Ang bawat tao ay maaaring maging simbolo ng Pasko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 931 total reads

Ito ang mensahe ni Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Palawan Bishop Socrates Mesiona sa mga mananampalataya ngayong ipinagdiriwang ang kapanganakan ng Panginoong Hesus.

Ayon sa Obispo, maaga ang pagdiriwang ng kapaskuhan sa Pilipinas, dahil sa pananabik ng mga tao sa panahong ito.

Sinabi ni Bishop Mesiona na maraming tanda o simbolo na nagpapaalala sa bawat tao, at nagpaparamdam ng diwa ng kapaskuhan.

Kabilang na dito ang mga palamuting parol, belen at makukulay na ilaw , mga regalo, mga awting pamasko, simbang gabi o misa de gallo at mga batang namamasko.

“Ang buhay mo ay magiging awit-pamasko kung makikita ng iba na ikaw ay nagdadala ng kaligayahan. Ikaw ay magiging makulay na palamuti kung ang iyong magagandang halimbawa ay nagbibigay ng inspirasyon sa iba. Ikaw ay maging isang parol kung ang iyong buhay ay magbibigay ng liwang sa iba sa pamamagitan ng iyong kabaitan, pagtulong at pagmamalasakit sa kapwa. Ikaw ay maging isang regalo kung bukas ang iyong puso na magbigay sa mga kapus-palad. Ikaw ay simbang gabi kung handa kang magsakripisyo para sa ikabubuti ng kapwa, para sa ikabubuti ng ating bayan, ng ating lipunan.” pahayag ni Bishop Mesiona.

Naniniwala ang Obispo na ang mga ito ay simbolo lamang na nagpapaigting sa diwa ng kapaskuhan subalit ang mga tao ay maaaring maging buhay na simbolo ng pasko kung maisasabuhay ng bawat isa ang tunay na dahilan ng pagdating sa sanlibutan ng Panginoong Hesukristo.

“Marami tayong paghahandang ginagawa, mga simbolo upang maramdaman natin, maalala natin ang Panginoong nakasama natin. Ngunit sa lahat ng mga paghahanda, ang mga simbolong ito na naging bahagi ng ating buhay, tayo mismo ay magiging simbolo ng pasko kung maisabuhay natin ang tunay na pagparito nga ng ating Panginoong Hesukristo.” Dagdag pa ni Bishop Mesiona

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 48,204 total reads

 48,204 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 127,930 total reads

 127,930 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 161,377 total reads

 161,377 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 196,675 total reads

 196,675 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 421,336 total reads

 421,336 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,597 total reads

 37,597 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,486 total reads

 30,486 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top