay may mahalagang gabay sa atin ukol sa pangangalaga sa kalikasan: Meeting human needs today and in the future demands an increased sense of stewardship and conservation from owners, managers, and regulators of all resources, especially those required for the production of food. Ang Laudato Si naman ay may paalala rin sa atin, na sana ay gumising sa atin at mag-udyok ng positibong aksyon: tanungin natin ang ating mga sarili kung anong klaseng mundo ang iiwan natin sa ating mga kabataan. Kailangan natin makita na hindi lamang kalikasan ang nakataya dito, o ang ating buhay. Ang ating dignidad ang pangunahing nakataya sa nasisirang mundo… Ang isyu ng kalikasan ay isyu rin ng kahulugan ng ating buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 1,543 total views

 1,543 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 24,694 total views

 24,694 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 94,807 total views

 94,807 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 169,421 total views

 169,421 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 249,387 total views

 249,387 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NASAAN ANG SIMBAHAN

 1,544 total views

 1,544 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 24,695 total views

 24,695 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 94,808 total views

 94,808 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 169,422 total views

 169,422 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »
Scroll to Top